jump to navigation

cartoons lang naman Nobyembre 24, 2011

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
10 comments

kagaya ng isang normal na bata. nahilig din ako sa panonood ng cartoons. may nakakatawa, nakakaiyak at nakaka…busog? lusog? ok fine. nakakalibog. isama mo na dyan yung fushigi yugi, sailor moon at yung naggagandahang babae sa Evangelion.

tinanong ako minsan ni misis kung alam ko daw ba yung “tentai”. napakunot na lang ako ng noo at handa ko ng sabihin sa kanya na..”oo yung brand ng patis yun diba?!’ pero napagulong na lang ako sa kama nung sabihin nyang cartoons daw yun na bastos. langya. hentai pala ang ibig sabihin. at syempre alam ko na yan noon pa. (may karugtong…)

mexican pride vs. pinoy pride Nobyembre 17, 2011

Posted by gasti in balitang isports.
3 comments

hanggang ngyon ay nakakabasa pa rin ako ng mga diskusyon tungkol sa laban ni Pacquiao. mukhang marami ang hindi nasiyahan at lalong mas marami ang nagmamarunong ngyon.

tingnan nyo na lang mukha ni Marquez kung talagang kaunti lang ang suntok na sinalo nya. sa 3 laban nila, ito na ang pinakamaayos na mukha ni Pacquiao after the fight. hindi pa ba obvious kung sino ang panalo? bawi na lang kasi next time.

hindi ko na sana papatulan tong mga balita na to dahil nakakasuya na pero hindi ko napigilan sarili ko magkomento sa mga demands ni Marquez kung magkakaroon man ng 4th fight.

The 38-year-old future hall-of-fame’s conditions are that the third fight must be declared a no contest, Pacquiao must accept that he lost, he must receive a guaranteed purse of $10 million and that the fourth encounter must take place Estadio Azteca in Mexico City.

Now I am the one who will put forth the conditions. I want to see if it is true that Manny Pacquiao fights for the people. First he has to accept that he lost, the WBO (World Boxing Organization) must not accept the decision they gave him, and give him a no-contest,” said Marquez, who was already considering hanging his gloves after the frustrating loss, in a report posted at the Examiner.com.

tapos sinabi nya pa noon na hindi sya magfile ng protest. ah ewan. masyado na syang obssessed manalo kay Pacquiao. baka pag namatay sya ilagay pa nya sa lapida yung “I beat Pacquiao thrice”.

saktan na yan! Nobyembre 10, 2011

Posted by gasti in balitang isports, paligsahan.
7 comments

dumating na ng Las Vegas si Manny Pacquiao at mukhang ready na talaga ang lahat sa nalalapit na boksingan. ako rin syempre may ticket na para manood ng live sa sinehan. naalala ko pa noon, yung pangalawang beses na naglaban si Pacquaio at Marquez para sa WBC Superfeatherweight division. nakikinig lang kami ng komentaryo sa radyo. nakaka-excite rin naman pero nakakainis din dahil para kang bulag na nag iimagine kung ano ang pinaggagawa nila sa ring. nakakainip maghintay. eh di lalo naman sa tv na 2 fights delay. langya. nagsisikantahan na ng national anthem yung mga tao sa US tapos undercard pa lang yung pinapalabas sa tv. papano ka naman gaganahan pa nyan.

kaya simula noon sinabi ko na sa sarili ko na hindi na mauulit yun. at dahil kaunti na lang din ang mga natitirang laban sa boxing career ni Manny ay dapat ko ng paghandaan ang mga ito. kung makapagsalita lang akala mo nasa team pacquiao na ako noh? palagay na rin kaya ako ng meteor tattoo sa kaliwang  braso para official na.

hindi ko na papahabain pa to. gusto ko lang magbigay ng prediksyon sa laban. dahil sa naniniwala akong seryoso si Manny na gusto nyang saktan at patahimikin na itong si Marquez, at dahil may bago syang Ferrrari, hindi na aabot sa 12 rounds ang laban na ito.

Manny Pacquiao by TKO victory sa round 5. hindi na rin ako magtataka kung mapabagsak nya si Marquez sa round 1 pa lang pero ang tanong dyan eh kung ilang beses. for sure naman makakatayo pa sya dahil sa tibay at kapal ng pagmumukha nya. magandang laban ito.

kayo anong round hula nyo matatapos ang laban? katuwaan lang. kung sino ang unang blogger/commenter na makahula ng tama, bibigyan ko ng ferrari na kagaya nung nabili ni Pacquaio. o ayan putsa san ka pa? samahan pa natin ng 1 million pesos in cash, house and lot sa camella homes (area of your choice) at condo unit from any SM residences of your choice tapos makaka-date mo pa si Anne Curtis. maagang pamasko to para sa lahat. kung sakali mang matalo si Pacquiao, isasara ko tong blog ko for a week at magkalimutan na tayo.

yung totoong premyo? diecast model lang ng ferrari 458 Italia. yung mga nasa Pinas lang ah. sige hula na!

nice to meet you Nobyembre 4, 2011

Posted by gasti in kahihiyan, muni-muni moments, wasakan.
6 comments

matagal na ako gusto makilala ng mga kaopisina ng misis ko. siguro curious lang sila sa itsura at ugali ko dahil sa mga pinagkukuwento nya. pwedeng makasundo ko sila agad o pwede ring magplastikan na lang kami para civil naman kahit papano. hindi ko talaga alam kung anong hanap nila pero pumayag na rin ako makipagkita. (may karugtong…)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 68 other followers