jump to navigation

lipat bahay Disyembre 17, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

malinaw ang pagkakasulat sa title ko…totoong bahay na po ang pinag uusapan natin dito at hindi blog. sawa na rin ako magtago ng magtago kaya siguro magtatagal na ko dito sa URL na ito.

Sabado ng umaga may in-attendan kaming kasalan ng isang tropapips ni kumander na itatago natin sa pangalang “Chenelyn”..trip lang gusto ko lang pangalanan. pulis ang naging asawa nito kaya nagkalat ang mga es-pi-ow-tu mamang pulis sa paligid ligid ng simbahan ng taytay rizal. maganda rin ang simbahan, ang flowers, ang mga abay..ok na sana eh kung di lang natae ang aking mini-me..hindi mahagilap ang banyo kaya diretso na lang kami naglinisan sa loob ng sasakyan..ok tapusin na natin ang mabahong usapan at dumiretso na tayo sa reception (ayos ang appetizer ko noh?).

maganda rin yung lugar. isang garden na puno ng halaman at bulaklak w/ matching fake gigantic butterflies..meron ding koi pond. may tables and chairs pero walang pagkain. may nakalagay na numero 28 sa pwesto namin di ko pa alam kung para saan yun..siguro parang style sa greenwich..maya-maya pa nagsalita yung emsi. “yung mga nasa tables 1 and 2 po pwede na pumila sa may gawing kanan andun po ang mga buffet…sa tables 3 and 4 naman lapit po kayo dito sa may harapan ng stage para sa picture taking.” anakngkamoteng kahoy naman…gutom na ko tapos pang 28 pa kami? hanubayan. buti na lang at kabarkada ni kumander yung 3 abay kaya nadiskartehan nilang makapuslit ng extra pagkain kundi nalipasan na kami ng gutom..yun nga lang sumama tingin samin nung mga kalapit na tables pero oks lang kiber naman.

pagkauwi sa bahay diretso naman sa pag iimpake ng gamit. dun ko na-realize na madami rin pala ako damit..nakatago lang ang karamihan sa iba’t ibang aparador kaya di ko makita..nahalungkat ko pati yung mga nakatago kong koleksyones na nba cards,coca cola pogs at samut-saring teks..buhat dito buhat doon..maya’t maya ay sinisilip ko ang pututoy ko baka luslos na o di kaya ay madeform pero sa awa ng Diyos ay OK naman sya..maayos pa rin ang kalagayan.

habang binabaybay namin ang San Mateo ay napansin ko ang mga nagkalat na Ita sa daan…andami nilang namamalimos sa mga dumaraang sasakyan at tao sa kalsada. yung iba ay nagpapadede pa ng sanggol habang nakasahod ang isang kamay sa bawat makakasalubong na tuwid ang buhok..kalunos lunos talaga ang itsura…inaasahan ko ng may ganito kasi last year meron din…taon taon, bago magpasko bumababa sila mula sa bundok ng Tralala para mamalimos sa lansangan.. walang ganito sa Marikina kasi bawal mamalimos dun.

pagdating sa aming home sweet home, walang pahi-pahinga..ayusan naman. buong araw kami naglinis kaya buong araw din sumakit ang katawan ko. nakalimutan ko kasing uminom ng extra joss at revicon maxx. pagkahiga ko sa kama, blackout agad paningin ko. nawala na sa isip ko na simula na ng simbang gabi kaya ayun di na naman ako naka-attend ng mass this year…sayang naman yung isang wish ko na sana eh tubuan ako ng limpak limpak na mga maskels sa katawan (taena hopeless case na ata ito. wag naman sana!)

Mga Puna»

1. jeckyll27 - Disyembre 17, 2007

buti naman at di ka naluslos parekoy..nakita mo na ba yung post ni maldits? andun yung piktyur natin..ikaw na ikaw yung nasa pic..bwahahahaha!

gasti: uu nga eh na-murder yung itsura ko dun…hindi ako yun! hahaha!

2. Fau Rafili - Disyembre 17, 2007

nba cards,coca cola pogs at samut-saring teks..

nakakatuwa. naaalala ko tuloy ang childhood ko. waaaaaah!

gasti: magkababata siguro tayo..hehe!

3. KC - Disyembre 17, 2007

Sana nga magtagal ka na dito sa URL mo.

Sarap ng appetizer, mala-embutido. Etchos. Haha! Saan yung resepsyon, sa Luntiang Tanay? Dito rin sa amin maraming mga Aeta na namamalimos.

Magsuot ka na lang ng tishert na I’m not a Maskel Man. Nyahaha!

gasti: sa Taytay yun KC pero yung mga aeta eh sa San Mateo ko nakita. haha! kung may t-shirt na ganyan malamang hindi ko bilhin.

4. karmi - Disyembre 18, 2007

tsong, 1984? hahaha.. birthyear ko yan ah. la lang, share ko lang.😛

bising-bisi sa paglilipat ng bahay ah. kelan housewarming?🙂

di pa pala kami sa San Mateo, hehehe.. sa Nangka pala ung tita ko, pero malapit na rin un sa San Mateo diba? ^_^

tol, may assignment ka sa bahay ko..😀

gasti: tapos na yung housewarming last year pa…very warm na sya ngyon😀 sabi ko na eh sa Nangka lang kayo..next street na nun San Mateo na eh..lapit lang

5. homebodyhubby - Disyembre 18, 2007

pare pwede ka pa rin namang gumawa nang patago e — kayo ni misis! …sarap ng feeling, para pa lang kayong magboypren.
may junior ka pala? sana (kung okey lang sayo ha?) minsan mai-post mo picture nya.

yang mga aeta — kung kaya ko lang, pipik-ap ako maski sangdosena. 🙂


gasti: hehe! mas masarap talaga pag patago. nung unang panahon..bago pa lang ako nagba-blog eh nagpost na ako ng pic nya pero binura ko na lang nung nagtago ako..para sayo maglalagay ako ng pic nya ulit. antabayanan mo na lang ha!🙂

6. Maldito - Disyembre 18, 2007

na try ko na yang sumakay sa loob ng bahay habang nililipat,,,ang saya..pero once lang..alanga naman na buhatin pa ang sementong bahay…tama ba ako kuya.?lOls

gasti: ayos yun ah parang hari ka siguro pag ganun. kahit macho fafa pa ang bubuhat sa sementong bahay eh maluluslusan lang yun at wala pa ring maiaangat.

7. lipat bahay part 2 « The Invisible Blog - Mayo 12, 2008

[…] magtataka kayo dahil part 2 na agad ang mababasa nyo. kung interesado kayo, makikita nyo ang part 1 sa kabanatang ito ng aking […]


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: