jump to navigation

satisfy ur urge Disyembre 5, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

pasko na nga…naaamoy ko na ang pawisang kili-kili ni santa claus galing north pole…abalang abala na sya sampu ng mga kalahi ni mahal at mura sa paggawa ng mga laruan na ipamamahagi sa mga mababait na batang tulad ko…nakanampoots oo kasama ako.

nung bata pa lang ako ay meron na akong inaasam asam na laruan. grade 5 yata ako nun at hinuhulugan ko pa ng 10 petot kada araw. haaays alaala nung ako ay supot pa. isang di pagkaraniwang robot dahil ikaw ang magbubuo nito. kaya nitong pataubin ang transformers,voltes5, daimos,mazinger z, bio robot, voltron  at zoids ng sabay sabay! tulo laway akong nakamasid lang sa mga robot na yun sa likod ng mga salamin. nagkaron ako ng chance na magmay ari sa isa sa kanila pero yung maliit na version lang. naglaho na rin yun kasabay ng pagbibinata ko.

dumaan ang hayskul at college days ko na hindi ko na ito nakita pa. iba na kasi ang pinagmamasdan ko noon..mga buhay na kumekembot. ok rin naman nakakaaliw rin. pero hindi pa rin mawala ang pagnanais kong magkaron ng istante na puno ng mga paborito kong laruan. hanggang sa makapagtrabaho na ako nagkapera na. agad kong hinanap ang robot na gusto ko kaya lang sa kasawiang palad phase out na daw. taena kung malapit lang ang bandai factory dito sinugod ko na yun! after so many years…mga kulang kulang 3 years din. habang naghahagilap ako ng laruang panregalo para sa sarili ko ay natagpuan ko rin syang muli..ganun pa rin ang itsura. tumanda na ako pero sya robot face pa rin. at last! nagkita rin kami…nung monday ko sya nakita at kahapon ko naman sya binili. medyo may kamahalan dahil medyo malaki..lagpas isang dangkal siguro. hehe! nakabili na rin ako ng mga laruan para sa mga inaanak ko kaya wala na akong gaanong iniisip sa ngyon kundi magbuo ng robot. pero makakapaghintay pa yun dahil gusto ko pa pasabikin ng onti ang sarili ko. pina-gift wrap ko sya sa toy kingdom para ma-surprise naman ako kahit papano. yung ibang regalo ay hindi ko na pinabalot..ako na bahala dun. ang importante lang naman ay yung robot ko.

kung sa tingin nyo ay isip bata ako, hindi ko naman itatanggi yun…mas ok na to kesa magdrugs. lols. andami kayang mas matanda pa sakin na nagko-collect ng mga ganyan. para mabigyan ko naman kayo ng idea kung ano itsura ng robot na binili ko, silip kayo rito.

hindi ko man nabili ang pinagnanasaan kong psp slim this year..napasaya pa rin ako ng pagbili ko sa laruang iyon. ay nga pala wala pa pala kaming istante..ayos!

Mga Puna»

1. MARU - Disyembre 5, 2007

nakow! magkakasundo kayo ni Moo aka Def, pareng gasti. mahilig din sa Lobot este Robot. nakaka tuwa na nakaka inis kayo sa obsesyon/hilig nyo na yan.

gasti: hehe! ganun ba wag ka na mainis masaya naman kami eh..

2. defpotec - Disyembre 5, 2007

ay syet, ako din yan ang kinababaliwan ko ngayon… ang bumili ng mga laruan na di ko mabili noong bata pa ako.. andyan yung mga die cast na knight rider, mga transformers, mga ek ek, at syempre mga videogames… yung psp slim na yan, isinantabi ko muna, nahihilo na ako sa mga consoles ko.. susubukan ko nga mag kitbash pagdating ng panahon, kaya lang baka ni anino ko sa blog di na magpakita.. baka sa dami ng ginagawa ko, kulang na ang 26 hrs sa isang araw…

pero astig yang si gundam… nakakainis no, parang yung tipong kung kelan meron ka na pambili, kungdi sya phase out, collectors item na sya.. nagkakahalagang x 1000 ng srp nya noon.. parang yung Voltes V na robot, langya, 80,000 petot na ngayon.. e pano mo lalaruin ang 80k na lobot?

gasti: ay potek talaga 80k? pipicture-an ko na lang. pwede na ko bumili ng 2nd hand na kotse pag ganun kamahal. ok nako dito sa gundam ko. uu nga kukulangin ang buong araw mo pag naglaro ka na..baka tamarin ka pa pumasok.

3. Maldito - Disyembre 5, 2007

Humanda ka din sa robot ko…dumating na ang 13th month ko…taob yang gundam mo….hehe…pareho tayu parekoy…ako kakabili ko lang ng SUper HEroes series na comics…bagong libangan ko….pero ang mahal ata ng bisyo natin bossing?…sakit sa bulsa minsan..pero happy ka na din na tuwing nakatambay barkada mo sa bahay ay napapa “wow, syeth…i larve it sila..Lols..cge paramihan tayu…tapos gawa tayu competition soon!ayush?deal or no deal?lols


gasti: sige ba! paglabanin natin yang robot mo sa robot ko..pero yung paramihan hindi ako lalaban baka mamulubi ako sa gastos..lols! masakit talaga sa bulsa kung madalas ka bibili pero dahil sa hilig talaga..pwede namang pag ipunan😀

4. Maldito - Disyembre 5, 2007

Bossing, buo tayu ng group para sa ganyan tapos plan tayu competition?ahehhee..ang saya…excioted na ako….lols….


gasti: hehe! sige bsta dito sa manila gaganapin😀 dito sa megamall meron ginaganap na gundam model competition.

5. antuken - Disyembre 5, 2007

haysus… ang isa kong kuya yan ding si gundam ang kinokolekta… at kung anik-anik pang robot… pati nga ang pamangkin kong 4 years old eh nahihilig din… susko!

gasti: kitams hindi lang pampamilya pang isports pa…all ages admitted sa pagkahumaling sa mga robot

6. jeckyll27 - Disyembre 6, 2007

gundam! tulo-laway ko diyan….

gasti: pareho lang tyo pre! bumibilog mata ko pag nakakakita ako ng gundam.

7. karmi - Disyembre 7, 2007

waaaa, pahiram ng gundam tol…

bibili ako nung Bumblebee na nakita ko sa Toys R Us.. robot na nagiging kotse!!! astig un….


gasti: mahal din ang transformers eh pero ok din yun collection.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: