jump to navigation

liars go to heaven Hulyo 23, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

wala kang kasalanan hanggat walang ebidensya,walang testigo,walang nagrereklamo…pero bakit karamihan ng mga holdaper na nahuli ng pulis ay nagsasabing inosente sila? mga rapist na positibong kinilala ng biktima ay nagsasabing tulog sila o out of town nung mangyari ang insidente…at kahit na nakuhanan pa ng video sa aktong pagnanakaw ay magsisinungaling pa rin at sasabihing “hindi ako yan”.

naalala ko tuloy dati yung classmate ko na nagpapasuntok sakin.
gapruns – uy suntukin mo nga ako dito sa braso para mawala antok ko.
gasti– sigurado ka ha! wag ka iiyak pag nilakasan ko
gapruns – sige ok lang..bilis na!
..right straight,right hook,right uppercut,right cross…*gazelle punch. (ewan ko lng kung hindi ka pa magising dyan)
gasti – o ano masakit ba?
gapruns – hindi naman masakit eh! hahaha!
kinabukasan pag pasok namin nakita ko yung braso nya…kulay violet na yung parteng sinuntok ko..(akala ko ba hindi masakit?).

may mga pa-conservative effect din ako na classmate dati na kapag may usapang kaberdehan ay bigla na lang eeksena ng “ay ano yan? di ko alam yan..wala pa kong muwang..bata pa ko! hihihi!” tapos magugulat ka na lang mga ilang buwan eh buntis na…aysus!

eto pa ang isang kwentong hindi ko malimutan mula sa isang classmate ko nung hayskul.
hindi namin mawari kung ano ang trip ng lalaking ito..kilos bading,asal bading at ngiting bading pero kapag may kasamang babae eh nagmumukha naman syang manyak na barako..minsan tinanong namin sya kung nagma-masturbate ba sya..
curious boys – uy pare nagjajakol ka ba?
brokeback boy – paminsan minsan lang..syempre normal nman yun eh!
curious boys – (hmmm..lalaki nga ata ah) eh ano naman iniimagine mo kapag nagjajakol ka?
brokeback boy – ah eh wala…wala ako iniimagine.
curious boys – toinks! pwede ba yun? ano yun pader lang kaharap at pinagpapantasyahan mo? baliw!
brokeback boy – kasi kapag may inimagine nako kasalanan na kay Lord yun..masama yung pagnasahan mo yung kapwa mo kahit sa isip lang.
kung sadyang tanga ka, maniniwala ka sa ganitong palusot.

mas ok nga siguro kung mala-pinochio ang tao kapag nagsisinungaling pero imbes na ilong ang lumalaki..etits kapag sa lalaki, boobs naman sa babae…at least kapag nagsinungaling ka masisiyahan pa kapartner mo.

everybody lies…that’s the truth!

Mga Puna»

1. Wacky - Hulyo 23, 2007

brokeback boy – kasi kapag may inimagine nako kasalanan na kay Lord yun..masama yung pagnasahan mo yung kapwa mo kahit sa isip lang.

curious boy – ows! hindi ako tanga gaya ng akala mo! ano ba’ng palusot yan!! kahit si lord hindi maniniwala sa’yo…

———————————–

wala kang kasalanan hanggat walang ebidensya,walang testigo,walang nagrereklamo…pero bakit karamihan ng mga holdaper na nahuli ng pulis ay nagsasabing inosente sila?

Eto lang ang masasabi ko… I have my rights to defend myself. So please, talk to my lawyer! lol!

———————————–

may mga pa-conservative effect din ako na classmate dati na kapag may usapang kaberdehan ay bigla na lang eeksena ng “ay ano yan? di ko alam yan..wala pa kong muwang..bata pa ko! hihihi!” tapos magugulat ka na lang mga ilang buwan eh buntis na…aysus!

Kunwari lang yan, kase kung sino pa yung mga pa-conservative, sila pa yung mas grabe kung mag-imagine sa gabi! He-he! Peace sa mga conservative type dyan na makakabasa nito…

2. joiz - Hulyo 23, 2007

hahaha totoong nagsisinungalin ang tao, hindi mo matatanggal yun, minsan di maiwasan rin ata? ewan ko. Di mo rin naman mapipigilan ang mundo na gawin yun unless agad agad ang parusa. Ang mga banat na tulad nito…

“mas ok nga siguro kung mala-pinochio ang tao kapag nagsisinungaling pero imbes na ilong ang lumalaki..etits kapag sa lalaki, boobs naman sa babae…at least kapag nagsinungaling ka masisiyahan pa kapartner mo.”

oh my gulay! wala akong alam sa ganyan. bwahahahahaha joke!

3. wanderingcommuter - Hulyo 24, 2007

pinalamasayang entry na nabasa ko ngayong araw na ito.

straight forward and honest!

good one dude!

4. Kimpotent - Hulyo 24, 2007

teka sa knock out ung *gazelle punch ah

hehe pero totoo nga ung kadalasan..
kung cno ung paconservative effect sila ung mga maagang nabubuntis.. andami kong kaklase nung Hs na mahinhin pa skin un pla “Mahinhin-dutin!” hahaha.. *yuck ang sama ko*

pero ngaun proud ako kc madalas akong msabihan na “siguro nsa loob kulo ng batang yan.” Tangina nla parang inaasahan nla akong mabuntis ng maaga. Atlis pahiya sila

5. .: jackie :. - Hulyo 24, 2007

hahaha..paminta ung classmate mo.hahaha..pamintang durog.nakakalurky.ahihihihhi. the lying thing was tight ha. it happens tlga kaya mawindang ka! hehe😉

6. Ikay - Hulyo 25, 2007

kakawindang na entry na naman.. naaaliw talaga ako. wala raw iniimagine.. asus ko po.

7. Jake The Miserable - Hulyo 25, 2007

Brokeback Boy: …pagnasahan mo ‘yung kapwa mo kahit sa isip lang.

Jake: Kapwa… LALAKE?!

Pero ‘nak ng tinapay, ang pagsisinungaling ko ang isa sa mga dahilan kaya may “ganitong” sitwasyon ako. ‘Lam mo na, the breakup thingy. But let’s just not go into that.

Rakenrol ‘yung mga situationals na binigay mo sa pagsisinungaling. Nyehehe.

[copy-paste-plugging]

Medyo plug-in lang ng kaunti. 😀

Last week na kasi ng Top Ten Emerging Influential Blogs, kaya medyo kampanya ever ako. Nyaha. Until July 28 na lang.

Post ka lang ng blog entry, nominate at least 10 blogs, basta una siyang ginawa nu’ng August 1 2006. Tapos post ka ng comment dito.

Well uh, kung dehins lang naman hassle at nakakahiya sa’yo ang aking prayer request. Libre kita squidballs. Nyaha.

[/copy-paste-plugging]

8. kc - Hulyo 26, 2007

natawa naman ako dito. panalo ang entry na ito!

naalala ko bigla na ginawa kong green joke yung mga natutunan ko sa duscussion namin ng reproductive system. ang daming nag-react na ang bastos ko daw..baka ako daw ang gumagawa nun kaya ko alam. tapos nalaman ko na mga nagpagalaw na pala sa boyfriend pagkatapos ng ilang linggo. ay sus! naloka ako dun. =)

9. Poli - Hulyo 26, 2007

Baka sadyang maka-Diyos lang si Brokeback! Hehe! Pero ang hirap naman yata nung pader lang ang iniisip.

Naku kung ari ang humahaba kapag nagsisinungaling ka, e baka nakapulupot na yung akin sa hita ko! Nyahaha!

10. Yasu - Hulyo 27, 2007

Haha!! Onga.. andaming Pinocchio sa mundo. Obvious na nga, ayaw pa umamin.. Dun sa klasmeyt mong bading/macho/di tiyak.. naalala ko si Nel ng PBB. Hahahaha!!! =p

“kilos bading,asal bading at ngiting bading pero kapag may kasamang babae eh nagmumukha naman syang manyak na barako”

Ahahaha!! Bongga! =p

11. claire - Hulyo 28, 2007

wahaha.. very well said.. dami nga nagsisinungaling para matakpan ang katotohan.. it’s true.. everybody lies!🙂

12. badoodles - Hulyo 30, 2007

kung nakakapagpahaba nga sana ng etits ang pagsisinungaling, convenient na. araw-araw na akong magsisinungaling. sasabihan ko ung tabachingching naming kapitbahay ng sexy! [may kasama pang whistle] ayos.

13. putukan na! « The Invisible Blog - Disyembre 28, 2007

[…] ako ng hate comments dyan..hehe! isasama ko na rin ang post ko tungkol sa kasinungalingan (liars go to heaven) at ang mga usapang barako na naglalaman ng mga pamatay na quotes. lahat naman ng isinusulat natin […]


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: