jump to navigation

bayad muna Disyembre 14, 2007

Posted by gasti in kwentong pasahero.
trackback

binabati ko nga pala ang lahat ng mga driver na sumama sa transport strike kahapon…mabuhay kayo! sana maambunan din kayo ng grasya na mula sa gobyerno natin. mabuti pa talaga maging isang government employee madaming benefits..isama mo pa ang mainit init pang 10k na bonus na inaprubahan ng ating presidenteng pandakekok…pano naman kami?

pag naiisip ko yang mga lintek na officials sa LTO nababadtrip lang ako..taena! araw araw na nga silang nakakatanggap na bonus sa pamamagitan ng lagayan system eh makakatanggap pa sila ng 10k na xmas bonus…it’s unfair!

ok nailabas ko na ang sama ng loob ko sa pwet kaya magkukuwento na ulit ako.

Isang umaga, sumakay ako sa isang shuttle service papasok ng opisina…habang umaandar ang sasakyan ay taimtim kong minamanmanan ang mga kasama kong pasahero..napansin kong ako ang pinakabata sa kanila..karamihan din ay may mga nakapasak na earphones sa mga tenga nila na animo’y hearing aid…may mukhang mayaman at meron din namang mukhang naki-hitch lang…gusto ko pumikit pero kumukunot lang noo ko pag pilitin ko kasi hindi naman ako inaantok kaya naghahanap na lang ako ng pagkakalibangan. maya-maya bayaran na..pinagsama-sama na namin lahat ng pera namin sabay abot sa driver…pagkabilang nya nung pera napansin nyang kulang ng 50 pesos. “kulang pa ng singkwenta to ah!” sabi nya. nagkatinginan na kami..mapanghusga..ang kumurap, talo. walang umaamin kaya binalik nung driver ang perang inabot namin…sinuri ng isa at napagtanto nyang kulang talaga…magaling pala sa math yung driver.

12 kami sa loob. bakit 50 ang kulang eh 40 petot ang pamasahe? hanlabo! hinayaan ko silang magsalita. “miss magkano binayad mo?..ikaw pre? kayo po?..”..kulang na lang sumigaw sya ng “holdap to! ilabas nyo lahat ng pera at celfon nyo!”. ako lang ang namukod tanging hindi nya tinanong. siguro hindi ako mukhang gagawa ng masama lols. mga ilang sandali pa may pumiyok..babae! sa harapan ko.”Ay hindi ko pa pala nabibigay yung 50 petot ko..sori po!”…naalala ko pa nung kumuha sya ng 10 petot na sukli sa inaakala nyang naibayad nyang 50 petot (ayos yun ah! libre ka na, kumita ka pa.). case closed. maaliwalas na ang mukha nung driver at nagmukhang kamatis naman ang mukha nung babae sa harap ko.

Mga Puna»

1. kengkay - Disyembre 14, 2007

ang kapal ng mukha, at babae pa kamo ang pinakamakapal na mukha, hmp. ang sagwa no?

gasti: uu masagwa nga..hehe! di naman siguro sinadya mukhang nasa kawalan kasi utak nya eh

2. Maldito - Disyembre 14, 2007

maganda ba siya? Kung maganda, ikaw na ang maglibre sa kanya…pattern moves yan….kung indi, upakan natin..pootah ang kapal!indi nagbayad..ahhahaa


gasti: di maganda yun pre! kaya nga tahimik lang ako eh😀

3. karmi - Disyembre 15, 2007

hahaha, kumuha pa ng sukli? kamusta naman un..

buti pa si manong, magaling sa math.. ^_^

FX ka ba nakasakay tol? waa, kakamiss lang.. hehehe.. lol

gasti: hindi fx yun..mga pampasadang van gaya ng hi-ace o kaya urvan

4. iceyelo - Disyembre 15, 2007

HULE!!!! nyahahaha. Ang hirap nun, siguro hindi lang sinadaya, pero pahiya pa rin.🙂

gasti: hehe! pahiya talaga ang tagal na nagtatanungan bago umamin eh

5. homebodyhubby - Disyembre 15, 2007

hehehe… mabuti na nga lang at mukhang hindi talaga sinasadya.
pag nagkataon, wala syang pinagkaibahan dun sa mga taga-LTO! — “lumusot” na nga, me “bonus” pa.

gasti: haha! parang ganun na nga yun.

6. lilmiz - Disyembre 16, 2007

nakakahiya naman. buti di mo pinagtawanan tapos sabay turo at pinagtsimisan haha kawawa naman. at least umamin dba😀 teka yun girl ba talaga yan? baka kaw yun! haha joke😛

gasti: hehe! matagal ko ng tinigilan yang ganyan kasi may pambayad nako..hehe!

7. jojie - Disyembre 16, 2007

di ako nakapasok dahil sa strike na yan. ampft!

gasti: hehe! naapektuhan ka pla nung strike..ako hindi eh😀

8. Fau Rafili - Disyembre 17, 2007

sana naman sinadya niya yun. at least karma hahaha! pero wawa naman siya kung talagang hindi niya alam ang krimen….

gasti: hehe! mukhang wawa nga..pero kung nakalusot sya wawa naman yung driver.

9. ling-ling - Disyembre 17, 2007

naman! dapat kasi magbayad muna!

gasti: dun kasi sa sinasakyan ko..sakay muna tapos yung bayaran habang bumibyahe na.

10. KC - Disyembre 17, 2007

Lintek. di pala na-publish ang comment ko. Anyhoo, ang sabi ko sa unang comment ko ay pagbigyan mo na ang ineng dahil wala sa bao ng ulo niya ang utak niya..lumipad kasi sa kawalan. Buti ng umamin di ba?

Akala ko nabiktima ka ng modus operandi sa bus..yung di nagsasauli ng sukli. Iba pala, nadali ka lang ng manong tsuper na matinik sa math.

gasti: ah uu nabasa ko sa e-mail yang modus operandi sa bus..yun nga lang di ako sumasakay sa bus kasi muntik na rin ako maholdap run eh ang hirap pa bumaba.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: