jump to navigation

election 07 Mayo 15, 2007

Posted by gasti in bakasyon stories.
trackback

tapos na rin ang botohan…sa wakas! tahimik na ang paligid..wala ng mga campaign jingle na maririnig sa kalsada radyo at tv…(buti naman!) dami na namang nagkalat na election garbage na nakadikit sa pader..puro mukha na pinotoshop lang naman para magmukhang kagalang galang at makamasa..mga ngiting aso!

8:30 nagising..pupungas pungas pa ligo na agad wala ng kainan..(di ko type yung almusal na nakahanda eh)…buong pamilya sugod na sa eskwelahan!..gaya ng dati, may mga nagbibigay pa rin ng flyers sa mismong araw ng eleksyon…2nd time ko pa lang bumoto😀

tingin ako agad sa list of registered voters sa may pinto para hanapin yung pangalan ko..nakita ko naman agad kasama ng mga iba pang angkan namin..(pati lola kong namayapa na eh nasa listahan pa din..haha!)

pagpasok ko sa loob..antay antay lng ng instructions sa teacher..”sige pirma ka dito”, ako naman etong masunuring bata..pirma naman agad kahit nakita kong ‘administrative supervisor ‘ yung pinapirmahan sakin🙂..ayan kasi inuna tsismisan eh..pamali-mali tuloy! saka nya lang napansin nung napirmahan ko na..pinapirmahan ulit sakin yung ‘voters signature’..tapos nung ok na..nilagyan na ko ng walang kamatayang indelible ink na hanggang sa mga sumandaling ito ay hindi ko pa rin nabubura..(andami kasi nilagay eh)..mukha tuloy ako namatayan ng kuko.

eto na botohan na..feeling ko talaga nag exam ako at puro matatanda ang classmates ko😀
natagalan pa ko sa pagpili ng party list..isa lang pala pipiliin pero 90+ ang choices! (san ka pa?!)
ako nga pinakahuling lumabas samin lahat eh! haha! sineryoso masyado..
at ang pinale! hulog sa balota ang papel at uwian na..

pero bago umuwi kumain muna ko ng lugaw at shomai sa may palengke..kagutom bumoto!

(hindi ko na ilalagay dito kung sino mga binoto ko) basta…
hindi ako nagtanim ng gulay sa senado,
hindi ako bumoto ng dragon kasi bad ako eh..mahirap ng malagot!😀
hindi ako bumoto ng singer na na-link kay madam auring
hindi rin ako bumoto ng tagapagligtas kuno
at lalong hindi ako bumoto ng korekto!

Mga Puna»

1. karmi - Mayo 15, 2007

nice naman kuya gasti.. isa kang huwarang mamayang noypi! :)isang beses lang ako nakaboto nung nandyan ako eh.. ung presidential elections pa..nakakagutom nga pagtapos bumoto, lalo na’t ang haba ng listahan ng party list!!! gudluck!!!


gasti: hehe! ako 2nd time ko na…nag antay nga ako ng bibili ng boto ko eh😀 sa ibang lugar kasi eh meron 500…1st time ko din nung presidential elections kaya lang talo naman si FPJ tapos namatay pa..

2. eloiski - Mayo 16, 2007

Sna pede na rin ako bumoto!Prang ang saya-saya! wahihihi! Xempre kapag party list: KABATAAN Partylist!Tayo naman! wahaha

gasti: masyado ka pa pala bata para bumoto…palaki ka muna😀

3. Jake The Miserable - Mayo 17, 2007

Rak on pare. Medyo nagka-problema nga ako nu’ng botohan dahil hindi nila malaman kung saan nakalagay ang pangalan ko. Muntik na akong hindi makaboto e. Pero naging banayad naman ang lahat pagkatapos.Maraming salamat sa pagdaan sa nilalangaw kong blog at ang pag-link nito sa’yong link list. Susuklian din kita sa parehong paraan. Sana’y palagian kang magbalik.Paki-palitan nga lang pala ng “Jake The Miserable” ‘yung link para hindi ako mapagkamalang wrestler. Nyeheh. Rak on pare!

gasti: haha! psensya na pareng jake..wrestling fan kc ako eh😀 sure! nakakatuwa mga posts mo eh..babalikan ko talaga yun


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: