bayad muna, bago bumiyahe Oktubre 21, 2011
Posted by gasti in kwentong pasahero, muni-muni moments.6 comments
matagal ko ng napansin itong ganitong gawain ng driver eh. nakasanayan na kasi nating magbayad habang nasa byahe na at kung minsan yung ibang kapalmuks, na nagbabayad kapag pababa na (excemption yung sa tricycle at taxi). hindi ba ipinagbabawal na yung pagtetxt habang nagda-drive? maaalis kasi ang tingin mo sa kalsada at kapag nawili ka sa kakapindot sa celfon, baka sa sunod na lingon mo eh may nasagi ka na. pano pa kaya kung may mag abot ng bayad sayo at kailangan mo pang suklian. mas mahirap yung nagbibilang ka pa ng pera. may kasama pang computation yan kaya napakadelikadong gawin habang umaandar ang sasakyan. mabuti sana kung lahat ng driver ay may kasamang tagasukli hindi na sya maabala sa pagmamaneho nya.
ganyan din ang reklamo ko sa shuttle na sinasakyan ko. hindi man lang sila maningil bago pasakayin ang pasahero para hindi na kami maabala pa na suklian ang mga sarili namin o di kaya ay isigaw ang mga sukli namin. hindi tuloy ako makaidlip ng diretso dahil inaabangan ko ang part ng singilan. (pag nahuli ka kasi ng bayad eh magagalit ang driver).
eh kung ganito na lang kaya.
sa jeep o fx kapag may sasakay, natural hihinto
magbabayad yung pasahero
aabutin ng driver ang bayad at magsusukli (kung meron man)
paaandarin ang sasakyan.
ganun lang kasimple. dire-diretso ang byahe at ligtas tayo makakarating sa patutunguhan natin. maiiwasan pa yung mga kapalmuks na driver na hindi marunong magsukli ng tama at patay malisya kapag nanghihingi ka ng sukli. maiwasan na rin ang pag 1-2-3 ng mga kups. baka pati holdapan sa loob ng sasakyan mabawasan kundi man tuluyang mawala.
ganyan rin naman kadalasan ang umiiral sa mga carinderia ngyon diba. pay as you order. sa mga restaurant lang naman yung gugulatin ka sa bill eh. sa eroplano, bayad muna bago lipad. sa sinehan, bayad muna bago nood. sa mga pasyalan, bayad muna bago pasok. sa mga massage parlor naman, bayad muna bago masahe. tapos kung gusto mo pa humirit ng extra service, bayad muna bago hubad. wala namang masama dyan. gusto lang natin masiguro na hindi tayo maagrabyado.
