jump to navigation

a love story Agosto 22, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

mahirap version.

suitor: Pasensya ka na ito lang nakayanan ko eh! (sabay abot ng pansit bihon na nasa plastic na supot) mahirap lang ako..alam mo yan..pero ipinapangako ko sayo na mamahalin kita ng tapat at higit pa sa buhay ko..magsusumikap ako para mabigyan ka ng maginhawang pamumuhay..bubusugin kita ng aking nag uumapaw na pagmamahal, ipagsisibak kita ng kahoy,didiligan ko ang iyong hardin,ipagluluto kita,ipaglalaba, pati pamamalantsa ay ako na rin ang gagawa…pagsisilbihan kita habang ako ay nabubuhay..handa akong maghintay kahit abutin pa ng taon..mahalin mo lang ako.

mayaman version.

suitor: Pasensya na yan lang ang nakayanan ko eh! (sabay abot ng susi ng isang mamahaling kotse)…mayaman ako, gwapo, macho, matalino,simpatiko..kelangan pa bang i-memorize yan?..alam mo namang lapitin ako ng babae kaya wag ka sanang magseselos kung sakaling makita mo kong may kasamang iba..pero ipinapangako ko sayo na ikaw ang No. 1 sa puso ko at magbubuhay reyna ka sa piling ko.. bubusugin kita ng mga pagkaing hindi mo pa natitikman, magsasawa ka sa mga pagkain sa 10 restaurant na pag aari ko, hindi ka na muling magugutom pa…hindi mo na rin kelangan maglaba,magplantsa,magluto,maghugas ng pinggan at maglinis ng bahay dahil meron na akong 15 katulong sa aking mansyon..sabihin mo lang kung kulang pa at dadagdagan ko..ako lamang ang tanging pagsisilbihan mo…wala ng iba pa. siguraduhin mo na lagi kang maganda, sexy at bagong ligo kapag uuwi ako..wag ka mag alala bibigyan kita ng pera para ma-maintain yang kutis mo…pwede ka magpa-schedule ng appointment kay Belo o sa Calayan couples..sabihin mo lang ang pangalan ko at bibigyan ka pa nila ng VIP treatment..ako ang most sought after bachelor sa bansa ngyon..good catch nga daw sabi ng nakararami! I’m the complete package! bibigyan kita hanggang bukas para makapag decide..see yah!

kapag lalaki ka at salat sa salapi, suntok sa buwan kung manliligaw ka ng mayamang chiching..malamang eh basted ka kaya hindi mo na lang itutuloy ang plano mo.

kapag babae ka naman at salat rin sa salapi, mas nanaisin mo ng sumama sa isang mayaman na manliligaw..kahit nga minsan (or kadalasan) eh panget o kaya oldies na ay may chance pa rin.

bibihira naman talaga yung mga love story na happy ending…yung tipong everybody’s happy..malabo yan! lalo na kapag iisang babae lang ang nililigawan nyo…parang sugal kasi yan..may nananalo, may natatalo. ang importante lang eh hindi ka maubusan ng pangtaya.

eh ano namn ngyon kung madaming beses ka na nabasted? sa oras na makadagit ka ng isang magandang chiching, titingalain at iidolohin ka pa rin ng mga kalalakihan at makakalimutan mo na ang iyong pagkasawi sa ibang babae.

kung ikaw naman ay kilalang tsikboy at madami ng dumaang tsiks sa pototoy mo ay hindi ka pa rin dapat magsaya dahil balang araw makakatagpo ka ng katapat mo na magpapayuko at mag aalis ng kayabangan mo sa katawan.

kung iisipin mo nga naman..hindi naman lahat ng palagiang nababasted ay panget at hindi rin lahat ng tsikboy ay gwapo.

Mga Puna»

1. kc - Agosto 22, 2007

haha. comedy ang script mo dudung! =)

2. joice - Agosto 22, 2007

“hindi naman lahat ng palagiang nababasted ay panget at hindi rin lahat ng tsikboy ay gwapo.”

truelily.

take for example, our beloved national hero jose rizal. daming chicks, bansot naman. at hydrocephalic pa!

ayus.

3. icka - Agosto 23, 2007

in short.. pakapalan lang ng mukha yan.

teka ung poor version na guy? suitor b tlga ina-applyan nun o chimoy? hehe

4. Poli - Agosto 23, 2007

Haha! Nakakatawa pero totoo!
Kay saklap talaga ng buhay!

5. Nice - Agosto 23, 2007

ganyan talaga ang buhay… kanya-kanyang buhat ng bangko sa panliligaw. yung isa mahirap, yung isa mayaman… iba-iba ang offer depende sa economic status, mental ability at physical appearance. ako? dun ako sa malaki… malaki ang puso at bubusugin ako sa pagmamahal!

6. MARU - Agosto 25, 2007

di ako maka-relate.😦 di pa kasi ako naliligawan eversince.

7. Wacky - Agosto 25, 2007

Nice entry ‘tol! Ako, marami akong pantaya at marami akong puwedeng tayaan! Problema, hindi ko alam kung pa’no ako tataya. Yikes! Tyope ba tawag dun?

Kip it up ‘tol!πŸ˜€

8. Patty - Agosto 25, 2007

“kung iisipin mo nga naman..hindi naman lahat ng palagiang nababasted ay panget at hindi rin lahat ng tsikboy ay gwapo.”

Tama! Hahaha ayos ah! Nakakatawa!πŸ˜€

9. earthlotus - Setyembre 10, 2007

mwahahaha.πŸ˜€ ako kaya? san dun? wahaha.πŸ˜€

may pantaya naman ako para sa chuvachenes pero ang tanong, paano ko itataya?

wahaha.πŸ˜€

torpe torpe torpe! wahaha.πŸ˜€

10. randomdemeanor - Disyembre 3, 2007

Tunog DOM yung pangmayaman na version ng suitor..ahhaah

gasti: uu nga eh parang ganun na nga ang lumalabas..

11. Jeckass - Pebrero 7, 2008

san ka ba sa version na yan?

ako ganito:
Jeckass version – Ahm..kagwapuhan lang ang puhunan ko…
Chickababe: Tama na. Oo na. Tayo na. May discount card ka ba?
πŸ˜‰

gasti: syempre iba rin ang version ko.
gasti: love me now and I’ll court you forever
chiching: awww..ang sweet mo pala. sige I love you na!πŸ™‚

12. bonistation - Abril 15, 2009

totoo nga . panalo yung mayaman version haha! waging wagi! clap clap!

dalaw ka dito idol ha topexpress

gasti: yan na ba ang bago mong blog? sige bisitahin ko mamaya.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: