jump to navigation

chicboy Hunyo 25, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments, self review.
trackback

paglaki nitong batang to marami syang paiiyakin na babae

ayos di ba? eto kadalasan ang sinasabi ng mga matatanda sa mga sanggol o batang lalaki na wala pang muwang sa kamunduhan…cute na cute sila kapag bata ka at nagkakaroon nga sila ng prediksyon na maraming babae ang dadaan sayong buhay…di ko lang masyado alam kung compliment ba talaga yun o isang babala sa mga sanggol na babae na magiging kasabayan nya paglaki… kapag bata ka ok lang na mambabae…tama ba?😀

masarap maging bata…care-free, worry-free..kapag may gusto makuha.. iiyak ka lang tapos na ang problema..at kapag may gustung-gusto ka makuha..iiyak ka ng mas malakas😀 (spoiled brat).
madaling solusyunan ang bawat problema…marami kang free time at hindi ka magsasawa o mabo-bored man lang kahit na paulit-ulit pa ang ginagawa mo sa maghapon…gigising-kakain ng almusal-makikipaglaro ng teks sa kalsada, magjolen-uuwi para kumain ng tanghalian-lalabas ulit at makikipagpatintero-tumbang preso-moro moro-kalog tansan-tantsing…at kapag dumilim na eh saka kayo maglalaro ng taguan(gaya ngyon)…uuwi ka lang dahil sa gutom ka na at hindi dahil sa nakakaramdam ka ng pagod…kakain ng hapunan at matutulog..kadalasan ang pinoproblema ko lang eh kung ano ang mabisang pamato na gagamitin ko sa teks (kukulayan ko ba ng pentelpen/bolpen o babasain ko tapos patutuyuin?)…paano ako makakadilihensya ng pambili ng chichirya saka tau-tauhan? hmmm…isip isip…hanggang sa makatulog.

kaya lang hindi naman pwedeng hindi ka lumaki…wala naman siguro satin na gustong maging unano…gusto natin maging normal…gusto nating maranasan kung pano makipaglaro ang mga matatanda…kung paano maglaro ng apoy.

kapag ang lalaki madaming tsiks…
chicboy/pabling/babaero pwede rin tawaging idol/master(teach me master)/gwapo/maanghang/fafa

kapag ang babae madaming boylets…
malandi/pokpok/haliparot/bitch pwede ring dyosa/maganda/maalindog/mahaba ang hair/hot mama

depende sa tumitingin😀

Mga Puna»

1. KimBa - Hunyo 25, 2007

nyahatama ka! klngan dn ntin lumaki..pero karamihan ng mga cute ng bata pumapanget pg tanda..

gasti: minsan nga ganun pero syempre kung cute ka, cute ka

2. karmi - Hunyo 25, 2007

ano po ung maglaro ng apoy? hehehe..😛

gasti: yung mainit..nakakapasong laro sa baga.

3. Poli - Hulyo 1, 2007

ako cute nung bata, kaya pangit ako ngayon! nyahaha!gusto ko ulit maging bata! tanda ko na e!

gasti: haha! labo..tandaan mo lagi na kalabaw lang ang tumatanda.

4. earthlotus - Hulyo 19, 2007

ano ang yugyugan? haha..*sipol

gasti: sigurado akong alam na alam mo yan😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: