jump to navigation

5 pampakiliting blogs Disyembre 4, 2007

Posted by gasti in to whom it may concern.
trackback

una sa lahat nais kong pasalamatan ang ating Mestro na si Badoodles na malapit ng ikasal ngyong Disyembre sa pagbubuo ng patimpalak na ito kung saan ang mananalo sa raffle ay makapag uuwi ng isa sa tatlong kayamanan nya (2nd hand?). at kapag napasama ka naman sa 10 nilalang na may pinakamaraming nauto ay pagkakalooban ka ng isang higanteng tropeo na singlaki ng bracchiosaurus. kasama na rin ang pag unlad ng iyong blog hits.

dapat nung November ko pa ito nagawa eh kung hindi lang ako nabuking..haaays! pero meron nga tayo kasabihang huli man daw at magaling, may blog pa rin. kaya eto boboto na ko dahil ganid ako sa pera..bwahahaha!

1 point goes to…poli – madaming alam sa kalokohan itong batang to. di ko naman makalimutan sa mga entries nya yung tungkol sa placenta. madami na syang napasayang tao kaya sa tingin ko ay isa sya sa mga dapat manalo sa pa-contest na to kahit bihira na sya mag update ngyon..ang pag aaral nga naman panira talaga sa bisyo.

2 points goes to…maruism – ang babaeng walang pahinga. nagba-blog, nagwo-work, nagpapaaral ng mga anak at nagbebenta ng polvoron. humahanga ako sa babaeng ito dahil sa angking kasipagan at katapangan..syempre di mawawala ang kakulitan at kalandian na syang umani ng milyon-milyong papuri sa mga kalalakihan at libo-libong papuri naman galing sa mga chikababes. pwedeng pwede na nga syang magtayo ng isang relihiyon.

3 points goes to…maldito – ang masasabi kong late bloomer blogger. virgin na virgin pa ito nung matikman ng isang mandadakma/mandadagit na humihigop ng lakas. marami syang kwento na nagpaiyak sakin gaya na lang nung pagkamatay ng buddy nya. masaya tumambay sa boarding house blog nya.

4 points goes to…gasti – dahil sa nakabalik na ako pwede ko na ring iboto ang sarili ko..hehe! hindi naman sa umaasa akong manalo pero gusto ko lang isali ito para naman may bumoto sakin at pag nagkabilangan na.. may points ako. lols at dahil sa mapagbigay naman ako, ipapaubaya ko na lang sa kaopisina kong seatmate ang 5 points ng boto ko. (dahil sa ipinangako nyang iboboto nya rin ako na may katumbas na 5 points.haha!) taena samin pa lang nakakulimbat na kami ng 9 points.

5 points goes to…chillidobo – ang ulam na nais tikman ng sangkababaihan. maanghang na bata ang nagmamay ari ng blog na ito. may secret identity rin kaya sya nagtatago sa adobo. gaya ng isinasaad sa blog nya…malasa yun. punumpuno ng kakulitan sa bawat entries…w/ matching picture editing para mas masaya.

o ayan kumpletos rekados na…sana may makapasok naman kahit isa sa mga binoto ko. Mabuhay ang mga humor blogs na nagpapasaya sa buhay petiks sa blogging world. kung meron kayong time para bumoto, sali na rin kayo dito. anong malay nyo baka kayo pa pala ang manalo..makikibalato na lang ako :D…di hamak naman na mas madali manalo rito kesa sa mga txt contest na nagkalat ngyon.

Mga Puna»

1. jojie - Disyembre 4, 2007

sana manalo din ako sa raffle.ūüėÄ

gasti: uu nga mas ok manalo sa raffle..hehe!

2. homebodyhubby - Disyembre 4, 2007

p’re “tag” rin ba ito? …parang 5 most peborit bloggers ano?

marami na’ko nakitang tag na ganito at parating kasama si maldito. ako man peborit ko yan e, ewan ko kung naniniwala sya. ahehe

talagang malakas ang karisma ng “anak” kong si bad boy. buti na lang hindi nagmana sa akin? (jokes lang, maldito. pero yung peborit kita e tutuo)

gasti: hindi tag ito pre! pa-contest ito ng isang big time blogger…may prize na involve kaya join ka na rin..pag ikaw nanalo ako na lang kukuha..joke!

3. Maldito - Disyembre 4, 2007

ay hala….buhay pa pala ako?lols…akala ko nga abandoned na blog ko..indi pa pala..ahhee..musta naman yun??Kelan ko kaya magagawa line up ko?lols…anyways…salamat naman sa pagpasabog mo ng kahalayan na ginawa saken.we desrerve it buddy!


gasti: haha! san ka ba kasi nagpupupunta? ayos sa olrayt nga ang pambubugaw ko sayo eh noh!

4. Maldito - Disyembre 4, 2007

eto…dahil tamad ako mag work….ginawa ko na rin yan..akala niyo ha…see my site…lols

gasti: bago yan ah tinamad ka magwork? haha!

5. kengkay - Disyembre 4, 2007

ooops, may utang pa pala akong ganito…


gasti: hehe! gawa ka na rin ng listahan mo..kami na bahala kumolekta sa mga prizes pag ikaw nanalo.

6. karmi - Disyembre 5, 2007

botohan na ba? hehehe…

sana manalo ka rin tsong para paguwi ko may balato ka sa akin..

teka kasama ba sa prizes ang PSP slim.. hehehe….

pahiram naman ng gundam mo! wag kang madamot…

gasti: haha! di nga kasama sa prizes yung psp slim eh pero yung cash prize eh sakto na para pambili nun kaya oks na rin..ang ganda ng gundam ko yeheeey! nabili ko na kahapon..kaya lang bubuuin ko pa.

7. badoodles - Disyembre 5, 2007

@gasti loyal pren talaga sa mag taga-wp. haha. ok na repapips, nabilang ko na ang boto mo. maraming tenk yu sa pagsali

gasti: ayos! kasali na ko sa raffle…walang anuman pards!

8. MARU - Disyembre 5, 2007

pareng gastiiii! mwah! dahil sa ginawa mong ‘to. pinagkakalooban na kita ng 10% discount kung oorder ka ng polvoron. pik-apin mo na lang yung order mo sa Ever-Gotesco, Ortigas Extn.

teka, umorder ka na ba? lols. pare….maraming sa lamas sa boto. sa susu nod ulit ha?

gasti: haha! salamat mare sa pagkakaloob mo ng 10 pcs na polvoron. sige next time ulit.
ay teka discount pala yun..sa ever ba kita pipik-apin? este yung polvoron pala…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: