jump to navigation

mabisang lunas Hulyo 19, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

kahapon ang aking “day off” sa buhay opisina…hindi dahil sa gusto ko pero dahil tinablan ako ng sakit…nakakabugnot lang sa bahay kaya naisipan ko na pumasok ngyon…kain/nood tv/laro ng ps2/bantay bata/tulog/mag assemble ng aquarium..ganyan lang ang buhay ko kahapon…pahinga sa computer dahil wala kami nun sa bahay…

“wag ka muna maligo ngyon ah! aalis muna ko at papupuntahin ko dito yung magtatawas sayo”. yan ang sabi ng nanay ko.
“OK lang ako Ma! uminom nako ng gamot kanina”
para sa mga walang muwang sa albularyo, hindi lang para sa kili-kili na may putok ang tawas, mabisa rin (daw) ito na pantuklas sa kung ano mang nilalang ang iyong nagambala at nagti-trip sayo…at pag natukoy na ang salarin sa bigla mong panghihina saka ka na bibigyan ng seremonyas at kung anik anik na dahon..naalala ko tuloy dati nung mga bata pa lang kami, nanay ko mismo ang nagtatawas samin..nagpapatak ng kandila sa isang palanggana na may laman na tubig kasabay ng isang dasal…nag eenjoy pa kami panoorin yun (may halong kaba parang suspense thriller) habang nag aabang kung ano ang magiging artwork ni mama…pag may nabuo ng hugis ang patak na kandila mag iisip na sya kung ano nga ba yung nabuo nya.. dwende,kapre,tikbalang basta kung anong engkanto ang kahalintulad nung mga patak, yun na ang may kasalanan…ewan ko ba pero pag tinitingnan ko yun dati eh isa lang ang kahalintulad nun para sakin…puting ebak.

hindi ko talaga pinapaniwalaan ang ganitong sistema ng panggagamot pero wala naman ako magawa noon kasi bata pa ako..pero hanggang ngyon eh ganun pa rin ang gusto ng nanay ko..laking probinsya kasi kaya maraming pinaniniwalaan…kaya kapag nagsasabi na syang “magbihis ka na at pupunta tayo sa albularyo” o kaya naman ay “tara ipapatawas na kita” eh sasabihin ko ng “OK nako Ma! magaling nako”…naniniwala naman ako sa bisa ng gamot at pahinga kapag may sakit…hanggat maaari nga eh ayaw ko uminom ng gamot kasi baka maadik ako kaya kadalasan eh inom ako ng inom ng tubig at kumakain ng madaming prutas tapos eh matutulog…solve nako dyan.

ang isa pang kinagisnan ko eh yung bisa ng laway kapag nabati ka..hindi ito yung ordinaryong greetings ah kasi kapag “nabati ka” (maliwanag yan ah nabati hindi nagbati) ng kung sinong nilalang na gutom o masyadong naaliw sayo eh bigla ka na lang magsusuka,sasama pakiramdam,mahihilo..walang ibang gamot ang makagagaling sayo kahit saang lupalop na drugstore ka pa maghanap…ang gamot lang dyan eh “laway”. laway na ipapahid sa tyan ng bata o kaya eh matanda…pag nalawayan ka na, gagaling ka na! olrayt! (kadiri ba?!). kaya para maiwasan ang bagsik ng “pagkabati” mainam na maglawayan muna kayo bago mag usap.

maraming nagkalat na engkanto sa paligid…pag may kabute,may dwende..pag may punso,may nuno at kapag umuulan habang umaaraw, may kinakasal na tikbalang..(tenten tenen..tenten tenen). kayraming dapat iwasan pero hindi mo naman nakikita…kapag sumakit ang talampakan ko, baka daw may naapakan ako dwende..ang labo! ano gagawin ko lumutang sa ere? kapag may madaanan kang punso mag tabi-tabi ka..bakit kamo? para daw hindi ka mapagtripan dahil sa kawalang galang..dapat talaga ganito “tabi-tabi po nuno” kelangan may “po”. aysus! mga langgam lang naman ang makakarinig sayo.

katwiran ng mga nakakatanda..”theres no harm in trying” maniwala ka,wala naman mawawala sayo…baka nga gumaling ka pa..

Mga Puna»

1. karmi - Hulyo 19, 2007

ewan ko ba, sa tuwing may nakikita akong anthill/mukhang punso, nagtatabi-tabi po ako.. nasanay na rin cguro dahil since birth ko ata ginagawa un..

bihira rin akong magkasakit kaya di rin uso ang gamot o kaya albularyo sa akin.. hehehe…

2. kalansaycollector - Hulyo 19, 2007

well albularyo baby rin ako.. kapag nagbabakasyon ako sa probinsiya kina lola… si doc albularyo ang sagot sa kalusugan ko! hehe…

thanks sa pagdaan sa blog!

3. joiz - Hulyo 19, 2007

“puting ebak” ahahaha natawa ako dun, ang babaw ko talaga kung minsan.

ang faith healer kaya nga naging faith healer ay dahil sa keyword na “faith” pero kung gumaling ka man o hindi, ewan ko na lang din.

medyo naniniwala ako sa mga engkanto na parang hindi. kung totoo man sila, sana di naman nila ako padapuan ng sakit.

get well soon kung di ka parin maayos. take bayhogesic. oh pano, ingat!

4. earthlotus - Hulyo 19, 2007

lekat ka! haha.. ^_^

pede ba akong magpatawas senyo? haha..

5. Ikay - Hulyo 19, 2007

kakatuwang post.. sa mga province ganyan ang paniniwala. taga-saan ka po?

di kaya stress lang minsan yun kaya tayo nagkakasakit.

6. LucAnAku' - Hulyo 20, 2007

oo nga baka stress lang ‘yan.

ako, hmm… hindi naman sa hindi ako naniniwala.. ang hirap lang kaseng paniwalaan nung mga kasabihan na ‘yon.

7. N i K N o K - Hulyo 20, 2007

napagtripan ka cguro ng mga malignošŸ™‚

8. .: jackie :. - Hulyo 20, 2007

pareho tayo. d2 naman sa middle east friday lang ang pinaka off ng mga corporate workers ;)haiz.. bukas may pasok na naman.

9. Poli - Hulyo 20, 2007

Haha! Nakakatuwa naman!

Noong bata ako e gusto kong magpagamot sa mga albularyo dahil feeling ko e mas masaya sila kaysa sa mga doktor!

10. Rai - Hulyo 21, 2007

hehe.. ganyan talaga mga matatanda eh. ako din dati eh sabi may natapakan daw akong engkanto kaya parang may bato daw sa tuhod ko at di ako makalakad i think i was 10 years old nuon yung may nalabas pa ngang korteng image sa kandila. parang totoo hahaha anyway take care Godbless

11. Kimpotent - Hulyo 21, 2007

preho tyo ng style pg msama pkiramdam..

ayoko dn ng inom ng inom ng gamot kya dinadaan ko sa tubig at healthy foods.. hehehe..

hindi ako naniniwla dun sa pinapatak ng kandila.. ginaganyan kme dti ni mama tpos ung sa kapatid ko babae lumabas.. sbi ng nanay ko ako dw un! jologs nangbibintang..

hehe pero naniniwla ako dun sa “laway.” Ginaganyan dn kc ako dati tpos nawawala nmn tlaga.. ang nkausog pa nga skin nun ung tita kong mataba

12. claire - Hulyo 28, 2007

nanay ko at mum mo, parehong – pareho.. hanggang ngayon, naniniwala sa mga albularyo at kung ano-anong lunas gaya ng tawas.. minsan naiinis na nga ako kasi pati mga anak ko, pag may lagnat sila, sasabihan na lng agad ni nanay na baka nabati sila ng dwende at kelangan ipa-tawas.. pag tumanggi ako, mag-tatampo nanay ko.. pag gumaling ang mga baby ko pagkatapos kong painumin ng Calpol, sasabihin ni nanay, umalis na yung dwende.. ahahay!!

13. EDS - Hulyo 30, 2007

Hi! Kakatuwa ka… Naka-relate ako…Ang saya!

14. felicity - Pebrero 15, 2008

hehe…

15. tin - Pebrero 27, 2008

People of the Philippines patulong naman… pakisagot ng maayos plzzzzz…… Bakit wala ng naniniwala sa albularyo., riserts lang pohh…. tsaka share sum knowledse about it naman oh… plzzz… thanks sa sasagot… God Bless

gasti: galeng ah naligaw ka rito habang nagre-research..sana kapulutan mo ng aral to.

marami pa rin ang naniniwala sa albularyo lalo na sa probinsya na hindi kayang magbayad ng pampaduktor at pambili ng mamahaling gamot. marami rin naman kasi napapagaling ang albularyo sa tulong ng kanilang herbal medicine na tinatawag..dito naniniwala pa ako..pero kapag tungkol na sa usaping engkanto, dwende, punso, kulam ay medyo duda pa rin ako… hindi naman kasi kayang i-explain ng science ang mga ganitong pangyayari kaya marami pa rin ang nagdududa.

naalala mo ba yung commercial ng biolink vco? yung may babaeng parang sinapian na may losyang na buhok..ginamot ng albularyo tapos naging istreyt na istreyt ang buhok…yun kalokohan yun.

16. ely - Enero 15, 2010

hallo poh! gandang umaga! :–)))
meron po akong shingles sa katawan. nag iisip ako kung makakatulong ba ang tawas o asin sa pagpapagaling ko, sa ngayon eh lotio ang pangalan ng creme na nireseta sa akin ng doctor. ang problema poh eh talagang nagsasuffer ako sa sakit at nag buburn ang laman loob ko sa shingles. pls. pakisagot poh ako, kelangan ko ng tulong at malaman kung may magagawa ba ang asin oh tawas sa pag papatuyo ng shingles. maraming salamat poh. mylirico@yahoo.com

gasti: ahhmm ano ba yung itsura ng shingles? gusto sana kita tulungan pero mukhang wala pa ako naekspiryens na ganyan. kung singaw pde asin. kung putok pede tawas.

juice - Marso 1, 2010

shingles? parang herpes zuster? Ugahip tawag sa amin nyan. Kumuha ka ng maraming dahon ng ampalaya. Tapos palambutin mo sa ibabaw ng apoy ang dahon ng ampalaya. Pisilpisilin ang dahon habang mainit pa at lalabas ang katas-green. Ipiga mo ang katas sa shingles mo. kapag natuyo na, ulit-ulitin mo. Yon ang gamot na alam ko dahil yon ginagamit ng mga elders sa amin.

other gamot, wala na akong alam. basta effective sa akin yan.

juice

17. flon-Gee - Marso 1, 2010

ako, herbal baby talaga. 50 na ako. ang arbularyo sa amin ay di nagtatawas. pure talaga na herbs ang gamit. dun ko navalue ang natural medicine. Created by God yon. Tingnan– ngayon fad na ang herbal, cleansing, detox gamit ang medicinal herbs na nadiscover daw ng modern medicine. Buti pa ang di nag aral ng medicine, nasa kabundukan pa. alam noon panahon pa ni kopong kopong kung ano ang mga medicinal na damo damo. After ng mataas na pag-aaral at gastos, herbal ang bagsak. Tapos inaangkin na discovery nila. Kakahiya talaga sila. Kasi bago sila nag exist dito sa mundo, marami na gamagamit sa mga herbs na yan. Di lang ipinamalita sa media.
Good luck. kanina naglaga ako ng pandan at dahon ng tanglad. Detox

18. Rina padua - Nobyembre 6, 2012

nakakaaliw basahin


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: