jump to navigation

lisensyadong kurakot Disyembre 11, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

sa wakas…nakakuha rin ako ng non-pro driving license!

sa totoo lang di ko alam kung paano ko uumpisahan itong entry na ito dahil puro pagmumura ang naiisip ko…kaya sasaglit lang ako manood ng bold..(taympers muna.)

makalipas ang 30 minutong panonood at 10 minutong pag-iimagine…ok na ulit!

kung inyong napansin (na pwede ring hindi) bakasyon ako ng friday at monday. tambay lang ako sa LTO dyan sa may San Juan..no choice eh! letseng LTO sa Cainta wala daw examiner kaya dun ako pinapunta. wala na nga ngyari sa lakad ko nung byernes, nalagasan pa ko ng pera pamasahe..at napagod pa dahil sa nakakaburyong na 3 rides bago makarating dun…samahan pa ng pangungulit ng super-friendly/ matulungin w/ a fee na mga fixers na naniningil ng 2000 pesos..yan ang tinatawag na holdup w/ consent.

kung susumahin mo ang kinikita ng bawat isang fixer sa loob ng isang araw, mahina na ang 1000 petot. tax free pa! mga buwayang yan..mas malaki pa siguro ang kinikita nila sakin…araw araw pa naman sobrang dami ng tao sa LTO..laway lang puhunan nila instant money kaagad. Lord, di ba bad yun? tumutulong pero nanghihingi ng kapalit…Kayo na po bahala sa mga kaluluwa nila. Amen.

Akala ko noon malala na yung sitwasyon sa Cainta station..nagkamali pala ako. di hamak na mas impyerno ang San Juan station ng LTO. mismong taga loob ang bibigyan mo ng “lagay”. sa katunayan, yung babae na kumukuha ng drug test ang nag alok na mag asikaso sakin..sa halagang 1200 petot (di pa kasama ang bayad sa drug test na 250 at 100 sa medical). dahil sa may itsura naman mabait sya..hindi ko na masyado pinag isipan..napa-oo na agad ako. naisip ko na lang na mas nakamura ako dito kesa sa hinayupak na fixer sa Cainta. pero dahil sa hapon na rin ako nakarating dun eh kinailangan ko pang bumalik nung lunes para makaraos.

lunes. ala-syete pa lang andun nako sa LTO pero wala pa yung kausap ko..at isa pa wala ring tubig sa mga banyo nila. isipin nyo na lang to. maraming tao ang labas pasok sa cr para umihi..sa part ng boys, kelangan mo isentro sa sample container ang pututoy mo para swak ang wiwi..taena nung ako nga eh wala sa sarili na umihi di ko napansin umapaw na pala yung wiwi ko..at ang matindi pa run nahulog ko pa sa urinal…haaay malas! mabuti na lang pumasa pa ko sa drug test kahit nahaluan na ng ibang wiwi yung binigay kong sample urine. salamat na rin sa tissue na napulot ko sa tabi para ipampunas sa kamay ko at sa container na nabasa rin. eeew! so kadiri. kamustahin naman natin ang pagwiwi ng girls…hmmm ..paniguradong pagpapawisan sila sa pagsentro pa lang ng wiwi sa lalagyan..sigurado akong basa rin ang kamay nila..kaya kahit may naispatan akong chikababe dun..kapag naisip ko yung drug testing napapailing na lang ako. mabuti na lamang at umuulan kahit papano nakapaghugas pa rin.

pagdating naman sa exam..simple lang 40 items kapag non-pro..30 ang passing score. madali naman kung tutuusin pero marami akong nakakwentuhan dun na bumagsak pa…sobrang abala pa yun dahil 1 month after ka bumagsak saka ka pwede bumalik (may nakausap pa ko na sa sobrang pagmamadali ay kinopya nya ang reviewer nya na bigay ng kakilala nya ng hindi nagbabasa ng tanong..ang resulta bagsak pa rin! kasi iba iba yung numbering eh.bopols di nagbasa.). better luck next time..dito binibili ang swerte..kung gusto mo maka-sureball..magbayad ka at sila na mismo ang sasagot sa questionnaire mo..no sweat! lahat ng window na pupuntahan mo ay may “lagay”. kahit na magmukha silang tsimoy ay ok lang sa kanila dahil dun sila kumikita ng malaki. yung mga hindi naman nagpa-fixer ay nagmukhang kawawa sa paghihintay dahil walang nag aasikaso ng lisensya nila..ika nga eh less priority sila.

meron akong mga kasabayan dun na nakakausap ko rin. bata pa pala yung isa. 21 lang akala nya daw eh mas matanda pa sya sakin..ako rin eh akala ko mas matanda sya mamaw kasi malaking tao. “pare may cp no. ka ba nung mylyn?” tanong nya sakin. “oo pre! type mo ba? eto o bigay ko sayo”…nagulat sya kung pano ko nalaman..ehem! ako pa? sya pa nga nagbigay sakin nun eh. tuwang tuwa ang loko pagka-save nung number. mas madami daw kasi syang masasabi sa txt kesa sa personal..aysus! andito na nga kaharap namin natyope pa..bata pa nga. ang ipinagtataka ko lang pati cp number ko sinave nya pa. baka daw mapadaan sya sa lugar namin dahil may tyuhin sya sa Marikina. ewan ko lang kung totoo yun.

“gasti houtenco dito lang po sa releasing”. sa wakas tinawag na yung pangalan ko..may lisensya na ko! pero teka may 25 petot pa na babayaran para sa plastic? kamoteng buhay talaga! see you all suckers in 2009!

Mga Puna»

1. xienahgirl - Disyembre 11, 2007

nakakapagod naman
yang kwento mo
manood ka na nga lang muna
ng porn diyan
wahaha

balak ko nga rin kasi
kumuha ng lisensiya🙂
maghahanap muna ako
ng magtuturo sa akin

ngayon alam ko na
mga pwede mangyari🙂

gasti: hehe! ingat ka na sa mga ganyan…mas mahirap sa babae ang pagkuha ng lisensya kapag walang fixer.

2. Maldito - Disyembre 11, 2007

peste….ganun pala ang kumuha ng lincense?ay…mag bibisekleta nalang ako…hassle free pa…ampotah……fuck LTO kasi ex ko nandyan..ahahhaa


gasti: haha! fuck LTO nga…taena mukhang nagkalat na ang sperm mo kung saan saan.

3. lilmiz - Disyembre 11, 2007

feeling ko ikaw yung type nung 21yrs old wahaha hirap pala kumuha ng lisensya, buti na lang poor ako at walang kotse aheheh😀

gasti: kahit motor lang naman minamaneho mo eh kelangan mo pa rin ng lisensya..malay mo in the future magkaron ka rin ng sasakyan..bka mas mahal na bayad sa fixer nun..hehe!

4. homebodyhubby - Disyembre 11, 2007

basta LTO — magpraktis ka nang TUMAMBAY sa kahihintay. buti na lang hindi ako makabili ng kotse hehe.

yang mga fixers talamak yan — sa POEA, NSO, miski saan. minsan me ‘basbas” pa nga sa loob — inside job ‘eka nga.

gasti: uu nga eh talagang may kasabwat sila sa loob…grabe ang laki ng kinikita nila sa maghapon. ang malupit pa dun sa napuntahan ko..katapat lang ng mismong police station.

5. MARU - Disyembre 11, 2007

i swear type ko ang apelyido mo! syet! nakaka-el apelyido mo pa lang. bagay na bagay sayo. palitan mo na kaya ng Sax Houtenco? hehehe para german ang tunog.

gasti: haha! talagang dun ka sa apelyido ko nagkomento noh? tunog german pala..ayos!

6. Jake The Miserable - Disyembre 11, 2007

Ang blog post na ito ay magsisilbing primer ko kapag panahon ko nang kumuha ng lisensya. Langya, lagay rito, lagay du’n. Rak on.


gasti: hehe! baka sa ibang lugar eh hindi naman ganito kalala ang lagayan…pero panigurado hindi mawawala ang lagayan system.

7. karmi - Disyembre 12, 2007

naks, marunong nang magdrive!! sakto paguwi ko nxt yr, pwede na taung gumala.. sunduin mo n lang ako sa San Mateo ha..😀

gasti: hehe! taga san mateo na rin pala kami next week..di pa naman ako magaling magdrive…malakas lang loob ko. lols

8. homebodyhubby - Disyembre 13, 2007

syanga p’re? e malamang may ‘basbas’ din ng police station dahil baka may ‘kumisyon’! 😆

gasti: malamang eh ganun na nga…papayag ba naman silang basta ganun na lang..kelangan busog lagi ang mga yun.

9. koreanmine - Disyembre 18, 2007

bsta sa gobyerno, kundi man “paLAGAYan” eh palakasan talaga.. kc sa gobyerno ko nagwo work eh😆
para di mahirapan dpt may mga koneksyones ka, yun bang tipong itatawag na lang name mo taz pag punta mo dun estima ka na, lang hirap, ihanda mo lang hirap ng bulsa mo lalo na pag tulad nitong pasko, karoling, xmas party raflle eh lagi kang sponsor😀

ako pinaka hate kong tactic sa taong gobyerno eh yung “walang pansukli” styl..pakingshet, obyus na styl sarap mga dagukan😆


gasti: haha! govt. employee ka pala..pero di naman siguro sa LTO..andami talaga nila style noh? ako naman may kakilala sa SSS di rin ako nahirapan sa pagkuha ng ID hehe!

Cris - Mayo 25, 2013

Hi luma na tong post mo, nagemail din ako sayo pahelp naman po parefer naman ng cel nung sss kakilala mo kasi need ko na din ng id please thanks!🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: