jump to navigation

cleaning time Agosto 6, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

makalipas ang mahigit isang dekada naisipan ko na magpalinis ng ngipin (para maiba naman). biglaan pa. kasi napasama lang ako sa pinsan ko na magpapabunot ng ngipin…dahil sa wala naman talaga sira ang ngipin ko at naisip kong gastos na naman ito eh! atras abante ako..bukod kasi sa plano kong maglinis ng aquarium at maglaro ng ps2 maghapon ay wala na akong ibang naisip gawin..pero sige na nga sandali lang naman siguro..para malaman ko na rin kung meron mga butas ngipin ko at makapagpapasta na rin..

mas alam ng pinsan ko yung lugar dahil nakapagpabunot na yung kapatid nya dati doon kaya pinaubaya ko na sa kanya ang aming paglalakbay..(hindi ko lang din kasi naintindihan yung instructions ng nanay ko)..buti naman at nakarating rin kami kaagad mga 2:30pm..kami ang first customers! yey!(dapat ba talaga masaya? bakit parang kinabahan ako.)

nang umupo na ko sa aking trono biglang nagtilian ang mga kababaihan..grabe ang hiyawan nila na para bang mapapatid ang mga litid nila sa pagsigaw…kung para sakin lang ang mga tiliang iyon ay masaya na sana ako.. pero hindi eh! para kanila Sam Milby at Piolo Pascual yun! habang kumakanta sila sa Wowowee..mga pinagpalang lawit talaga..habang enjoy na enjoy silang pinaghahalikan at pinagyayakap ng mga chikababes ay heto naman ako at nakanganga at nag aantay ng tooth fairy.

may pagka-Madam Auring din pala yung dentistang napuntahan namin kasi nahulaan nya na matagal na ako hindi nakapagpalinis ng ngipin unang kita nya pa lang…(partida na kaka-toothbrush ko lang :D). kaya ayun medyo napagsabihan ako ng tamang stroke ng pagsisipilyo at iba pang beauty tips para maalagaan ko ang ngipin ko.
(linis-mumog-kalkal-mumog-kudkod-kayod-mumog ulit…) madugong paglilinis ang ngyari dahil sa tuwing mumog ko ay may kasamang dugo..pero normal naman daw yun..sa wakas nakaraos rin! pagtingin ko sa pinsan ko masaya pa rin sya..enjoy na enjoy syang laruin ang umuugang ngipin nya sa harapan na para bang isang pitik ko na lang ay matatanggal na…

“Nakakatakot magpabunot..masakit yan! ingats!” yan ang mga sinabi ko sa kanya bago sya maupo sa trono…matapang na bata..nakukuha pang ngumiti habang binubunutan..ibang klase!

eto na ang pinakamalungkot na part…ang bayaran.. 300 pesos sa pagpapalinis (sa pagkain sana..nabusog pa ako). pagka-check nya sa mga files nya napansin nyang wala pa pala ako ni-isang record ng pagdalaw sa clinic nya. (ako lang ang wala sa pamilya namin)..

sige sa susunod magpapalinis ulit ako kahit ako na lang mag isa..at least alam ko na kung san yung clinic at hindi ko na rin kasama yung 6 yrs old kong pinsan.

Mga Puna»

1. Poli - Agosto 6, 2007

Ako rin matagal ng hindi nakakapagpalinis ng ngipin! Natanggal pa naman yung pasta ko nung bakasyon.Mamatay na si Sam Milby!

gasti: every month ata dapat nagpapalinis eh kaya lang magastos.
haha! uu mamatay na si Sam Milby!

2. cory - Agosto 6, 2007

haha eh wow 6 yrs old pala kasma mo. funny! naaliw ako…

gasti: hehe! salamat naman..

3. aryo - Agosto 6, 2007

he he. pinagbalang lawit. that’s new..

4. aryo - Agosto 6, 2007

hay naku. kung ano ano natatype ko. Pinagpala, i mean. Gawin ba namang kanyon ang kina Sam at Piolo.🙂


gasti: hehe! uu nga noh nalito rin akos a tinype mo..kasi ibabala yung lawit nila sam at piolo? wehehe!

5. badoodles - Agosto 6, 2007

haha! mga pinagpalang lawit. di bale mga pinagpalang betlogs naman tau. hehe.taga na nga din magpa-prophylaxis ngaun. nagpapasta nga din ako e kelangan daw munang i-xray para makta ang extent ng cavity. anak ng pacute na pating, anong akala nila sa ipin ko, ipin ni zobel de ayala? naku, ewan


gasti: sabagay ok din pakinggan yung pinagpalang betlogs😀
ngyon ko lang narinig yan prophylaxis..hehe! ang gastos naman nyan.

6. Nice - Agosto 6, 2007

ako paborito ko magpabunot ng ngipin sa UP-PGH kasi ang gwagwapo ng mga interns! kahit maubos pa bagang ko. hehehe!

gasti: haha! talagang mahilig ka sa gwapo eh noh😀 may bagang ka pa ba?

7. redlan - Agosto 7, 2007

Galing ng intro mo. tinitilian pala ay si sam at piolo.Normal lang dinudugo kapag first time.heheheevery 6 months ang pagpapalinis ng ngipin. sobra ka naman kung ma excite.salamat sa pagbisita sa blog ko. mga katutuo ni poli the best magpatawa.Keep blogging nelo!


gasti/nelo: salamat naman may x-factor pla blog ko..(ano yan x-rated?)
nagasgas ata pati gums ko kaya dumugo..pero hindi ko naman first time.

8. redlan - Agosto 7, 2007

katuto* pala. may x factor rin blog mo tulad ng kay poli.

9. kc - Agosto 7, 2007

syet, naalala ko din na di pa ako nagpapalinis ng ngipin. syempre, pulubi ode ako, walang pera. hina-hunting na nga ako ng dentista namin kaya nagtago ako nung nakita ko siya sa mall. harhar!natawa ako. akala ko kaedad mo yung kasama mo. 6 y/o lang pala. sus! tinalo ka pa.

gasti: hehe! feeling ko kasi pag pumunta ako ng dentista laging may bubunuting ipin sakin…yoko pa naman pag ganun kasi hirap ako kumain ng dalawang linggo.

10. redlan - Agosto 7, 2007

x factor yung may tawa at may halong kilig.

gasti: ahh..hehe! may kilig pa ngyon..ok ah!😀 salamat!

11. audrey legaspi - Hunyo 30, 2009

nakakaaliw naman basahin ang blog mo…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: