jump to navigation

holiday dapat ngyon eh Pebrero 25, 2011

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments, one day in my life, to whom it may concern.
8 comments

hindi ko talaga matanggap na may pasok ngyong araw ang mga empleyadong kagaya ko. malapit ang pinagtatrabahuan ko sa edsa shrine at damay kami sa mga makikipagsiksikan sa kalsada mamayang pag uwi. eh bakit yung mga estudyante ang walang pasok? wala namang muwang yang mga yan sa diwa ng edsa revolution. paniguradong diretso sa shopping mall yang mga yan kundi naman eh sa mga bahay ng mga syota nila para magparaos. magkaisa. magkasama. kapit kamay. (more…)

makapanood nga ulit ng wrestling Pebrero 24, 2011

Posted by gasti in balitang isports.
Tags: , ,
10 comments

medyo may katagalan na rin nung huling na-addict ako sa kakapanood ng wrestling sa WWE. sunod sunod kasing na-injured yung mga paborito kong wrestlers at yung iba kagaya ni Brock Lesnar ay sumubok na makipagrambulan sa mixed martial arts. pati si Batista mukhang hindi na nakuntento sa scripted na laban kaya mukhang naglipat na rin ng channel.

parang kelan lang nung napanood ko ang pinakamalupit na laban sa kasaysayan ng wrestling. ang laban sa pagitan ng dalawang bidang ito. (more…)

show me the pussy! Pebrero 23, 2011

Posted by gasti in muni-muni moments, petskoto, to whom it may concern.
Tags: ,
5 comments

Updated:

naalala nyo pa ba yung pusa kong binubugaw? well, happy na sya ngyon. natapos na rin ang mahabang tagtuyot sa kanyang buhay. at ako naman, proud to be a bugaw for the first time. happy rin naman ako for him pero hindi ko maiwasang mainggit sa pusang yun. buti pa sya walang kahirap hirap shoot agad. kapag ako kelangan ko pa magmakaawa at lumuha ng dugo para makaisa. I hate my life. nakapagdecide na ko. gusto ko maging pusa. (more…)

ako na ang sporty Pebrero 21, 2011

Posted by gasti in balitang isports, muni-muni moments.
5 comments

literal na hindi man lang nakaapak ang mga paa ko sa labas ng bahay namin. sobrang solb ang mga mata ko sa pagkakatutok sa tv habang nanonood ng laban ng ating kababayan na si Nonito “the filipino flush” Donaire Jr. kay Fernando “KOchulito” Montiel. nakalimutan ko na nga kumain ng almusal dahil sa sobrang excitement. (more…)

ikaw na ang madaming friends Pebrero 17, 2011

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
10 comments

hindi ako palakaibigan na tao. hindi naman sukatan ng pagkatao ang bilang ng mga kaibigan na meron ka. o sige na ikaw na ang madaming friends. ikaw na ang may masaganang social life. ikaw na ang bida.

wala ka ng ibang maririnig na kuwento kundi mga buhay ng mga friends nya. kung anong kagagahan ang mga pinaggagawa nila at kung gaano kayaman si ganito. librehan. asaran. pakyuhan. anong klaseng sustansya naman ang makukuha ko sa pakikinig ng mga ganyan.

isa sa mga pagsubok na pagdadaanan mo sa buhay ay ang pakikipagkilala sa mga kaibigan ng mahal mo. hindi pa kayo nagkikita pero kilala ka na nila. ayos lang sana kung puro magaganda yung balitang nakakarating sa kanila diba? bukas palad ka nilang tatanggapin at lalandiin. eh ang kaso mo, hindi. depende sa kung gaano kalasing ang syota mo nung nagkuwento sya. malaki ang posibilidad na masamang tao ka na sa paningin nila, at napagpasyahan na nilang hindi ka nila gusto base lang sa mga narinig nilang kuwento.

there’s always another side of the story. pero hindi lahat gustong makinig dyan. pwedeng yung iba pakinggan ka pa, pero hindi ka naman paniniwalaan. wala ring silbi.

hindi naman kasi nating pwedeng isiksik ang mga sarili natin sa mga taong nakapili na ng papanigan. ganun lang naman kasimple yun. paniwalaan mo yung gusto mo paniwalaan pero hindi na pwedeng bawiin ang mga nasabi na. mawawalan ka ng kredibilidad. takot mo lang siguro bumaliktad lahat yan sayo at mawalan ka ng kaibigan. sino na ang makikinig ng mga sentimyento mo sa buhay? kanino ka na hihingi ng payo pagdating sa lovelife mo? sino na kasama mong maglunch? kanino ka na magmamaganda?! and all that shitty stuff.

gusto kong isipin na gusto rin nila akong makilala dahil balak nila ako maging kaibigan. pero nabura na sa isipan ko lahat ng magagandang posibilidad na pwedeng mangyari base na rin sa mga pahapyaw na salitang nabasa ko. hindi naman ako tanga para hindi ko malaman ang mga ganyang bagay. masyado nyo naman akong minamaliit nyan. kung ayaw nyo sakin, ayaw ko rin sa inyo. wag na tayong magplastikan.

pwede namang sa bahay na lang Pebrero 14, 2011

Posted by gasti in to whom it may concern.
6 comments

wag na kayo magpasikat sa mga gf o misis nyo ngyong Valentines Day. kung ipipilit ng mga babaeng yan na lumabas kayo mamayang gabi at makipagsiksikan sa ibang magsyosyota na may suot ng nakaririmarim na couples shirt para lang maka-avail ng mga valentines promo sa restaurant, motel at iba pang establisimyento, kahit mahal nyo pa yan, hamunin nyo agad ng hiwalayan. demanding amputa?! bukas pa kaya ang sweldo. (more…)

sablay pre! Pebrero 10, 2011

Posted by gasti in muni-muni moments, self review, to whom it may concern.
9 comments

nakakaumay na ang balitang pagsuicide ng mga tao. lahat naman tayo ay may pinagdadaanang kunganoman sa buhay natin. pwedeng sarilinin mo, pwede mo ring ipamalita sa iba. desisyon mo yan kung saan ka mas kumportable. pag-share ng problema ang tinutukoy natin dito ah hindi pamimigay ng problema. sa iyo na yan. pagdamutan mo na kami.

medyo hindi maganda ang pakiramdam ko ngyon. mabilis naubos ang swerteng inakala ko ay tuloy tuloy na bago pa sumapit ang year of the rabbit at kasabay ng pagpapaputok ng mga intsik at pagsemplang ng ferrari sa Ortigas (na syempre hindi ko pagmamay-ari), lumabas naman ang katotohanan na hindi pa ako lubusang magaling. simula ngyong araw hanggang ika-sampu ng Abril ay iinom pa rin ako ng gamot. at kasabay ng masamang balitang yan ang paglaho ng mga masasayang ala-ala kapiling ang mga bote ng alak at pakikipagshootan sa mga chiching.

hindi nakatulong yung pagnguya ko ng tikoy para lubayan ako ng malas at maging mas malagkit ang pagsasama namin ni misis. siguro kasi hindi sya kumakain ng tikoy? ahhhmm. kuntento na daw kasi sya sa prediction sa mga “year of the monkey” na gaya nya. successful sa career. relationship? lovelife? ano yun?! hindi naman nakakain yan.
(more…)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 74 other followers