jump to navigation

pet lover Hulyo 3, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

simula bata pa lang kami ng mga kapatid ko ay mahilig na kami mag alaga ng kung anu-ano…siguro kasabay ng matuto kami bumasa at sumulat ay natuto rin kami manghuli ng tutubi, maghanap ng panabong na gagamba, mag organize ng wrestling match ng mga salagubang at uwang w/ the help of bazooka bubble gum, mandakma ng tipaklong at mandadangkal, ultimo langgam eh inalagaan namin ng kapatid ko sa isang garapon…

pagkatapos namin mabinyagan (matuli) ay medyo nag mature na kami…syempre binata na! nagsimula na kami magkaroon ng aquarium na sa pagkakatanda ko eh may laman na japanese carp…noon yun syempre ngyon patay na lahat…walang tumagal na isda sa mga inalagaan namin..di pa kasi kami masyado bihasa sa pag aalaga ng isda…sumubok din kami mag alaga ng dagang kosta at hamsters na naparami namin…sobra! kada buwan ata eh may nanganganak..ang lupit pala makipagyarian ng daga..fast and furious (patalikod rin naman)…nakapagbenta pa nga kami sa mga kalapit bahay namin dahil sa sobrang dami na nila.. kaya lang dumating ang araw na sinalakay kami ng pesteng “gigantic daga” yung mga tipong singlaki ng pusa..kaya gabi-gabi eh may namamatay sa mga dagang kosta at hamster namin…wala kaming nagawa kahit pa pinatibay namin ang kulungan nila (may kasama pang dasal bago matulog)…wa epek! patay sila lahat…walang natira! yung iba siguro eh nakatakas..sayang lang pero hindi pa rin kami sumuko..nagsimula kami mag alaga ng love birds..dumayo pa kami sa aranque market para dun..mura kasi! sinubukan ko sya turuan magsalita pero iniputan nya lang ako…nabadtrip siguro kasi hindi naman talaga nagsasalita ang love bird eh pinipilit ko pa…kaya iba na lang tinuro ko sa kanya…kung papano nya yariin yung kalabtim nya! lumipas ang ilang buwan ng hindi nya pa rin nayari ang kalabtim nya…sadyang torpe ata talaga yung nabili naming ibon…namatay na lang na virgin pa yung babaeng ibon tapos sumunod agad yung lalaki..nagpakalunod ata sa inuman…

eto na naman kami ng kapatid ko..nag brainstorming..(ano na naman ang susunod na alagaan natin kuya?!)…dapat yung matibay..hindi lumilipad, hindi lumalangoy…hmm..balik sa petshop…bumili kami ng chameleon…matibay nga yung itsura nakakatakot naman hawakan…maselan pa sa pagkain..sabi nung pinagbilhan ko eh pakainin ng prutas at insekto kaya ayun ginawa ko…isang buwan lang ata ang tinagal namatay rin…para kasing hindi kumakain..ewan ko lang..yun ang teorya ko kaya sya namatay…ano pa kaya ang pwede maalagaan? hmmm…dumating ang kaarawan ng ate ko..debut nya..nakalimutan ko na kung ano iniregalo ko sa kanya pero ang kapatid ko may pinlano na pala..pag uwi nya galing school may dala syang pagong(soft- shelled turtle)..ate happy bday! :D…singlaki lang ng lumang piso ang pagong na yun..nagkakahalaga ng 40 pesos..di pa kami nakuntento sa isa..inipon namin ang tira sa mga baon namin at bumili pa kami ng 2 green turtle..at isang local pagong(kulay brown)…napalaki namin sila lahat…pero yung soft shelled turtle eh nalagutan na rin ng hininga after 3 years..nalason siguro sa tubig na nakaligtaan namin linisin ng 2 linggo..(ikaw ba naman ang uminom ng sarili mong ihi at ebak malamang tepok ka rin)..sa ngyon naka-7 yrs na ata yung mga pagong na natitira…pero hindi pa dun natatapos ang aming pagiging pet lover…nung pyesta samin sumali kami sa “bunutan ng sisiw”…naswertihan naman na makapanalo kami ng sisiw na kulay green at baby bibe…kaya lang naapakan yun ng lasing kong tiyuhin..wasak! labas ang mga internal organs..naawa naman samin ang nanay ko kaya bumili sya ng pugo sa palengke…hindi itlog ha..yung mismong pugo..ginawan pa kami ng improvised kulungan…pero hindi rin nagtagal dedo rin sila…nakatungaga na naman kami ng kapatid ko sa may pintuan nang biglang may bumagsak galing sa himpapawid..paniki pala! dali-daling dinakma ng kapatid ko at isinilid sa bird cage…instant pet!😀 pinakain namin sya ng saging at iba pang gulay…ewan ko kung nag enjoy sya sa pag stay sa bahay namin kahit isang linggo lang ang tinagal nya..kung may natuwa man iyon ang nanay ko dahil ayaw nya alagaan namin yun…siguro dahil na rin sa likas na mahilig kami mag alaga ng isda ay bumili ulit kami ng maaalagaan..dati nga nung may palaisdaan pa sa tabing bahay namin eh nasisiyahan na kami mag alaga ng gurame,bulig,martiniko, hito pati talangka walang kawala…wala pa aquarium noon kaya sa isang garapon o palanggana lang namin sila inaalagaan…karamihan din sa inalagaan namin noon ay namatay..nasobrahan ata sa himas…pati fortune lobster eh walang fortune samin dahil hindi rin nagtatagal…

kahapon lang bumili pa ako ng “tangerine” isang uri ng cyclid…singlaki ng hinlalaki ko worth 60 pesos tapos bumili na rin ako ng pump…dalawa kasi aquarium namin yung isa walang laman kaya nilagyan ko..pero hindi naman nag iisa yung tangerine eh sinamahan ko sya ng mga 15 feeders(kataba)😀 nasita pa nga ako sa bahay eh kasi hindi naman daw ata feasible na bumili ako ng pump na 160 pesos para lang sa isang isda..pero syempre wala na sila magagawa nabili ko na eh…saka na lang ako bibili ng makakasama nya…kung nag aalaga rin kayo ng isda malamang pamilyar kayo sa rainbow shark,dragon fin,angel fish saka tiger barb aka zebra fish…yun ang mga alaga namin sa isa pang aquarium..sila yung survivor…yung iba kasi eh nagpatayan saka meron ding mga tumalon…

teka baka isipin nyo na ito lang mga alaga namin..syempre meron din kami aso at pusa..sarap kaya magkatuta diba? ang cute-cute…saka kuting..nice pussy..kung pwede lang mag bonsai ng aso at pusa eh ginawa ko na..yung 2 aso sa bahay ay binigay lang samin at isang pusa na bigla na lang pumasok sa bahay namin nung bagyong Milenyo at inampon na lang ng nanay ko..swerte daw sabi nya…pero ngyon eh sinusumpa na nya dahil malimit na magnakaw ng pagkain sa mesa at umihi sa kusina…

siguro kung totoong may pokemon nag alaga na rin kami nun…

Mga Puna»

1. yatot - Hulyo 3, 2007

mahilig ka din pala sa mga pets… ako daming mga pusa… dati umabot pa sa 29 ang mga pusa ko! aaaw!

gasti: ang tindi mo naman pre 29 na pusa? malaki nga talaga bahay nyo…pussy-lover ka rin pala!😀

2. Poli - Hulyo 6, 2007

Dati bumili ako ng tatlong sisiw na may kulay! Inalagaan ko ang mga iyon at naging ganap na manok sila!Laking lungkot ko nung kinata sila ng tatay ko para ulamin.

gasti: uy buti ka pa nakapagpalaki na ng sisiw na kinulayan…lagi kaming namamatayan nun eh.

3. Gean - Hulyo 7, 2007

“sumubok din kami mag alaga ng dagang kosta at hamsters na naparami namin.”kahit na ano pang daga yan takot ako. :(anyway, wala kaming pets maliban sa mga pusang gala na pinapakain namin ng tira tira na kinakain naman ang sarili niyang anak.yak.


gasti: madali lang talaga magparami ng dagang kosta at hamsters kaya lang dapat masipag ka maglinis ng kulungan kasi matapang amoy nun eh..
yung sa pusa nakakita na rin ako ng nanay na kumakain ng kuting nya..nakakaawa.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: