jump to navigation

basta driver, sweet lover Agosto 7, 2007

Posted by gasti in kwentong pasahero, muni-muni moments, self review.
trackback

ito na ang kalimitang nakikita ko simula nung nasa elementarya pa lang ako at sumasakay na ng trycycle o jeepney sa pagpasok 1.50 petot lang ata pamasahe sa jeep nun..di ko maintindihan kung bakit nila nasabing sweet sila eh karamihan naman ng driver eh walang modo at masyado hapet sa pasahero..pano naging sweet yun? sa sobrang dami ko na experiences sa pagsakay sa jeep na may barumbadong driver eh kulang ang otso oras ko dito sa opisina para ikwento pa lahat yun..

isang insidente na hindi ko makalimutan eh noong nasa elementarya pa lang ako mga grade 4 ata (hindi pa ko tuli) eh sumakay ako sa jeep na magara naman ang itsura hindi katulad ng jeep na sarao na may kabayong kinakalawang..mabilis naman ang takbo nito at may “cool sounds” tapos biglang may sumakay na magandang chiching na tantya ko eh college student na noon..hindi pa man din sya nakakaupo eh biglang pinaharurot na ng gagong driver ang jeep..sakto biglang kandong sakin nung chiching kasi ako nasa tapat nya (kesa naman dumausdos sya papunta sa harap eh mas pinili na lang siguro nya kumandong sakin).. hindi naman siguro gusto nya lang makalibre sa pamasahe kaya nya nagawa yun..pero na-outbalance kasi sya dahil naka skirt na hapit lang sya at naka heels pa…alam kong naka heels kasi natapakan nya rin yung kaawa-awang kong paa…naka tsinelas lang kasi ako nung oras na yun.. hindi naman nagtagal ang pagkakakalong nya sakin..after 2 minutes lumipat na sya sa tabi ko at nag-sorry..syempre sabi ko ok lang (next time ulit! :D). pagtingin ko sa kundoktor eh ngingiti ngiti lang sakin na para bang nakakaloko ang itsura…ganyan ba ang sweet driver? kalokohan!

pagsapit ko ng college, naadik ako sumakay sa mga mabibilis na jeep (gawa sa morales motors)..dahil sa lagi ako late sa pagpasok ito lagi ang sinasakyan ko..”patok” na jeep ang tawag sa kanila..harurot kung harurot talaga..gumegewang pa at hayok sa pag overtake ng ibang sasakyan..ito rin ang kinahuhumalingang sakyan ng mga chikas dun sa school namin…pag uwian grupo grupong mag aabang ng mga patok ang mga estudyante..pati mga umuuwing construction worker eh kasama na rin…
mabilis na byahe + cool sounds + chikas = byaheng walang katulad.
dito ko narealize na sweet nga ang mga driver..isama mo na rin ang mga kundoktor dahil lagi silang nagsasakay ng mgandang chikas sa harapan ng jeep…bola kung bola talaga…kadalasan eh nagiging syota pa nila..syempre hatid sundo.
(ingat ka ha! bukas ulit..same time, same jeepney!)

di ko rin alam kung bakit driver ang na-asawa ng tita ko…dati rati eh masaya naman sila pero dumating ang time na sobrang dalang na lang umuwi sa bahay nila..ultimo pasko at bagong taon ay hindi man lang nagpapakita. laging excuse eh nasa out of town (family driver kasi)…pero isang beses nakita ko mismo ang tito ko..may kalong na batang lalaki at may kasamang ibang babae…nung kinwento ko yun sa nanay ko hindi na sya nagulat…alam na pala nilang may “kabit” ang tito ko..pati yung tita ko alam na rin nya…sa ngyon sa pagkakaalam ko, 3 na panganay nung driver na yun..(sweet lover nga eh noh!).. nangako na syang magbabago..dahil wala na syang trabaho ngyon..isa na syang house husband.

pasintabi sa ibang driver na makakabasa nito..hindi ko naman sinabing pare-pareho kayong luku-luko..yun nga lang karamihan eh bastos,walang modo, tarantado, gago! sige magtaas kayo ng singil sa pamasahe..gawin nyo ng sampung piso sarado ang minimum fare! tutal eh hindi naman kayo marunong magsukli ng tama!

Mga Puna»

1. Kimpotent - Agosto 8, 2007

hehe.. mahilig ako umupo sa harap ng jeep at kdalasan nga prang nangangarir ung mga konduktor..pero karamihan nga ng my driver manyakis lalo na mga taxi driver..dti nga tnanong kme ng kaibigan ko ng taxi driver na sinakyan nmen, kung japayuki dw ba kme. tangina nun!


gasti: malamang nga kim matipuhan ka ng mga driver at konduktor kasi may itsura ka naman tapos maputi pa…ingat ka na lang sa mga mapagsamantala…saka pwede ka nga mapagkamalang hapon o koreana dahil sa mata mo.

2. Anonymous - Agosto 8, 2007

Yoko na lang pansinin na allergic ka sa mga jeepney driver (yoko ba talaga?hehe)Pansin ko lang parang inspired ka yata sa pagba-blog ngayon ah.. 2nd post for this week? hehehe…Karamihan talaga sa mga jeepney driver na yan kainis pero lamo na-try ko na sumakay sa sinasabi mong “patok” at kumustahin mo ano itsura ko nung pumara at bumaba…Feeling ko daig ko pa na-rape at lahat ng buhok na meron ako nagtayuan..Mixed emotions kya pag napasakay ka sa patok na yan. Hehe…


gasti: hindi naman sa allergic..kalmado pa nga ako eh😀 hehe! sabi sayo wala akong magawa ngyon eh bumabagyo pa…dapat kasi kanselado na rin ang pasok ng mga nagtatrabaho. uu nga mixed emotions lalo na pag nakikipagkarera sa kapwa patok..parang isang paa mo nasa hukay na (madalas pa nakasabit lang ako!)

3. Nice - Agosto 8, 2007

talagang 2 minutes ang tagal ng pagkalong sau ng chikababe ha? naorasan mo pa, in fairness. hehehe!nway, kawawang paa. natapakan ng heels.

gasti: hehe! syempre tandang tanda ko yun…masakit talaga yung paa ko dahil sa heels nya..tiniis ko na lang

4. Gean - Agosto 9, 2007

hehe, galit pala sa driver.hindi ko ugaling sumakay ng jeep, kapag lang talaga kailangan.tricycle kasi sasakyan ko pauwi. mas timawa sila.


gasti: bihira na rin ako makasakay ng jeep eh..weekends na lang. trycycle din madalas ko masakyan ngyon bukod sa mga service van.
hindi naman sa galit ako sa lahat ng driver…sa mga kupal lang.

5. ch13f - Agosto 9, 2007

hahaha ..i had fun reading your entry ..tama ka nga ..ganyan din ang case sa amin dito sa cagayan de oro ..mga hayskul nga lang ang punterya ng mga drayberz at kundoktorz ..makikita mo na lang ang mga nagsilakihang tiyan ng mga babaeng sakay ng sakay sa kanila noon .. toink .. yun pala, may deposit na ..

gasti: ang layo pala ng lugar nyo..kahit san naman nagkalat ang mga lokong driver eh..kawawa naman yung mga hayskul nabola lang..ang bata naman nabuntis

6. .: jackie :. - Agosto 9, 2007

sometimes they can be so scary. kasabwat nila mga hold-uppers e..

gasti: uu nga minsan kasabwat talaga sila.

7. badoodles - Agosto 9, 2007

good observation. bakit nga naman tnawag na sweet lover ang mga kumag na driver na un. at naka-steal base ka pa sa isang chiching. kung swertehin ka nga naman. hehehe.

gasti: hehe! 1st and last incident na yun eh. laking tsamba lng naman..kaya lang totoy pa ko nun eh

8. claire - Agosto 10, 2007

pambihira talaga karamihan sa mga drayber sa tin.. onli in the pilipins.. dami ko din naeencounter na kaskasero at walang modong jeepney driver.. haayy buhay……..

gasti: uu nagkalat talaga yang mga damuhong yan.

9. Poli - Agosto 10, 2007

Naks instant tsansing ka dun sa chickabebs! Hehe!Talagang napakasaya sumakay sa patok! Lalo na yung may malakas na bass na ang tugtog e Salbakuta! Nyahaha!


gasti: uu masayang sumakay sa patok..cool nga eh lakas ng hangin pag tumatakbo yunng jeep😀
wag naman salbakuta..haha! ang jologs

10. aryo - Agosto 10, 2007

kayo pala dahilan kaya dumarami ang patok na yan. minsan na kong muntik nabangga ng mga yan. akala ko nawawalan ng preno. yun pala, wala lang balak magpreno! muntik na kong atakehin sa puso!

gasti: teka..hindi naman kami nanganganak ng patok ah😀 ingat ka na lang sa pagtawid pre..ako rin muntik muntikan na mabangga nun eh.

11. Jhed - Agosto 10, 2007

Ang sarap nga sumakay sa mga patok! LOL!

gasti: uu parang roller coaster ride😀

12. Wacky - Agosto 11, 2007

Nice entry paye! Enjoy! He-he!Nakakainis nga yang mga jeepney driver na yan. Kung makaharurot sa kalsada, parang sila lang ang tao sa mundo. Hindi marunong gumamit ng side mirror tapos hindi pa kilala ang salitang preno. Namputsa!Isa pa sa mga kinaiinis ko sa mga yan eh pag may nakita silang aaktong tatawid sa kalsada, eh biglang papaspasan ang pagtakbo na para bang papatay ng tao. Kapag hinintay mo naman silang makalampas bago tumawid, eh para naman nagpapatakbo ng karo ng patay! Putik lahat sila!😦

gasti: pume-preno naman sila pero hindi nga lang dahan dahan..yung biglang preno na mapupunta lahat ng pasahero sa may harapan at lumuluwang ang jeep.

13. joice - Agosto 11, 2007

naalala ko dati sa fx… pauwi akong batangas kaya malaki ang dala kong backpack. kasabay ko ang ate ko nun at malakas pa ang ulan. umupo kame sa harapan ng fx tapos yung bag ko pinatong ko sa lap ko, bigla ba naman hinawi ni manong at sabi nya eh “ang side mirror ko!” [natakpan kase nung bag ko yung side mirror. tapos nilipat ko yung bag ko sa gilid ko, meaning sa gitna ko at ni manong, sabi ba naman nya, with kapilosopohan,”hindi na ko makakambyo.” slightly napatungan kase nung bag ko. sabi ko na lang, “ok manong, sorry!” nabastusan lang talaga ko sa kanya. hahaha. adik!


gasti: wow mukhang madami ka nga rin experience..hehe! natawa ako dun sa pagkambyo ni manong..bastos agad naisip mo eh! haha!

14. joice - Agosto 11, 2007

may isa pa… eto naman sa batangas ko naexperience. magaganda kase ang mga jeep dun at may ilan talagang sobrang bilis. minsan sumakay kame ng ate ko sa magandang jeep tapos mga 3 lang yung sakay nung jeep, 2 babae, at isang bading… tapos ang lakas ng sounds ni manong as in, super lakas talaga. pumara si bading tapos hindi sya narinig ni manong, ang bilis bilis pa ng takbo na as in hindi kame bumibitaw sa handrails.. tapos sigaw na ng sigaw si bading hindi pa rin sya marinig, katok ng katok sa bubong ayaw pa rin.. tapos pati kame sumigaw na din tapos saka lang nya narinig.. tapos bumaba na kame lahat [bale yung 3 plus 2 kame ni ate] sa sobrang inis kay manong. sabi ko na lang, “adik yata sya.”buti na lang di pa kame nagbayad.🙂

gasti: teka di ba yung mga patok na jeep eh may hinihilang lubid para malaman ng driver na bababa ka na…either pailaw yun o buzzer..para hindi ka na mahirapan sumigaw.

15. RJBL MOTORS - Marso 15, 2008

PARE TALO LAHAT YAN DAHIL ANG JEEP NAMIN NA BYAHENG BAGUIO LA TRINIDAD TOMAY PAG UUWI NA KAMI AY SA KABAYAN BENGUET PA MATARIK TALAGA ANG DAAN DOON LALO NA KUNG NAKASAKAY KA SA FORWAD NA TRUCK OVERLOADING KAHIT JEEP KASI BIHIRA ANG SASAKYAN AT GASOLINAHAN DOON.TATAWID KA PA NG 6 NA ILOG .

gasti: uhhmm baguio? benguet? kung ganyan ba naman lagi ang binibyahe mo eh pwede ng isabak sa pinoy records yang sasakyan mo. astig! pero wala akong balak sumakay dyan sa forwad na truck na overloading. delikado yan pagbagsak mo bangin agad.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: