jump to navigation

fried rice Marso 30, 2007

Posted by gasti in self review.
trackback

kahapon..4:30pm nagmamadali ako umuwi
kukuha pa pala ko ng cedula sa baranggay sana umabot ako tsk tsk muntik ko na makalimutan na kelangan ko na pala ipasa yun bukas pati 1×1 pic wala pa..haay!

naku naman biglang nag alburuto pa tyan ko..walang pakisama potek! kelangan na talaga magmadali uuwi muna ko sa bahay…(1..2..3… *poof)

time check 5:21pm na..for sure sarado na kuhanan ng cedula..maglalabas na lang muna ko ng sama ng loob sa bahay…
alis ulit nagbabakasakaling may maabutan pa..pero pagdating ko dun sa baranggay office “ay sarado na ngyon pre hanggang 5pm lang kasi..balik ka na lang bukas mga 8am”..ok! magpapa-picture na lang ako..punta ko kodak..ang sabi pwede ako ma-picture-an ngyon pero bukas makukuha mga 9:30am..nyek! 7am pasok ko eh..wag na lang. punta naman ako quicksilver..nyek ganun din..pag napicture-an ngyon bukas pa makuha mga 8:30am..ano ba yan? malas!

5:46 nag ikot ikot muna ko sa may sportscenter alam ko meron rush id dun eh..
ayun sa wakas nakakita rin ako (rate 4pcs. 50 pesos 10 mins. makukuha w/o negative, ang isang option eh 4 pcs. 40 pesos 7pm makukuha w/ negative)
syempre dun ako sa 40 petot kaya ko naman maghintay eh..wag lang bukas!

lakad pa lakad pa..hehe! makabili nga ng pirated dvd…pili dito pili doon ng biglang nagkagulo…RAID! RAID!…haha! parang hangin nilipad mga panindang dvd biglang sara mga tindahan ng pirata..ako naman deadma kunyari biglang layo..parang napadaan lang..haha!

naalala ko yung tres pares na kainan malapit sa school ko nung highschool..makadaan nga..balik alaala..hmmm..graduation pala ngyon ng sta. elena high..former school ng kapatid ko..dami tao..sa loob at labas..masaya sila! parang kami dati 6 yrs ago..una at huling beses ko napasok ang school na yun..
paglingon ko ayun na tres pares…”isang fried rice nga w/ soup!” ayos 14 pesos meryenda na!

susubo pa lang ako ng kanin ng biglang inabutan ako ng pera nung waiter..nyek! teka hindi pa ko nagbabayad ah! may sukli na agad? haha! sinauli ko syempre…

wala pang kalahati nababawas ko sa rice ng may biglang lumapit sakin batang babae..”kuya akin na lang yan” haay buhay..nakakaawa naman tong batang to! nakatingin lang sya habang subo ako ng subo..nung mapansin kong nangangalahati na pala nakakain ko at medyo busog na naman..binigay ko na lang sa bata..hindi kami nag uusap..nakatingin lang sya.at biglang inundayan ng subo ang friedrice na tira ko…sabay higop ng sabaw..parang nahihiya pa sya..nginitian ko na lang saka ako umalis..hindi sya nagpasalamat sakin gaya ng inaasahan ko..dahil ganun naman ngyayari kapag nagbigay ako sa pulubi at palaboy na bata…

bumalik nako para kunin ang pic..nyek! ako ba to?! haha! parang highschool pic ko pa rin…mukhang totoy! sige na nga makauwi na..

Mga Puna»

No comments yet — be the first.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: