the long and winding road Abril 10, 2012
Posted by gasti in bakasyon stories.Tags: Baluarte, Calle Crisologo, hundred islands, Pagudpud, Saud Beach Resort
trackback
kamusta naman ang bakasyunista? hehe! medyo napasarap lang ang pasyal pasyal kaya tinamad na naman ako magblog. kakapagod na kasi magkwento minsan. nakatulong din itong lenten season break para makapag recharge ng batteries. kung magsalita kala mo parang robot lang ano? yung totoo nga parang nanghina ako lalo sa haba ng byahe namin. pilay pa nga ako maglakad ngyon papasok ng opisina.
nagkayayaan magroadtrip. 8 kami lahat. 4 adults and 4 kids (ages 3, 6, 9 and 14) kinabisa ko na yan dahil paulit ulit ako kung mag inquire sa mga hotel na matutuluyan. ang challenge kasi eh wala kaming mga hotel reservations. bahala na maghanap ng matutulugan kung saan maabutan ng gabi. mabuti naman at hindi na namin kinailangan maglatag ng banig sa kalsada.
first stop is Hundred islands, Pangasinan. island hopping sa Hundred Islands. yung bangkang nirentahan namin ay good for 10 persons na nagkakahalaga ng 1500. sulit na dahil marami na kami isla napuntahan at napaliguan. sa sobrang sulit nga parang gusto ko na umuwi. lols! naubusan agad ng energy.
2nd stop is Vigan, Ilocos Sur. dito na namin sinimulan ang aming Visita Iglesia. natutuwa naman ako at nakikipag cooperate ang mga bata sa pagdadasal. pasasalamat na rin sa mga blessings na natatanggap namin at mga dasal para naman sa naiwan naming kapamilya sa bahay. bukod sa mga simbahan ay namasyal din kami sa Baluarte ni Chavit. meron syang 3 tigre, camel, sangkatutak na ostrich, mga magagandang klaseng parrot, donkey at dinosaurs. oo may tinatago pala syang dinosaurs doon. ganun sya kayaman. pumunta rin kami sa sikat na Calle Crisologo. yan yung kalsada na gawa sa bricks at napaliligiran ng mga lumang bahay. marami kang mabibiling souvenir items dito. yung nabili ko nga shirt eh 99 pesos lang. sumakay din kami ng kalesa worth 150 pesos for 1 hour para maglibot. andami tinuro nung mamang kutsero na sikat na lugar pati yung pinagshootingan daw ni FPJ sa isang pelikula nya. sa mga pagkain naman, tinikman ko rin ang Bagnet at Longganisa nila. masarap naman pero namamahalan ako sa bagnet na 360 pesos isang kilo. at yung longganisa na 120 per dozen ok naman ang lasa pero sanay na kasi ang dila ko sa manamis namis at siniksik sa taba na version nito.
3rd stop is Pagudpud Ilocos Norte. inabot na kami ng dilim sa byahe. sakto lang sana ang dating namin ng pagudpud mga bandang alas syete sa tulong na rin ng aming GPS. pero pagkarating namin ng Pagudpud at hinahanap na namin ang daan papuntang Saud, dun na kami naligaw. sa sobrang pagkaligaw, napunta na kaming Cagayan. napansin na lang namin yung karatulang “Thank You Come Again” makalipas ang isang napakahabang zigzag road na ubod ng dilim ang daan dahil wala man lang mga poste ng ilaw. napakadelikadong bumiyahe pala roon pag gumabi na. wala naman kaming choice kundi tahakin na naman ang daan na yun pabalik. nagtanong tanong na kami sa mga nadadaanan naming residente. marunong naman sila umintindi ng tagalog. alas nuebe na ng marating namin ang Saud at agad kaming naghanap ng matutulugan at makakainan. alam nyo yung mga bahay sa probinsya na yari sa kahoy at papag na gawa sa kawayan ang mga higaan? yung banyo ay walang pinto at kurtina lang na gawa sa lace ang harang. may lagusan pang butas na masisilipan ka ng mga nasa 2nd floor na may ari ng bahay. yun lang ang available na matulugan dahil lahat okupado na. hindi ko ma-justify ang 2000 pesos na presyo para sa isang overnight stay. pero ayun nga. wala naman kasi kaming choice. umalis na lang kami agad pagkagising at dumiretso na sa kalapit na Saud Beach Resort. swerte namang may available pa na room para makapag overnight stay din. maganda talaga ang beach dun sa Pagudpud. nag tour pa kami sa ibang tourist spots dun sakay ng nirentahan naming trycycle worth 650 pesos. dun na kami naglunch sa may Hannahs Beach Resort. yung pwede kang magpaluto ng sariwang isda, crab, hipon, lobster, curacha at kung ano pang mga nahuli sa dagat pati seaweeds siguro. 150 pesos ang cooking charge + yung presyo ng hilaw na food. sulit na sulit! may mga iba pa kaming napuntahan pero hindi ko matandaan kung saang lugar. yung Kabigan Falls lang ang hindi na namin pinuntahan dahil 45 minutes trekking pa daw eh may mga kasama kami bata. kuntento na naman sila sa buhangin sa beach.
may comment lang pala kami sa Saud Beach Resort. maayos naman makipag usap ang nasa front desk pero yung sistema nila na hahanapan ka pa ng “meal stab” everytime na kakain ka sa nakahandang buffet eh nakakabwiset. considering hindi pa masarap yung nakahandang pagkain. yung isa nga naming kasamang bata eh puro sabaw lang ang kinuha. ikaw ba gugustuhin mong kumain pa na bago ka sandukan ng pagkain eh tatanungin muna nila kung asan na yung meal stab mo? at hindi lang nila isang beses itatanong yan. pati yung mga waiter, uulit ulitin pa. eh yung meal stab naman eh binibigay pag pasok mo pa lang ng kainan. for sure hindi na kami babalik sa lugar na yan. siguro mas ok pa sa Hannah’s beach resort o sa iba pang mas mura murang resort na kalapit nila. at nga pala, check in time namin dapat eh 2pm pero ilang beses kami nag follow up sa kanila at ang laging sagot nila eh nililinis pa daw yung room. mga bandang 3pm na kami nakapasok ng room. tapos sasabihin nilang strict ang time nila na 12pm ang checkout time.
yung trip namin pabalik eh dire diretso na. stop over lang sa ilang lugar para mamili ng mga ipapasalubong. palitan kami ni bayaw sa pagdadrive pero nakakapagod pa rin talaga dahil humigit kumulang 14 hours kami nagbyahe kasama na yung mga parteng naligaw kami. eh kahit nga sa NLEX napasobra pa ko ng daan eh. hindi ko kasi napansin na mag exit na pala sa Balintawak at ako na lang pala ang gising nung mga oras na yun. nagulat na lang sila nung magising sila at magtanong kung nasan na kami at hindi ko masagot. hahaha! buti na lang hindi pa masyado napapalayo sa tamang daan.
sakto lang ang dating namin sa bahay. around 3:30AM Easter Sunday at hindi pa nagsisimula ang trapik na dulot ng mga prusisyon. bagsak ang katawan ko pagdating sa bahay. hindi kasi sanay sa mahabang byahe kaya siguro halos lahat kami eh nakaranas ng pagkahilo at pagtatae. hanggang ngyon nga sumasakit pa rin katawan ko. no regrets naman. isang experience na parang ayoko ng ulitin. haha! sabi nga ni misis, next time sakay na lang daw kami ng eroplano papuntang Laoag. ang hirap magroadtrip kapag may kasamang mga bata.







wow! ayus na roadtrip yan pre. mabuti naman at nag-enjoy ang buong pamilya. pahiran mo na lang ng omega pain killer yang paa mo pre. haha!
gasti: meron ako Pau liniment at efficasent oil sa bahay. haha! sana umepek na.
Naks! at least na enjoy naman ser gasti…yung tipong kahit ilang araw lang eh ibang scenery naman nakikita.
gasti: ibang scenery nga yung mga napuntahan namin. kahit sabihin nating City na rin ang Vigan, na-preserve nila yung makalumang culture. saka syempre yung beach at bitches magaganda.
ikaw ba ang natokang drayber, ser? walastik, dapat may ka-sub ka kung ganiyan kahaba ang roadtrip niyo. pero sabi mo nga, oks lang dahil nakapag-relaks naman kayo kasama ang mga kids. bonding moment na rin.
at hindi na ‘ko maglilitanya ng kung anong nangyari sa semana santa ko pero sapat na sigurong sabihing si dude ang saving grace ko sa masalimuot na kalbaryo ng huli week ko.
p.s. kapareho ng kay apollo, humihingi rin ng credentials shit ang crib mo ser. kaya napa-login ako bigla bilang jk stephens. o_O
gasti: palitan kami magdrive nung bayaw ko. kakapagod nga eh kahit may stop over pa, ang hirap din ng puro pazigzag ang dadaanan.
mukhang may binago ang wordpress ng hindi ko alam ah. hehe! hindi ko alam paano ayusin eh. exlpore ko muna.
Akala ko nagbibiro ka lang tungkol sa dinosour.. hanggang sa nakita ko ang picture! May dinosour na pala talaga dun!
College pa ako nung nakapasyal sa buong Ilocos region, may kaklase kasi ako dun na sasaksakan ng bait na ipinasyal kami. Memories! Its all coming back to me now.
Naalala ko yung kalesa ride, yung kutsero mega kwento. Katulad ng kwento mo, lahat ng mga artista, san tumira san nag-shooting alam. Pinasyal din nya kami sa kung saan saan na kahit yung kaklase ko na tagadun ay hindi nya alam. Pagkatapos ng kalesa ride.. times 3 ang binayaran namin dahil sa complete tour ni manong. Pinagkakitaan lang pala kami.
Nung pumunta kami sa Pagudpud, pareho tayo ng inisip: Hindi na ako babalik dito. Ang layo!
gasti: sabi ko na nga ba kelangan ko magpost ng picture ng dinosaur eh. ang ganda kaya ng pagkakagawa. masyado pulido pati mata kaya buhay na buhay ang dating. milyon milyon siguro nagastos sa pagpapagawa nun.
maganda sa Ilocos marerelaks ka talaga at mura rin naman ang mga bilihin. kakapagod nga lang talaga magbyahe kaya wala muna sa isip ko bumalik dun agad agad. hehe! yung kalesa ride nyo for 1 hour din? kung times 3 ng binayaran namin mahal nga yun. alam ko flatrate yun 150 for 1 hour tour eh.
Nakakatawa yung sistema natin sa Pilipinas na che-check pa ang food stub bago kumuha ng pagkain. Hahaha.. Ginagawa kaya nila sa mga foreigner yan? Only in the Philippines grabeh.
Pero ang saya naman ng road trip ninyo. Challenging talaga kapag walang mga reservations at backpacker lang pero yun yung dumadagdag sa thrill. Problema lnag kapag may mga kasamang bata medyo alanganin. Stressed na stressed ka siguro. Hehe..