jump to navigation

trim lang Disyembre 6, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

kawal: manong trim lang po ah!
barbero: o sige iho ako na bahala dito basta wag mo itutok sakin yang baril mo at baka pumutok.

“I face dandruff like a man. nagpakalbo ako.” ganyan dapat ang mga banat..pero hindi naman ako nagpakalbo..tamang trim lang para cute. para hindi naman ako mapagkamalang adik. 39.99 petot lang ang bayad (oha! may sukli pang 1 cent pero di ko na kinuha ung sukli kc tip ko na yun lols!)..medyo nilamig lang ako ngyon kasi nabawasan ang proteksyon ko sa ulo pero oks na rin dahil marami namang benefits ang pagkakaroon ng maiksing buhok..

  • clear vision – walang sagabal na bangs na tatakip sa mata mo at mas madami ka mabobosohan.
  • clear hearing – walang buhok na tatakip sa tenga mo..mas madami ka masasagap na tsismis.
  • tipid sa shampoo – pag kalbo ka pa kahit di ka na magshampoo. makakalikom ka ng enough na salapi pambili ng robot. lols
  • wash and wear – di na kelagang magsuklay..mababawasan ng 10 minutes ang pagka-late mo pumasok.
  • germ and pest free – walang mamamahay na kuto,lisa,garapata,pulgas at balakubak sa bumbunan mo.

o kitams dami benefits…saka sabi nga ng mga girls pag bago gupit, mukhang mabango..kahit maantot ka talaga, sa itsura mo mabango ka naman…oks na rin. pwede ka ring maging artistic sa buhok mo gamit ang three flowers pomada ni lolo. instant chic magnet ka na.

dati hindi pa uso ang mga parlor..barbershop lang ang tawag sa mga pagupitan..wala pang aircon nun.kadalasan eh electric fan lang..barako ang mga naggugupit..madaming kwento..kaya nauso ang “kwentong barbero” (hindi yung blog ni pareng badoodles ah) naalala ko pa nung elementary days ko pag nagpapagupit ako kasama pa nanay ko sa barbershop. isang beses nagpagupit ako mag isa.

barbero: boy! wala ka atang kasama ngyon ah..ganyan dapat malaki ka na kasi..nagbibinata ka na kaya di mo na dapat kasama nanay mo pag pupunta rito.

gasti: yung nanay ko po kasi eh gusto nya bantayan kung ano style ng buhok ko. kundi 2 by 3, 3 by 4 lang..eh gusto ko yung gupit binata. nakatakas lang ako ngyon.

barbero: ah ganun pala! di bale ako bahala sayo..magiging gwapo ka lalo sa gagawin ko. nakita mo ba yang kasama ko barbero? ako lagi gumugupit dyan..pag mahaba kasi buhok nya nagmumukha syang sanggano. lamo nung araw lamo ba yung calumpang? pugad ng pokpok yun..murang mura lang ang babae..50 pesos lang nakana mo na. kaya nga marami kaming kakilala dun sa lugar na yun. yan si Gardo paparating pa lang kami..sinasalubong na agad ng mga chikababes.
gasti: ah ganun po ba?! hehe! marami po akong classmate na taga run eh

barbero: baka nga kilala ko pa nanay nung classamate mo eh! lols!

andami talaga nila kwento…di mo na alam kung totoo pa ba o ginu-goodtime ka lang pero nevertheless malilibang ka talaga. ok rin naman sa mga parlor kaya lang nung unang pasok ko sa ganyan eh natakot ako dahil bakla ang sasalubong sayo…”halika na! shampoohin muna kita” sabay kindat at kagat labi pa. umaygulay! ano ba itong napasok ko? pagminsan ay may kasama pang masahe…naranasan ko na yan..mabait naman sila saka makwento..kaya lang angdami tanong. “ilan taon ka na?”, “nag aaral ka pa ba o nag work na? saan?”, “may gf/asawa ka na ba?”, “open minded ka ba?” susmaryakatilpo! para ka lang nasa talk show. mabuti na lamang at hindi sakin ngyari yung kinwento ng kabarkada ko na hinila daw sya sa isang kwarto at pilit na pinaghuhubad ng salawal..taena! katakot yun.

naalala ko lang pag bagong gupit ka di pwedeng mawala ang tanong na to –> “buhay pa ba? tara balikan natin.”

Mga Puna»

1. jeckyll27 - Disyembre 6, 2007

ganyan din lagi ang tanong sa akin pag ‘gagong gupit’ ako. at ngayon lang din ako nagpapagupit sa parlor, pero hindi mag-isa. dapat may kasama talaga ako. takot din kasi ako sa bading na bigla na lang nandadakma eh.

gasti: uu nga eh di ka kasi nakakasigurado sa panahon ngyon..mahirap ng maisahan.

2. chillidobo - Disyembre 6, 2007

wahahaha…. ayus yung pektyur sa itaas ah…anong sinabi bang gupit nyan “kalahati lang boss” kaya ayun kalahati nga ang ibinawas (lengthwise)
naexperience ko na rin yung magpachupet sa parlor, ayaw ko lang eh yung para kang obligado magbigay ng tip. bowset! buti sa barbero, trabaho lang. kung marami man silang nakukwento eh mainam sa kanila yun, mahirap yata na puro gunting at labaha lang ang kausap mo daily, baka bigla ka maglaslas. hehe

gasti: hehe! uu nga pards..parang obligado ka talaga magbigay ng tip sa parlor kasi baka kainin ka ng bakla pag di ka nagbigay. pag sa barbero naman..quicky talaga sila maggupit kadalasan pa eh parang tuwang tuwa sila gamitan ka ng razor at upudin yung ulo mo.

3. KC - Disyembre 6, 2007

Haha. Katawa yung pikchur…

Ang mura naman sa pinaggupitan mo. 39.99! Syet, mas mura pa sa pinagpapagupitan ng kapatid ko. Mahal dun. Sobra. 40 petot. lol

Wag kang mag-solo lalo na kung malantong na dating lalaki ang maggugupit sa iyo.


gasti: kaya nga eh lahat ng service nila dun may sukli ka pang 1 cent. wala naman ako iba makasama sa pagpapagupit kaya nagsosolo na lang ako..no choice eh

4. carthak - Disyembre 6, 2007

May mga parlor nman na puro barako…pero iwan ko kung meron diyan..dito sa cebu meron..walang bading talaga….pagkatapos magpagupit pwede kang magpa tatoo if gusto mo…ahehhee…kahit walang tip ok lang…idol ko nga sila eh…

anywys, hulaan ko ang style ng guipit sa pix…Mohawk yan…sideweys nga lang..ahehe

gasti: hehe! siguro nga..oist bakit ibang nick ang ginagamit mo? nagtatago ka na rin ha

5. karmi - Disyembre 7, 2007

hahaha, 3×4.. nice HS days…😛

wala ka, ung teacher ko sa physics nung HS, kapag nakikitang mahahaba ung buhok ng mga kaklase kong lalaki, sinasabi nyang sya na lang ang gugupit nung buhok nila, may libre pang meryenda.. hehehe…

kwentong barbero talaga, dun ata nakuha ni Bob Ong un noh?

tol, may tagay ka nga pala sa bahay ko.. pakikuha na lang..😀

gasti: nakow! highschool days nga.clean cut yun. sige silipin ko muna yang tagay mo.

6. MARU - Disyembre 7, 2007

dito sa amin sa iligan city, may barber shop dito na ang name ay STILL ALIVE Barber Shop. isip ko siguro para yun sa mga magtatanong ng “buhay pa ba?”. gasgas na yang “buhay pa ba” na tanong. dapat ibahin na. gaya ng (ewan ko kung bago pa rin ‘to):

“huwaw! gagong gupit ka a!”…. “fangit ka nagpagupit?”

gasti: yung gagong gupit lagi ko din naririnig yan yung isa ngyon lang..hehe! fangit? ayos yang barbershop dyan ah baka naman magaling talaga maggupit

7. homebodyhubby - Disyembre 7, 2007

hehehe… nung panahon ko, ang mga barbero me sideline pa — pagtu-TULE! kase uso pa ang labaha nun.

ngayon ba p’re, gumagamit pa ng labaha ang mga bading sa parlor? pero maski na… kung ako ang batang supot, di ako patutule sa mga iyon. 😆


gasti: hmmm di na yata eh! tama ka dun pards..ako rin eh kung ako naman supot hinding hindi ako magpapatule sa bakla..taena mamomolestya ka muna saka ka tutuliin.

8. antuken - Disyembre 7, 2007

nagulat ako sa boyf ko nung minsang nagpasama sya saken magpagupit. kse nga sa parlor sya nagpapagupit. i grew up with the guys in my family na talagang barbero talaga yung pinagpapagupitan nila… tapos meron din pala sa inyo (guys) na pag nai-imbyerna sa gupit nila eh nagpapagupit sa iba pang parlor para ayusin ang hindi mo nagustuhang gupit. tulad lang din naming girls.🙂

gasti: ganun na talaga ngyon..marami din naman kasing bading na magaling maggupit eh..saka hindi nila minamadali ang gupitan di tulad ng sa barbero na basta makatabas eh tapos na..sa parlor may kasama pa banlaw saka gel.

9. MisyeL - Disyembre 8, 2007

So Gasti buhay pa nga ba? hehehe…

Kaya pala medyo mahina pandinig ko dahil mahaba na hair ko ngayon, nyahaha!


gasti: hawiin mo kasi paminsan minsan😀 ako? buhay na buhay!

10. Kiko Matsing - Disyembre 9, 2007

Sarap talaga magpagupit diyan, mura na may kasama pang konting masahe ni manong barbero. Dito ang mahal magpagupit kaya buhok ko ngayon malapit nang maging ala-beatles sa haba. 🙂

Diyan na lang ako pagupit pag-uwi ko! Hehe!

gasti: hehe! mahal talaga dyan..di bale malapit na naman uwi mo diba? bili ka na lang ng madami shampoo. uso din ba ang kuto at lisa sa ireland?

11. iceyelo - Disyembre 9, 2007

Ako may phobia na magpagupit sa parlor. pohta naman kasi,nung tinedyer pa ako gunugupitan ako ng bading tapos ng mangalahati na ang gupitan nagsimulang maglikot ang kamay ng balahura. Umalis ako ng parlor na kalahati lang ang nagupit sa buhot ko. asar

gasti: hehe! ang sagwa naman nung kalahati lang ang natapos gupitan sayo😀 lesson yan..hindi lahat ng bading ay nakakapagtimpi.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: