jump to navigation

tara suntukan tayo! Agosto 13, 2007

Posted by gasti in balitang isports.
trackback

Mabuhay Philippines…ipagbunyi ang lahing Pinoy (World Cup of Boxing 5-1).
exciting talaga manood ng boxing..astig ang mga laban 2 decision fight at yung 4 na huli eh puro knockout na..
proud to be pinoy talaga! sorry mexicans..it’s now our turn to rule the world of boxing.

domingo: sino ka ba talaga? Roman o Juarez? gulo mo!
Roman: mukhang malaki ang kargada mo pre! pahipo naman

Beranza: viva mexico! kili-kili power!
Gabi: Etong sayo hinayupak ka! immune nako sa mga putok..

Banal: Panis! hanggang dyan ka lang pala..iyakin! bhelat!
Cardenas: waaah isusumbong kita sa nanay ko!

Gorres: Oooops onting ilag baka ma-headbutt mo na naman ako.
Ortiz: Tado ka! ikaw nang uulo sakin eh..gamot sa bukol meron ka?
Ref: Haay kaygwapo naman pala ni Gorres up-close..nice legs din.

Peñalosa: Tenk Yu Lord! maniniwala na ako ngyon sa himala

Bautista: Ref thekka lannng..hinnddi phaako lasheeeeng..khaya koo phaaaa…zzzz…

parang gusto ko iganti si boom boom sa pagkakatalo nya (pero parang hindi rin)…hindi kasi pang superbantamweight ang timbang ko..hehe! saka mukhang kurimaw yung Ponce..halimaw talaga! kahit si Pacquiao may tulog dun.

sana dumami pa ang mga magigiting nating boksingero..kelangan natin mag recruit ng mga basag ulo sa Tondo saka ng mga halang ang kaluluwa na pariwara na ang buhay…o kaya kargador sa palengke o construction worker…at least dito sa boxing patas ang laban..pareho ng timbang at hindi masyado nagkakalayo ang height…di gaya ng basketball na pinaglalaruan lang tayo ng mga higante.

nga pala naalala ko ang isang linyang binitiwan ni Korina Sanchez nung nakikipag usap sya sa dalawang sports analyst..”Ano yung southpaw?!” haha! obvious naman kasing walang alam sa boxing eh pilit pa ring kinukuha ng ch. 2 na mag host..nagmukha tuloy syang mangmang at syunga-syunga.

Mga Puna»

1. Jake The Miserable - Agosto 13, 2007

Laughtrip ‘yung mga kapsiyons. :))Tama ka nga naman du’n sa pagkakaiba ng boxing at basketball. Pero siyempre generally speaking, mas maganda talaga kung nag-e-excel tayong mga Pinoy sa anumang larangan ng isports. Dahil diyan, dapat kahit papaano e bigyang-atensyon din ito ng gobyerno.Hahaha smackdown si Koring. LOLz.

gasti: hehe! korekek..nanood din ako ng RP basketbol team kaya lang..natalo agad eh! matagal pa ulit ang competition…
siguro naman eh dadagdagan na ng gobyerno ang suporta sa sports natin.

2. badoodles - Agosto 13, 2007

cheers sa mga pinoy boxers!. sana mexico ulit ang challenger country por da cup o kaya thailand.

gasti: wala muna atang rematch na mangyayari..baka ibang bansa naman ang isabak para masaya…more exposure sa boxing ng ibang bansa.

3. kc - Agosto 13, 2007

natawa ako sa mga caption…lalo na yung kay penalosa. di ba natalo siya sa laban niya dati..basta sa mexicano din yata. napanood ko yun. talagang baldado siya sa kalaban niya.bumawi na ang lolo…

gasti: uu kay Ponce nga sya natalo..yung nakatalo ngyon kay Boomboom

4. Gean - Agosto 14, 2007

Hahaha. I love the captions! Funny.🙂

gasti: hehe!😀 thanks!

5. aryo - Agosto 14, 2007

Ok sa captions ah. As in me hipuan pa talaga, he he.

gasti: meron talaga kapag minsan low-blow..gusto lang makadampi nun

6. EDS - Agosto 14, 2007

hi nelo.. ayos sa captions.. galeng.. kaya lang tinawag mo syunga-syunga si korina..bad yun.. hehe.. ang kyut!

gasti: bopleks naman talaga pagdating sa boxing si korina eh..

7. MARU - Agosto 14, 2007

nyahahaha! ang kulit ng mga captions. nelo dear, thank u sa pagbisita mo sa blog ko. ayan nasundan tuloy kita. stalker bigla ang naging dating ko.😀

gasti: ayos ah first time na naman to may tumawag sakin ng “nelo dear”..haha! ur welcome madam maru.

8. Kimpotent - Agosto 14, 2007

hehe bagay na bagay mga caption ah!tungkolnga pla kay korina, nagmamagaling kc xa mxado.. dapt d na knuha ung msamang ugaling un


gasti: uu nga eh hindi sya bagay sa paghost ng boxing..wala naman syang alam

9. earthlotus - Agosto 15, 2007

parang back broke brokeback lang ah.. haha.. ^_^

gasti: parang ikaw lang ah..hehe!

10. kc - Agosto 15, 2007

ayun! si ponce…syet. naawa ako kay penalosa nun. binu-boo pa nga siya nun eh. buti ngayon nakabawi na siya.at nagustuhan ko rin yung captions mo nung kay boom-boom

gasti: sa pagkakaalam ko kasama sa binu-boo si Ponce kasi hindi nya kayang i-knockout si manong gerry..worse tinakbuhan nya pa nung last round.

11. Poli - Agosto 15, 2007

Tae, tinanghali ako ng gising at yung kay Boom-Boom lang naabutan ko! Takte!Mas gusto ko talagang manuod ng boxing na mababa lang ang weight division! Ang boring kasi para sa akin nung mga heavyweights!Go Pilipinas!

gasti: sayang pre yung talo pa yung napanood mo..isang round lang..maganda pa naman lahat ng laban. ako rin mas gusto ko manood ng laban ng mababa ang timbang kasi suntukan talaga..madami at mabibilis..less yakapan pa!

12. hxero - Agosto 16, 2007

hahaha kataw-ana man mga captions nimo doy… natawa talaga ako… babaw ba?..


gasti: medyo nagulumihanan ako sa nabasa ko pre! hehe! bisaya ba yan?

13. tablado « The Invisible Blog - Pebrero 4, 2008

[…] ng tungkol sa pampalakasan..ang naalala ko lang na nai-post ko sa kategoryang ito eh >>>ito<<< lumang luma […]


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: