jump to navigation

suntukan daw Pebrero 2, 2012

Posted by gasti in balitang isports, muni-muni moments.
12 comments

as usual, wala na namang nangyari sa negosasyon ng pinakaaabangang laban ng lahat. kalimutan na natin ang Pacquiao vs. Mayweather ngyong darating na May 5 o baka kahit sa November wala na rin mangyari. mahirap talaga yung nasosobrahan ka na ng yabang at bilib sa sarili.

Mayweather vs. Cotto sa darating na May 5. hindi na rin masama dahil gusto ko rin makita kung ano mangyari sa laban na yan. ang hindi maganda ay yung matitirang pagpipilian ni Paquiao. medyo obvious ng si Timothy Bradley ang ipapartner sa kanya ni Bob Arum. yung mukhang ninja turtle na yan na mahilig mang headbutt. kakaumay.

mas gusto ko pa panoorin yung mga laban ni Nonito Donaire Jr. sa totoo lang, astig manuntok. astig sa porma. at astig sumagot sa mga interview. sana maabot nya rin yung kasikatan ni Pacquiao dahil magaling din naman sya.

medyo nilalayo ko muna ang utak ko sa trabaho ngyon dahil pakiramdam ko eh umoonti na ang sperm count ko. ewan ko ba rito sa kumpanya namin kung bakit hindi pa nagdadagdag ng empleyado. utang na loob naman. dati 6 kami. nagsabi sila na maghire pa ng 2. hanggang sa magsipagresign na yung dalawang kasama ko walang dumating na kapalit. naalala ko tuloy yung mga palaro sa kids party na “the boat is sinking. what shall we do?”. Group yourselves into four! naknampepe yan. nakakabaog.

ayoko na talaga magpost ng tungkol sa trabaho dito sa blog sa totoo lang. isa dahil baka matunton na ko ng boss ko at pangalawa dahil wala rin naman pagbabago mangyari. kaya nga sana sa susunod, ikwento ko naman kung gaano ako kasaya sa nilipatan kong work. na kung gaano kagaganda mga kaopisina ko at kung gaano ako kagana pumasok dahil sa malaki ang sinasahod ko at may inuman session pa after office hours. gusto ko na magbagong buhay. kelangan ko na magbisyo.

papasukin ko sana ang pagboboxing kaya lang baka ma-comatose ako pag binayagan ako ng kalaban . kawawa naman ang pamilya ko.

mexican pride vs. pinoy pride Nobyembre 17, 2011

Posted by gasti in balitang isports.
3 comments

hanggang ngyon ay nakakabasa pa rin ako ng mga diskusyon tungkol sa laban ni Pacquiao. mukhang marami ang hindi nasiyahan at lalong mas marami ang nagmamarunong ngyon.

tingnan nyo na lang mukha ni Marquez kung talagang kaunti lang ang suntok na sinalo nya. sa 3 laban nila, ito na ang pinakamaayos na mukha ni Pacquiao after the fight. hindi pa ba obvious kung sino ang panalo? bawi na lang kasi next time.

hindi ko na sana papatulan tong mga balita na to dahil nakakasuya na pero hindi ko napigilan sarili ko magkomento sa mga demands ni Marquez kung magkakaroon man ng 4th fight.

The 38-year-old future hall-of-fame’s conditions are that the third fight must be declared a no contest, Pacquiao must accept that he lost, he must receive a guaranteed purse of $10 million and that the fourth encounter must take place Estadio Azteca in Mexico City.

Now I am the one who will put forth the conditions. I want to see if it is true that Manny Pacquiao fights for the people. First he has to accept that he lost, the WBO (World Boxing Organization) must not accept the decision they gave him, and give him a no-contest,” said Marquez, who was already considering hanging his gloves after the frustrating loss, in a report posted at the Examiner.com.

tapos sinabi nya pa noon na hindi sya magfile ng protest. ah ewan. masyado na syang obssessed manalo kay Pacquiao. baka pag namatay sya ilagay pa nya sa lapida yung “I beat Pacquiao thrice”.

saktan na yan! Nobyembre 10, 2011

Posted by gasti in balitang isports, paligsahan.
7 comments

dumating na ng Las Vegas si Manny Pacquiao at mukhang ready na talaga ang lahat sa nalalapit na boksingan. ako rin syempre may ticket na para manood ng live sa sinehan. naalala ko pa noon, yung pangalawang beses na naglaban si Pacquaio at Marquez para sa WBC Superfeatherweight division. nakikinig lang kami ng komentaryo sa radyo. nakaka-excite rin naman pero nakakainis din dahil para kang bulag na nag iimagine kung ano ang pinaggagawa nila sa ring. nakakainip maghintay. eh di lalo naman sa tv na 2 fights delay. langya. nagsisikantahan na ng national anthem yung mga tao sa US tapos undercard pa lang yung pinapalabas sa tv. papano ka naman gaganahan pa nyan.

kaya simula noon sinabi ko na sa sarili ko na hindi na mauulit yun. at dahil kaunti na lang din ang mga natitirang laban sa boxing career ni Manny ay dapat ko ng paghandaan ang mga ito. kung makapagsalita lang akala mo nasa team pacquiao na ako noh? palagay na rin kaya ako ng meteor tattoo sa kaliwang  braso para official na.

hindi ko na papahabain pa to. gusto ko lang magbigay ng prediksyon sa laban. dahil sa naniniwala akong seryoso si Manny na gusto nyang saktan at patahimikin na itong si Marquez, at dahil may bago syang Ferrrari, hindi na aabot sa 12 rounds ang laban na ito.

Manny Pacquiao by TKO victory sa round 5. hindi na rin ako magtataka kung mapabagsak nya si Marquez sa round 1 pa lang pero ang tanong dyan eh kung ilang beses. for sure naman makakatayo pa sya dahil sa tibay at kapal ng pagmumukha nya. magandang laban ito.

kayo anong round hula nyo matatapos ang laban? katuwaan lang. kung sino ang unang blogger/commenter na makahula ng tama, bibigyan ko ng ferrari na kagaya nung nabili ni Pacquaio. o ayan putsa san ka pa? samahan pa natin ng 1 million pesos in cash, house and lot sa camella homes (area of your choice) at condo unit from any SM residences of your choice tapos makaka-date mo pa si Anne Curtis. maagang pamasko to para sa lahat. kung sakali mang matalo si Pacquiao, isasara ko tong blog ko for a week at magkalimutan na tayo.

yung totoong premyo? diecast model lang ng ferrari 458 Italia. yung mga nasa Pinas lang ah. sige hula na!

eye of the tiger Mayo 10, 2011

Posted by gasti in balitang isports, muni-muni moments, to whom it may concern.
Tags: , , , ,
10 comments

hindi ko maintindihan ang mga fans ng boxing at so-called-boxing-experts na yan. kung magsalita akala mo kegagaling gumulpi. hindi marunong makuntento. hindi pa sapat na manalo yung boksingero natin at malinis ang mukha para umuwi tayong nakangiti at satisfied sa laban? hindi na kasalanan ni Manny kung ayaw makipagsabayan ni Mosley.

ewan ko sa inyong mga nakapanood pero ako ayos na sakin yun. hindi ko pinanghinayangan kung magkano man ang binayad ko para panoorin ng live ang laban sa sinehan. pati na rin ang tatay ko at kapatid kong kasama ko nanood. yung laban pa lang sa pagitan ni Jorge Arce at Wilfredo Vasquez Jr, natuwa na ko eh. maraming sasang ayon sakin na yun ang best fight of the night. (more…)

makapanood nga ulit ng wrestling Pebrero 24, 2011

Posted by gasti in balitang isports.
Tags: , ,
10 comments

medyo may katagalan na rin nung huling na-addict ako sa kakapanood ng wrestling sa WWE. sunod sunod kasing na-injured yung mga paborito kong wrestlers at yung iba kagaya ni Brock Lesnar ay sumubok na makipagrambulan sa mixed martial arts. pati si Batista mukhang hindi na nakuntento sa scripted na laban kaya mukhang naglipat na rin ng channel.

parang kelan lang nung napanood ko ang pinakamalupit na laban sa kasaysayan ng wrestling. ang laban sa pagitan ng dalawang bidang ito. (more…)

ako na ang sporty Pebrero 21, 2011

Posted by gasti in balitang isports, muni-muni moments.
5 comments

literal na hindi man lang nakaapak ang mga paa ko sa labas ng bahay namin. sobrang solb ang mga mata ko sa pagkakatutok sa tv habang nanonood ng laban ng ating kababayan na si Nonito “the filipino flush” Donaire Jr. kay Fernando “KOchulito” Montiel. nakalimutan ko na nga kumain ng almusal dahil sa sobrang excitement. (more…)

you know! Mayo 5, 2009

Posted by gasti in balitang isports, movie review, to whom it may concern, wasakan.
18 comments

syempre alam nyo na.. wala ng duda! pound for pound champion of the world. Dave Batista! ang umangal ibabalibag.

nakaka-excite talaga manood sa sine ng mga laban ni Pacquiao. kahit mas matagal pa ang entrance at 3 national item na kinanta kesa sa kabuuang 5 minutes and 59 seconds ng laban na yun ay masasabi ko namang sulit ang ibinayad kong limandaang piso para makaiwas sa pagmumura kung aantayin ko pa ang laban nya maipalabas sa tv. 3 hours delayed. yan ang serbisyong totoo! (more…)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 80 other followers