same old shit different day Hulyo 20, 2011
Posted by gasti in muni-muni moments, self review, to whom it may concern.13 comments
the exact words of Red (Morgan Freeman) in the movie Shawshank Redemption after being denied of a parole for the nth time.
sino ba sa atin ang hindi nakaranas ng kahit na anong klase ng rejection? nagkakaiba lang siguro tayo kung paano natin lulunukin ang bawat kamalasan na dumating sa buhay natin. kung pano natin haharapin ang mga problema at kung anu-ano pang mga shit.
nakaranas na rin ako ng mga rejection nung mga sinaunang job interview ko. hindi kasi ako bihasa sa pagpapa-impress ng mga tao lalo na kung wala naman ako balak na asawahin ito. simple lang naman gusto ko. yung makakuha ng trabahong maayos ang pasweldo. hindi kuripot ang boss. maraming co-workers sa team. at hindi paulit ulit ang ginagawa.
nakakabaog na sa totoo lang ang ganitong daily routine. makalipas ang mahigit limang taon ko na dito sa opisina, pakiramdam ko ay unti unti na akong na-institutionalized dito. hindi ko na alam kung meron pang ibang oportunidad ang naghihintay sakin kung sakaling maisipan kong sukuan na ang trabaho na ito. mas gusto ko na lang isipin na magtayo ako ng sarili kong business at bahala na ako dumiskarte kung papano mapalago yun. kesa naman sa ganitong nakaupo ako dito at nag aantay na lang ng sweldo na mauubos din agad mga ilang sandali pagdapo sa kamay ko. lalo namang nakakainip maghintay ng profit share at 13th month pay para sa isang one time big time na kasiyahan.
hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na antayin pa ang ika-animnapung kaarawan para lang makalaya sa isang kumpanya. masyadong matagal yun. mabuti sana kung maganda ang pasweldo at benepisyong makukuha mo. pero kung makakatanggap ka lang ng 10% yearly increase o masaklap kung mas mababa pa dyan. at lalong mas nakapanlulumo kung wala talaga ni pisong dagdag sa sweldo considering na tumataas ang pamasahe, presyo ng gasolina, pagkain, alak, ticket sa mga sinehan, singil sa kuryente, tubig at kung anu-ano pa. masiyahan ka na ba sa ganun?
kelangan magtipid. mag ipon. at isakatuparan ang plano sa lalong madaling panahon. sana next year hindi ko na ulit kelangan pang gumawa ng entry na gaya nito.
balik tayo sa movie. bukod syempre sa paraan ng pagtakas ni Andy (Tim Robbins) sa kulungan, eto yung isang part ng movie na mapapabilib ka.
hope is a good thing, maybe the best of things, and no good thing ever dies. – Andy Dufresne
puro naman kasi kayo Harry Potter. hindi ako makarelate. hukayin ko na lang yung movie archives ko sa bahay.
promo girls I loved before Hulyo 14, 2011
Posted by gasti in muni-muni moments, one day in my life.11 comments
this month ng July next week, eksaktong isang taon na ang lumipas nang madapuan ako ng Tangenang Bakteria sa katawan. and Here I am. playing with those memories again..and just when I thought time has set me free…ay pota napakanta na. wala lang gusto ko lang gayahin yung kaibigan ni Popoy sa One More Chance na nagcecelebrate ng araw kung kelan sya nabulag. anyways, masaya na ako so far sa pagbabalik sa normal (pero underweight pa rin) na katawan ko. (more…)
mistaken identity Hulyo 8, 2011
Posted by gasti in kahihiyan, one day in my life, to whom it may concern.14 comments
hindi na naman bago sakin na napagkakamalan ako ng kung sino sinong makakasalubong ko. siguro ganun lang ka-common ang itsura ko. nung hayskul nga tinatawag akong Bobby Andrews pero wala lang naman sakin yun. artistahin ang dating natin eh.
may nakamukha na akong pinsan ng misis ko, ex-boyfriend ng babaeng nakilala ko sa isang website, kaklse ko, at ng kung sinu-sino pang mga estrangherong hindi ko naman kadugo. ayos naman dahil atleast hindi naman hukluban ang mga itsura ng mga tineterno nila sa mukha ko. pogi nga daw at mestisuhin. kapit lang mga kapatid, parating na ang bagyo.
eto ang malupit. kanina lang pagpasok ko sa building ng kumpanyang pinapasukan ko, biglang may umangkla sa braso ko.
babaeng hampaslupa: Halika rito! ikaw ngyon ang boyfriend ko.
cool lang ako. inisip ko baka yung kaklase ko lang to nung hayskul na nagwork rin sa same building. nilingon ko agad kung sino ang mapalad at malanding babaeng gusto akong boyprenin for the day. pero ginulat ako ng itsurang tumambad sa mukha ko eh! Who’s that girl?! eh buti na nga lang sana kung mala-Anne Curtis ang itsura na matagal na palang nagnanasa sakin at ngyon lang nagkalakas ng loob lapitan ako pero hindi eh. she’s old enough to be my Mom! putragis na yan. kinilabutan naman ako dun.
nagkatitigan kami mga 5 seconds. pareho kaming shocked! na-realize na rin nya sigurong hindi ako si Tirso Cruz the third. utang na loob, ganun siguro yung tipo ng mga crush nya nung kapanahunan nya. binawi ko na ang braso kong kanina ay hinablot nya ng walang paalam. nakatingin na yung gwardya samin dahil nakaharang kami sa entrance. alam kong narinig nya ang kalandian ni madam. anong dapat kong gawin?
gasti: Uy dun ka pa din ba nagwo-work?
babaeng hampaslupa: ahhh oo (at talagang sumagot pa ang bruha)
Breath in now breath out
Hands up now hands down
Back up back up
Tell me what you’re gonna do now
Keep rollin’ rollin’ rollin’ rollin’ (x4)
habulin mo ko Hulyo 6, 2011
Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.11 comments
anlandi lang nung title ko di ba? pero walang halong kalandian itong entry ko. sobrang tuwa ko lang at sa wakas ay nakabili rin ako ng sapatos. you have no idea kung gaano ako kapihikan mamili ng sapatos. considering the budget, the style and the color perhaps. ang arte? basta ganun.
I just want to say fuck those Nike free running shoes on sale this year. wala man lang ako nagustuhan. inabot na tuloy ako ng panahon ng tag ulan bago ko ma-realize na may iba pa palang brand ng sapatos na pwede kong bilhan. pwede ko naman gamitin yung gc ko sa Nike Park pambili ng jacket. (more…)

