jump to navigation

Mr. Dj Hunyo 15, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

mahilig ka ba makinig ng radio?
Nung estudyante pa lang ako, madaling araw pa lang bukas na radyo sa bahay namin..nka-AM agad mas nauuna pa nga ang balita bago kami makapag almusal…naalala ko pa sila Rey Langit at ang boses nyang tila baga eh nanggaling sa ilalim ng lupa…parang may sinusitis kapag nagsasalita..mala-kapre!, si Tiya Dely naalala ko lang pangalan nya..(ano nga ba binabalita nito?) pero lagi ko din syang naririnig noon, si Kuya Cesar naman (Sumalangit Nawa) eh kakaiba ang approach..imbis na mabilisan ang paghahatid ng balita eh ginawa nyang ubod ng bagal..eto lang siguro ang kaisa-isang dj na may ganung style…bumenta pa! nagkapelikula pa nga ..naalala ko pa noon nag-try sya maging commentator sa isang basketball game..”Ay na-shoot na pala”..di sya makahabol sa bilis ng mga pangyayari😀 pano pa kaya kung sa karera ng kabayo sya maging commentator? wehehe!, si Deo Macalma ok din..”Ayon sa aking bubuwit” tapos biglang may sesegway na pagbati sa kakilala or magbibigay ng advertisement..bitin na bitin ka na sa kanyang blind item dahil sa ganitong style..itago na lang natin sya sa initials na..😀 tapos si Mike Enriquez para sakin ang pinakamagaling na endorser sa radyo…malinaw na malinaw nyang isusubo sayo ang mga advertisements nya kahit na parang barado ang ilong nya kapag nagsasalita…

ngyon ibang Dj na ang kadalasan eh naririnig ko…ang tambalan nila Nicole Hiyala at Kris Tsuper na mas kilala sa kanilang alias na “Balasubas at Balahura”…masarap lang pakinggan ang mga kalokohan nito tuwing umaga nakakahawa sila tumawa…may mga advises din sila na minsan matino naman pero kadalasan eh puro makukulit…non-stop na kulitan pag magkasama sila…trip ko yung mga naughty hirits nila! pampakiliti sa umaga…

malaking tulong talaga ang radyo sa mga taong bored…mas ok pa nga to minsan kesa tv kasi hindi nakaka-stress sa mata..ganito rin lang ang libangan ng mga jeepney drivers,taxi driver, fx driver at kahit sino pang nilalang na nakakapag drive…pag wala nito, ang boring naman ng byahe mo…

dito rin sa office na kinahihimlayan ko ngyon eh sobraaang tahimik..buti na lang at may built-in radio itong cellphone ko kaya nakakapag sound trip pa rin kahit papano..kung wala pa nito eh malamang mapapadalas ang siesta/tulog ko nang nakaupo..

famous lines from tambalan “balasubas at balahura”
una magdasal ka para mabuhay ka, pangalawa mag toothbrush ka para mabuhay din ang iba.
corrected by!
based on experience

Mga Puna»

1. karmi - Hunyo 15, 2007

is this true? sa wakas unang komentor ako?! hehehe..

buti na lang sa TFC namin, may kasamang WRR saka DZMM kaya kapag walang magandang palabas, nakikinig lang kami.. nakakamiss rin pala ung mga hirit ng noypi DJ’s.. iba kasi mga trip ng mga DJ dito sa tate…

mas cool pa rin mga noypi DJ’s.. kahit mejo jologs.. ^_^

2. Jake The Miserable - Hunyo 15, 2007

“Sa sobrang harot, napagkakamalang bayot.”

Gyahahahaha!~

Hitik na hitik din kami sa AM radio dati. Balita, balita, balita, suspension of classes, balita. Nyehehe.

Nu’ng HS ako, medyo “New Age” na ‘ko dahil sa FM.

3. mikaela - Hunyo 15, 2007

lagi din kaming nakaradyo dito kapag umaga.
kaya lang hindi ko maintindihan minsan ung sinasabi sa radyo kasi biglang na lang sumisigaw ang lolo ko.

gawain nya un, makipagsagutan sa radyo pag di nya gusto ang sinasabi nito.

4. Poli - Hunyo 16, 2007

Hindi ako ma-radyong tao pero sobrang nakaktawa ang tambalan.

Minsan mag-isa ako sa fx o jeep na tumatawa!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: