jump to navigation

running shoes Mayo 23, 2011

Posted by gasti in kwentong pasahero, muni-muni moments, to whom it may concern.
7 comments

hindi madaling maghanap ng gusto kong sapatos. nakarating na ko sa Nike Park ng The Fort, Sta. Lucia, Gateway at Trinoma pero sa kasamaang palad, bigo pa rin akong makapili ng sapatos na pwede kong gamitin sa araw araw kong lakad-takbo.

gustong gusto ko na gamitin itong gift certificate na bigay sakin ni misis nung anniversary namin. baka kasi maiwala ko pa o malukot o mabasa. sayang naman. kaya lang eh pare-pareho naman ang mga paninda sa Nike Park. puro bagong stock na kasi ang naka display. para tuloy nag roundtrip pasyal lang kami ng anak ko ng 4 na oras. (more…)

buhay ka pa Mayo 23, 2011

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
3 comments

obviously hindi ngyari ang sinasabing katapusan ng mundo nung May 21. malaki raw ang dapat nating ipagpasalamat kay Macho Man dahil napigilan nya ang tangkang paggunaw sa mundo natin. kung papano? ganito lang kasimple yun.

thank you Macho Man

mangyari kasing bago maganap ang itinakdang katapusan, hindi naman inaasahan na maaksidente ang isang batikang wrestler na si Macho Man isang araw bago mangyari ang dapat na mangyari. syempre kapag macho ka, lahat kaya mo. well, sayang ang preparations. better luck next year.

ibig sabihin. tuloy na tuloy na ang bakasyon namin sa Antique sa darating na byernes. tuloy na rin ang pagbili ko ng Happy Meal sa McDo para makumpleto ko ang Kung Fu Panda 2 na laruan. tuloy pa rin ang panonood ko ng Spartacus. at siguro tuloy pa rin ang malaswang issue nina Mirriam Defensor Santiago at Aling Dionesia. tuloy tuloy lang po tayo sa kagaguhan.

eye of the tiger Mayo 10, 2011

Posted by gasti in balitang isports, muni-muni moments, to whom it may concern.
Tags: , , , ,
10 comments

hindi ko maintindihan ang mga fans ng boxing at so-called-boxing-experts na yan. kung magsalita akala mo kegagaling gumulpi. hindi marunong makuntento. hindi pa sapat na manalo yung boksingero natin at malinis ang mukha para umuwi tayong nakangiti at satisfied sa laban? hindi na kasalanan ni Manny kung ayaw makipagsabayan ni Mosley.

ewan ko sa inyong mga nakapanood pero ako ayos na sakin yun. hindi ko pinanghinayangan kung magkano man ang binayad ko para panoorin ng live ang laban sa sinehan. pati na rin ang tatay ko at kapatid kong kasama ko nanood. yung laban pa lang sa pagitan ni Jorge Arce at Wilfredo Vasquez Jr, natuwa na ko eh. maraming sasang ayon sakin na yun ang best fight of the night. (more…)

kung bakit napatagal ang physical exam ko Mayo 4, 2011

Posted by gasti in muni-muni moments, pampakiliti.
11 comments

asan ka na? hindi ka pa ba tapos?!

nakareceive ako ng text mula sa kaopisina kong kasamang pumunta sa clinic. hindi ko namalayan na matagal na pala kaming magkasama ni doktora. masarap kasi kausap si Doc. para syang isang haponesang nagro-roleplay. sa buong karanasan ko ng pagpapacheck up, ngyon lang ako nakakita ng ganung klaseng doktora. mukha syang bata, mahinhin magsalita, sexy at hindi mukhang nanay. ang swerte ko naman.

(more…)

palong palo! Mayo 2, 2011

Posted by gasti in movie review, muni-muni moments.
5 comments

mabuti na lamang at nakapuslit kami ni misis kahapon papuntang sinehan na walang batang bitbit. isang mabilisang lakad papuntang sinehan at sa wakas. nairaos din ang pananabik sa isa’t isa. what the fuck?! nanood lang naman kami ng Thor. (more…)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 75 other followers