jump to navigation

magic kahihiyan Agosto 28, 2007

Posted by gasti in kahihiyan.
trackback

kapag may bertdeyan, may inuman at kantahan.
linggo ng hapon.
“…hapi bertdey to you” sabay ihip ng number 5 candle ng anak ni bayaw…ayos tsibugan na!. pagkatapos kumain ng mga tsikiting na bisita..pinaalis na namin sila at naglatag ng maliit na mesa na naglalaman ng pulutan (inihaw na tilapya, pritong balat ng manok,pansit bihon, at lechon kawali)..yum yum! syempre hindi mawawala ang bote ng san mig beer at pitsel na naglalaman ng sandamukal na yelo at colt 45..ngyong araw din na ito mabibinyagan ang bagong biling magic sing nila. *ehem ehem! mukhang mapapalaban na naman ako neto.

ayoko talagang kumanta kasi nandon din ang nanay at tatay ko…at isa pa busy ako sa pandaraya ko bilang tanggero. “Oh tagay mo na yan pre! antagal naman nyan..”, “di baleng magtagal ang kamay sa suso, wag lang sa baso”. *sabay bulong kay bayaw.(pre mukhang di na ata kaya..pulang pula na ang loko..susuka na naman to mamaya. hehe!).

“Oy kumanta ka naman..wag na mahiya..tayo tayo lang naman magkakarinigan dito eh”. buyo ng tatay ko. “mamaya na po tay! hindi pako lasing”. (ganyan lagi palusot ko kapag di ko trip kumanta). pinagpatuloy ko lang ang pag inom hanggang sa dumating ang oras na ako na lang ang hindi kumakanta..”Ano ba yan?! kanina ka pa naghahanap ng kanta dyan sa song book wala ka pa ring mapili.” Opo eto na nga eh nakapili na ko ng dalawa.

isinalang agad nila yung napili ko para wala daw ako kawala…aysus!
pagkatapos ko sentensyahan ang kantang “you decorated my life” akala ko ay lusot na ako..nang biglang lumabas ang score…”28″ arekup! partida na duet pa kami nun. wala ng mas sasama pa sa score ko.. kaylupit naman ng hinayupak na magic sing na ito.. (parang gusto ko ibato yung mic pagkakita ko ng score sabay uwi sa bahay namin. ) ang ipinagtataka ko lang eh bakit matataas ang score na nakukuha ng ibang kumakanta samantalang wala naman sila sa tono. ang matindi pa nung time na pumiyok ang erpat ko eh binigyan sya ng score na “93”.the highest score nung gabing yun. wow! hanep! pano ngyari yun?

sinubukan ko ulit kumanta (eto na sana ang pambawi)..at ang ikalawang kantang sinentensyahan ko naman ay ang makabagbag damdaming “just the way you are”…maayos naman ang lahat at wala namang bumato sakin ng baso o sumigaw ng “umuwi ka na lang!” habang kumakanta.. ok na sana ang lahat maliban sa score kong “21”…(ilayo nyo na sakin yang letseng mic na yan at baka maibato ko na talaga..). yun na ang huli kong kinanta..ayoko ng dagdagan pa ang kahihiyan ko.
———-

lunes ng hapon. (sa bahay namin)
kantahan na naman…hiniram kasi ni bebi yung magic sing (nabitin sa pagkanta nung sunday dahil puro barakong lasing ang nagsipagkantahan). sa isip-isip ko naman…baka dito sa bahay mas mataas na ang score ko.
bago pa man simulan ang kantahan in-adjust muna namin ang level ng pag-score..ayos! 3 levels lang pala yun at nasa 2nd level na yung scoring. kaya naman pala karamihan ng score na lumabas nung gabi eh puro mabababa…*amature singer level activated.

walang inuman dito sa bahay kaya sa tingin ko eh konti lang ang confidence level ko kumanta (50% minus 30% confidence level(dahil sa kahihiyan kagabi) = 20% garalgal at mahinang boses)..pagkatapos ko paglamayan ang kantang “you decorated my life” part 2. binigyan ako ni magic sing ng score na “76”..ayos nag improve na! madami-dami rin akong nakanta pero sumatutal eh puro palakol lang naman ang score ko kaya tinigilan ko na.

self assessment:
mahina ang boses
kulang sa tyempo
laging bitin ang pagbirit

“alamo mas maganda boses mo kapag walang mic” -bebi.
palagay ko nga rin.

Mga Puna»

1. Patty - Agosto 28, 2007

Hahaha! Natawa naman ako :))Parehas lang pala tayo. Pangit boses ko kapag may mic. Nagiging tunog-daga/ipis na di mo maiintindihan. Haha!

gasti: haha! ang kulet..siguro naiilang ka rin sa mic.

2. lesliesparade - Agosto 28, 2007

hindi ko alam kung bakit naiiba ang boses ng tao kapag gumamit ng mic or telepono..ang weird..hahaboses maton daw ako sa mic pero kapag wala parang hindi naman

gasti: uu nga eh! mahirap kontrolin ang boses kapag may mic.nakow boses maton ba? hehe! baka malakas ang echo.

3. niknok - Agosto 29, 2007

hehe ang kulet…ako din naiilang sa mic kasya pamilya ko lang tlga ang pwedeng makarinig ng pagkanta ko! at least sila tatanggapin parin ako no matter what, hehehe

gasti: syempre naman..kahit asar asarin ka pa nila..wala silang choice.

4. kc - Agosto 29, 2007

naloka naman ako. adik ka pa rin pala sa videoke? ako nga kahit aegis kinakanta ko pag nahawakan ko na ang mahiwagang mikropono. wala akong paki kung jologs man yun o ano. basta gusto kong kumanta kahit sintunado. haha!


gasti: nakow aegis mapapalaban ngalangala mo dyan. di ako adik sa videoke ha😀

5. Baby Bubut - Agosto 29, 2007

hehe! sabi nila sa lakas daw ng boses binabase ang score, kahit pangit, pumipiyok o monstrous basta malakas, 97! pero kung the opposite kahit malaanghel pa ang boses mo, 20.Try singing.your link’s done, btw.🙂


gasti: uu nga raw eh! nakukuha sa lakas ng boses yung score. salamat sa paglink sakin..i-link na rin kita.

6. kc - Agosto 30, 2007

haha. ansakit sa lalamunan. hinihingal ako dun pero masayang kumanta ng aegis. challenge kapag mataas ang boses ng kumanta. kaya pati regine velasquez pinapatos ko.ang intindi ko kasi adik ka. senya. slow eh..

gasti: wow birit queen ka pala.. idol!
sing your heart out..lalo na ngyon masaya ka na dahil sa pagkapasa mo.

7. kc - Agosto 31, 2007

haha. kapalan lang yan. basta pag biritan kahit seryoso ako nagiging comedy ang dating. sus!nung nalaman kong pumasa ako, hindi ako napakanta..nagsisigaw ako ng “T@^& ina…pasado ako!” sabay talon.siguro kukurutin ako ng dean namin na madre kung narinig niya ako. *lol*

gasti: hehe! kurot sa singit yan…oks lang yun pasado ka naman eh

8. mikaela - Agosto 31, 2007

ang sikreto sa magic sing eh lakasan mo lang ang boses mo, eh makakakuha ka agad ng mataas na score.hehe.tried and tested ko na yan.

gasti: ayos ah..experts advise.

9. kc - Setyembre 3, 2007

malamang kurot nga sa singit. pero oks lang groovy naman si sister. haha!


gasti: next level na rin si sister😀

10. randomdemeanor - Disyembre 3, 2007

halaka…hindi ko malilimutan talaga..ito ang kauna-unahang post na nagcomment ako dun sa dating mong blog….

wakah!!! ngayon..nawala na aking comment (ahuhuhu)…di bale…balak ko sana ibalik ung dati comment dito noon eh..kaso di ko na maalala…

basta wag ka nang kumanta gamit ang magic sing…minamagic ata boses mo!


gasti: haha! first time pala..oks lang yan madadagdagan pa naman ang post ko rito eh

11. kengkay - Disyembre 4, 2007

ako sarap na sarap akong mag magic sing kasi mga aleman ang kapitbahay ko, akala nila ang galing ko kumanta ng inglis kasi naman di nila naiitindihan, ahahaha… kaya lang kakalungkot din kasi ang mga ka jamming ko ang gusto lang kantahin yung sa sound of music at yung big big girl, sempre sino pa kundi yung mga anak ko yan, ahahah

gasti: haha! ganun pala mga forte dyan..musical ang trip at least ikaw ang reyna ng kantahan dyan.

12. choose 5 « The Invisible Blog - Pebrero 6, 2008

[…] 1. family – hangga’t maaari ay iniiwasan kong magpost ng tungkol sa pamilya ko dito sa blog “magic kahihiyan“ […]


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: