jump to navigation

who am I? Mayo 23, 2007

Posted by gasti in self review.
trackback

kasalukuyan naghahanap ng ka-weirdohan sa katawan…

who am I? galing ng movie na to! action packed..one of my favorite jacky chan movies..pero hindi tungkol dun ang post na ito๐Ÿ˜€
ako si [insert ur name here] nangangakong magsasabi ng katotohanan at pawang katotohanan lamang ang aking sasabihin..(redundant) so help me God.
describe urself. karaniwang tanong pag mag aaply ka ng work…nakakaburaot na..paulit ulit ang tanong..iba-iba naman sagot ko..madalas kabarberuhan lang para makaakit ng kumpanya na maghire sakin…(mabuti na lamang at may nauto)..

balik tanaw…
who is your crush?. isa lamang sa mga 20+ questions na sinagutan ko sa slambuk noong elem. at hayskul..ewan ko lang kung uso pa ba ito ngyon…masaya to lalo na kung magkakabukingan..kunyari top secret lang mga laman nun..pero pagtalikod mo..pinabasa nya na yung laman sa iba pa nyang friends..pwede mo din pasagutan sa crush mo yung slambuk mo para kiligin ka at makaisip ng strategy sa pagpapapansin o kaya naman para malaman mo kung sino ang type nya na uumpisahan mong siraan/layuan/batukan/suntukin/patayin…(wag na sana mauwi dun)..
hayskul lyf oh my hayskul lyf ay walang kasing saya…dito ko unang naranasan na mapingot ng titser,kaldagan ng CAT officer, mamilosopo, ma-blind date, mahuling nangongopya, manghabol ng mga estudyante para ilagay sa “marriage booth” kapag foundation day, maukaan at magpagupit ng 5 x 10(sinumpa ko na sa sarili ko na hindi ko na ulit gagawin yun),mahipuan ng bading (eeew!),maglagay ng gel sa buhok,tumambay para sumilay at mag cutting classes para manood ng porn.

kainan na!. hindi naman sa mapili ako sa pagkain..lahat naman tayo eh may inaayawang kainin.
eto ang sakin..

  • alamang – amoy pa lang yoko na..sabi nila ito raw ang nagpapasarap sa kare-kare..pero iba ang pananaw ko..masarap ang kare-kare kahit wala nito.
  • adobong pusit – maitim eh! magaling naman ako magprito ng pusit…ok na yun!
  • sardinas โ€“ ayoko sa malansang isda.
  • kilawin – kahit ano pa yan..di ko trip pero baka mapatikim din ako nito balang araw kapag natyempuhang lasing.

mabagal ako kumain..di ko alam kung kelan nagsimula pero dati rati naman eh mabilis.
mabilis ako maglakad..minsan parang gusto ko unahan lahat ng kasabay ko pauwi (parang karera).
mabilis ako mainis kapag tinatalo ako ng comp. sa nilalaro kong basketball game..kakapikon!
pag natalo ako sa bilyar, mapapanaginipan ko pa yun hanggang sa pagtulog ko..lalo na kung naubos pera ko.
dati rati. sabi ko sarili ko na hindi ako iinom ng alak lalo na beer kasi di ko trip ang amoy..yoko magyosi kasi mausok nakakaubo..pagsabak ko sa college natuto agad ako uminom ng beer..kelangan eh sa ngalan ng pakikisama..ng lumaon ay nasarapan na rin ako..nakakamiss din yung mahilo hilo ka sa kalasingan.. basta wag lang magtatawag ng uwak..pero yosi kahit subok hindi talaga..sabi nila nakakataba daw ang beer kaya naengganyo ako..pansin ko lang mga nagsabi sakin nun puro malalaki ang tyan๐Ÿ˜€ sagwa naman kung tyan lang tataba sakin…
mas trip ko magbasa ng tabloid kesa broadsheet kasi kahit madami nakasulat dun kaunti lang trip ko basahin..saka inaabangan ko lagi ang mga kwento ng letter sender sa Dr. Love.

“ako nga pala si [enter nickname here] and you are?”..ganito ang eksena kapag garapalan na makipagkilala ka sa isang type mong chiching..”have we met before?” gasgas na linya ng mga suitor wannabe..hehe! hindi ko nasubukan gawin mga bagay na ganyan kasi takot ako maboljak(dati) ligaw tingin na lang..pasilay-silay..tamang istok lang..

“You had me at hello”…familiar sa line? sana ganito na lang lagi para everybody happy!๐Ÿ™‚

hello
.-lionel ritchie
Tell me how to win your heart
For I haven’t got a clue
But let me start by saying … I love you

Mga Puna»

1. eloiski - Mayo 24, 2007

nyahay! maxado mo na ata sineseryoso si elmo! matutuwa nyan c kuya wacky!Ako mabili kumain pero hnd nga tumataba! GrRRrR! ang sarap ng alamang! yummy! lalo na pag kumakain ng mangga! try mu kaya! ako yaw ko pusit! mas lalo dinuguan!!! Slambuk nmn… yaw ko sumagot ng mga ganyan! paano b nmn kasi ung mga nagsign eh kakaiba ang sulat may: “eLoIsKiZzZz!” ang hirap tignan! Kea umiiwas ako dyan! nyahahah! lalo na ung crush ampucha, sabi nila di raw ipapabasa naku eh halos buong camous nalaman na! MAy CAT rin kami community involvement nga lang! ang borinG! Hay paiba-iba topic mu! Who am I? tlg ang dating!!! kaya paiba-iba rin ang comment ku! wahihihi!

gasti: haha! sinadya ko talaga magulo post ko..magulo kasi utak ko eh!๐Ÿ˜€ hehe! iba na ata ang style ng CAT ngyon, tagalinis na lang ng kalsada ganun din sa ROTC..mas exciting dati!

2. blink - Mayo 25, 2007

ayoko rin ng kilawin. that’s like so kadiri hahahaha. *suka*


gasti: wag ka dito sumuka!!!

3. Patty - Mayo 25, 2007

haha. marami akong ganyan. yung mga autograph books. hahahahaha. haaaay. masarap ang kilawin! yahihihihi :]]salamat sa comment! haha yung mga maliit na aso hindi naman tuta. pero yung maliit talaga. mas mabilis nga tumakbo yung malalaki pero galing na rin sa experience ko, mas nakakatakot kapag hinahabol ka ng maliit na aso O_O hahaha malabo talaga ako. lols.

gasti: haha! kulit mo talaga pat.

4. Wacky - Mayo 25, 2007

Who Am I? He-he! Parang hindi mo nga talaga kilala ang sarili mo kase walang direksyon ang topic mo. He-he!Dahil sa post mo na ito, naalala ko yung mga memoeries ko nung high school. Naisip ko tuloy gumawa ng artik tungkol sa mga naka-relasyon ko nung hayskul. He-he!Nung CAT namin, naukaan din ako. Keempeengot pa ang hairstyle ko non. Nagmukha akong two face kase yung left side lang ang inukaan. Eh dalawang sakay ng jeep ang pauwi sa ‘min. Nakakahiya talaga! Grabe!! He-he!!Nice post!๐Ÿ˜€


gasti: tnx! i-blog mo na agad yan kung ano man yan ng mabasa na..hehe!

5. natre - Mayo 25, 2007

lahat ng sinulat mong ayaw mong kainin kinakain ko…๐Ÿ™‚ hehehe…

gasti: hindi ka pala maselan sa pagkain

6. natre - Mayo 25, 2007

buti kpa na-enjoy mo highschool mo… ako hindi eh…mas hapi ako ngaung colej… ^__^ingat lgi…๐Ÿ™‚

gasti: tnx sa pagdaan!๐Ÿ™‚ sayang naman kung hindi mo na-enjoy ang hayskul life mo..di na pwedeng balikan yun.

7. karmi - Mayo 26, 2007

random.. ^_^ hehehe..who is your crush kuya gasti?๐Ÿ˜›

gasti: too many to mention…hehe! safe answer.

8. Jake The Miserable - Mayo 26, 2007

Pwede rin ba akong mag-submit ng picture na may dedication sa likod? Nyehehe.

gasti: pwede rin

9. Jake The Miserable - Mayo 26, 2007

Ah oo nga pala, usong-uso pa rin yata ‘yang slambook at “da moves” dati. Oh those were the days.

gasti: syempre napagdaanan mo rin yan..kaw pa!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: