jump to navigation

red carpet Hunyo 5, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

kapanahunan na naman ng paglalambingan…
tag ulan na! pasukan na! makaka-silip/silay na naman sa mga crushes…bakit kaya ganun pag nag aaral ka gusto mo na mag-work pero pag nagtatrabaho ka na..gusto mo naman bumalik sa pag aaral..(pag aaral nga ba or pagsilay ulit?)…anyways basta gusto mo bumalik sa school.
ano na kaya itsura ng mga titser ko nung elem? nung hayskul? nung college?..ano na kaya itsura ng PUP ngyon? “Mga batchmates reunion naman tayo!”😀

masarap mag aral..masarap pumasok sa school..masarap ang burger,siomai,siopao,kwek-kwek,pisbol,squidbol,hotdog,footlong at lugaw.

top 5 “sana bukas ulit!” moments.

  • absent ang prof
  • dumating ang checker at wala pa sa classroom ang prof (uwian na!)
  • biglang bumagyo signal no. 3 or 4 or 5. mga 5:30am ng madaling araw habang ikaw ay naghahanda na pumasok.
  • nakatabi mo sa “jeep na makembot” ang crush mo
  • sakto pamasahe lang pera mo nung pumasok ka sa iskul tapos nakapulot ka ng 500 pesos.😀

June 4, 2007. red carpet premiere ng “Silip” sa SM megamall cinema 10..
syempre..alam na! pumunta ako kasama ang aking butihing officemate para makisilip..mga 5:30 pa lang andun na kami eh 7:30 pa start kaya ikot-ikot muna…sa aming paglalakbay ay namataan namin si lovi poe (sisilip rin kaya?)…di siguro..mukhang nag window shop lang eh..6:30 pumunta na kami sa location at ayun nakalatag na ang “red carpet” pero inaayos pa lang yung stage-like na lugar ng pagsisilipan..kaunti pa lang ang tao pwedeng pwede ka makapwesto sa unahan abot kamay mo lang ang mga sisilipan😀
pero dahil sa kabagalan umandar ng oras/katamaran maghintay…umuwi na lang din kami.😦 sayang?! ok lang yun..madami naman next time (pampalubag loob).
bumili na lang ako ng chicharon bulaklak bago ako umalis ng mega at balut naman pagdating ko sa kanto malapit sa bahay namin..
7:30pm nasa bahay na ko..(nagkasilipan na siguro dun). magkakuliti sana kayo!

Mga Puna»

1. karmi - Hunyo 5, 2007

hala, silipan ang nangyari!!! :Pkakamiss pup kuya gasti… sobra!!!!

2. Theia - Hunyo 5, 2007

aba’y hindi ka pala nakasilip sa palabas. :p Di mo nga talaga ma-gets ang mga tao. Iba-iba ang gusto. Kapag mainit, hahanap ng malamig pero pag malamig, hahanap ng mainit. Hahay. Goodluck sa silipan niyo jan!😛

3. yatot - Hunyo 5, 2007

aba aba aba! sumilip ka pala pero hindi natuloy huh? ehehhe… hmm… r13 daw ang silip… ibig sabihin, palabas ito sa lahat ng sm cinemas, at ibig sabihin din nito, walang masisilip dito r13 nga ang rating! amf naman… tagal ng walang r18 dito sa pinas! hahaha

off topic: ganun ba iyun kapag mayaman ka… hahaha…

4. eloiski - Hunyo 5, 2007

hayz hindi ako magkokomento patungkol sa silip na yan. wahahah!
naman! napakarami mong nabanggit na foods! di mo man lang sinali sa iyong listahan ang aking pinakamamahal an shawarma! NAmaN!
Hayz! college na ako! at buti nagbabasa ka! Maxado na ang kalokohan mo sa akin ah! una sabihan ba naman akong lalaki! Taz parang nang-aasar ka sa bb. eloiski. Ngaun naman sinabihan mo akong isang elem! Aba kuya! maxado ka ng mabait sa akin! nyahahahah!
Ngapala! Nakapulot ako dati sa iskul namin! unang araw bente pesos! ikalawang araw aba’y kwarenta pesos na! ambait ng Diyos!
nyahaha! nagkwekwento lang! wahihih1
nag-enjoy muli ang bata!

5. Jake The Miserable - Hunyo 5, 2007

Huling-huli mo talaga ang pakiramdam ng “first day of class” syndrome. Wala nang mas sasarap pa!

Sayang naman hindi mo tinuloy ‘yung paninilip. Magpapakwento sana ako. =)

6. toniwoni - Hunyo 5, 2007

bakit parang lagi mong ina-advertise ang silip? creative director ka ba nun? wala lang… siguro fan ka lang ni diana zubiri…😛 … anyways, wala pa ako pera eh… sa june 12 ko na siya panuorin… haha!

ang sama mo naman…
mukha pa ba akong nene!
haha, ogay lang naman…
malapit na ang aking first day sa kolehiyo…
may link na lang sa cbox ko dun sa sidebar…
😛

7. Poli - Hunyo 5, 2007

Dapat binabayaran ka sa plugging mo ng Silip! Hehe!

Sana wala ring prof sa first day namin!

8. earthlotus - Hunyo 5, 2007

amsagwa naman.. SILIPAN? hehe.😀

ako din pala, miss ko na ang mga prof, quizzes, assignment, madugong case study, research paper.. yung mga ganun? miss na miss ko na yun. *singhap*

(wehh? sinong estudyante yan? paslangin na! hehe.. )

9. mikaela - Hunyo 5, 2007

taena..500?
ayos ah..
aww
sayang hindi ka nakasilip..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: