jump to navigation

blogaya Disyembre 18, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

potek! natawa talaga ako dito..kahapon masaya akong nagbabasa sa entry ni joncabron tungkol sa isang blogger na pinaglihi sa copy paste. galit na galit sya dahil sa pagnakaw ng mga isinulat nya…well hindi nakaw kasi hindi naman nawala talaga..nakopya lang. inisip ko kung ano sa pakiramdam ang makopyahan ng entries ng walang paalam..nung estudyante ka pa lang sasabihin na sayo ng prof mo na bawal ang mangopya..tuwing exam na lang kelangan may taga bantay para maiwasan ang kopyahan..pero kahit anong higpit nila, may nakakalusot pa rin. alam na nating hindi tama pero ginagawa pa rin natin dahil sa kagustuhan nating pumasa kahit hindi tayo nakapag aral..kung bakit hindi naman tayo nakapag aral ay ibang usapan na yun.maraming excuses.

wala akong kamuwang muwang na sa pagpunta at pagbabasa ko sa blog ng isang denggoy ay makikita ko rin ang ilan sa mga kalokohang posts ko.whapaaak! nayari rin pala ako.

let’s play a game. spot the difference from here to here.

kamustahin nyo rin ito —pektyur san kaya galing yan? ok na sana eh dinugtungan pa sa huli ng “Kailangan pa bang i-memorize yan, ha!?” musta naman yun?! sayang nabura ko na yung entry ko dyan nung naglipat ako kaya di na natin maico-compare..ekshelly marami pa syang nanenok na pics galing sa iba’t ibang blogs na napupuntahan ko rin kaya pamilyar ako dun. kumbaga eh compilation pala ang blog na gawa nya.

ang ipinagtataka ko lang eh ni hindi man lang sya nagparamdam na naliligaw pala sya dito sa blog ko. sayang di ako nakapaghanda ng booby trap. ni minsan eh hindi ako nakabasa ng comment galing sa kanya tapos mababalitaan ko na lang na nakopyahan na pala ako. at eto pa! i-copy paste ko na lang at kayo na ang humusga.

Ewan ko ba bakit gumawa ako ng sarili kong blog. Wala naman akong alam sa pagsusulat. Kung ideya lang din naman ang pag-uusapan e lalong walang laman ang utak ko. Basta nanggaya na lang ako sa mga nababasa kong mga blogs na wala namang kalatoy-latoy…walang ibang posting kundi ano lang ang lumabas sa imahinasyon ng blogger. Siguro dahil sa wala akong magawa sa buhay kaya eto, nakikiuso kahit lipas na ako sa panahon(sisenta anyos na ako) Basta pagbigyan na lang ninyo ako sa panggagaya ko at baka sakaling magkalaman din ang utak ko ng kahit ano…”- denggoy batotoy

heller?! sino naman kaya ang sinasabihan nyang blogs na walang kalatoy latoy? sisenta anyos? yeah ryt! inuulit ko..hindi naman ako galit pero dapat ba ako magsaya? merry christmas na lang sayo pards! sana mabasa mo rin to.

Mga Puna»

1. linglingbells - Disyembre 18, 2007

grabe naman yun! kapal ng mukha!! intellectual property ang ninanakaw niya!!! grrrr!! hehe

2. jojie - Disyembre 18, 2007

uso na pala copy paste ngayon? oh my gulay!!!!

3. homebodyhubby - Disyembre 18, 2007

pare plagiarism yun a? walang originality.
WALA naman sanang kaso kung manggaya man sya, sa isang banda okey nga yun dahil naipamumudmod niya ang kung anumang mensahe na gusto nating iparating.
ang problema lang sa kanya hindi nya muna inihihingi ng PAHINTULOT sa may-akda yung nika-copy-paste niya. ni hindi man lang yata binibigyan ng maski konting CREDITS o ACKNOWLEDGMENT yung may akda.
paglabag sa intellectual property rights yan a?
baka naman ulyanin na p’re? me delusion of grandeur pa yatang kamukha sya ni Doktor HANIBAL LECTER (tignan mo ang masthead, pre!)… pero sa tutuo lang, daig pa nya si KAPTEN DYAK ISPARO sa PAMIMIRATA!

gasti: uu nga pre napansin ko rin yung hannibal effect nya..hehe! sa tingin ko talagang baguhan sya sa pagba-blog kaya kinokopya nya na lang nya mga trip nya. sayang kasi nabasa ko yung ibang entries nya ok naman. yun nga lang madami kasi entries na copy-paste talaga at walang credits sa author.

4. homebodyhubby - Disyembre 18, 2007

i think pwede nyo syang pagsabihan, p’re… may K kayo — kayong ginayahan nya. 😉

gasti: sa tingin ko di na kelangan. alam naman siguro nya na hindi tama yun eh.. bahala na sya kung ano trip nya sa buhay.

5. Jon Cabron - Disyembre 18, 2007

bro, nung sinabi nyang mangga gaya sya ang ibig nyang sabihin nun, gagayahin nya yung style na kung anu ano lang ang isinusulat, hindi nya sinabi na gagayahin nya yung mismong utak.. at kahit ano pa ang ibig nyang sabihin dyan, kung may utak sya at respeto sa sarili nya, di nya gagawin yun.. at hindi ako galit na galit, hindi ako ganto pag galit na galit ako.. bwahah!


gasti: hehe! matulis ka nga talaga..kaya nga eh kahit bali-baliktarin mo pa yung ginawa nya ang common denominator is manggagaya sya..pano ka magalit bro? namamalo ka rin? lols.

6. jeckyll27 - Disyembre 18, 2007

hahaha! wangbu yun ah. sadya namang nagkalat ang mga utak linta sa blogosphere, pero hindi ko naimagine na meron palang adik sa copy paste at inaangkin ang gawa ng iba. sana matauhan siya sa ginagawa niya. kung hindi man, sadyang MAKAPAL ang apog niya..pakshit bulshit teteng makulit!!!!

gasti: haha! uu nga eh talagang inangkin na..hayuf! sana nga matauhan pero malabo na yun.

7. xienahgirl - Disyembre 18, 2007

patay tayo diyan
parang kung sa akin mangyayari yan
HINDI KO ALAM
baka huminto na ako sa blogging

yan ang isa sa mga struggles ko online
ang maging original
tsk tsk
akalain mo yun
wag mo basta basta palampasin yan
kausapin mo siya🙂

gasti: hihinto sa blogging dahil dun? haha! wag naman…yoko na makipag usap sa kanya..bahala na sya sa kung anong trip nya.

8. Maldito - Disyembre 18, 2007

pak dat shyet bro!!!ive got an exloplosion to spill too!!dumarami na sila..badtrip ang ganun.

gasti: ikaw rin nabiktima? *mga bata ihanda na ang inyong mga armas..may itutumba tayo.

9. Maldito - Disyembre 18, 2007

Bossing….iba yung akin……mas maalala pa sayo…..cge visit ka nalang pag may tym ka.


gasti: mukhang yan ata yung comment na nabasa ko kanina ah! hmm…wag mo na lang pansinin.

10. Jovi - Disyembre 18, 2007

Biktima ka rin pala… Yeah, hindi basta bastang panggagaya yun kundi plagiarism nga. Basta ako, sa original lang. Ayoko sa knock off o kahit anong imitation pa yan. Kaya suportado kita…🙂

gasti: ako rin eh kaya original vcd at dvd na binibili ko..hehe! salamat jovi! ngyon ko lang naintindihan yang plagiarism na yan kahit matagal ko na nababasa.

11. MARU - Disyembre 18, 2007

sumangguni na ako sa mga kinauukulan para mabigyan ako ng proteksyon tungkol sa lumalaganap na pangongopya ng blog entry ng may entry. kelangan takpan ko na ang mga nasa blog ko baka masilipan ako at kopyahin. bwahaha! ano naman kaya kokopyahin nya sa akin? mga SMS Jokes For Today ko? lech! saksak nya sa baga nya. tulungan ko pa sya sa pagkopya. wag lang nya nanakawin ang mga awards ko dun sa isang page at makakarating talaga kami sa husgado.

gasti: parang may mga nabasa nga ako jokes dun eh parang galing sayo or kay badoodles. alin ang tatakpan mo yung pics? hehe! dami pa namang naninilip dun.

12. iceyelo - Disyembre 18, 2007

Ang hirap niyan talaga? second time to na makakita ng ganitong post. yung copy cat, pohta. sunigin ng buhay mga yan. ggrrr!!!

gasti: ako ngyon ko lang na-experience na magaya eh! anlabo talaga ng ibang tao.

13. FerBert - Disyembre 18, 2007

salamat sa link at sa pagdalaw tol.. yaan mo link na kita mamaya…

isa lang ibig sabihinin nyan kung baket ka ginagaya… SIKAT KA NA!
congrats! =)

gasti: salamat din pards! bloghopping mode kasi ako kahapon baka may makita pa akong ibang biktima.

14. MisyeL - Disyembre 19, 2007

Isa ka ding sikat kasi Gasti (tulad ni Maldito at Jon) at ginagaya na din ng mga di marunong mag-isip at gumawa ng sarili nilang post.😉

gasti: sikatchupoy? di naman…wanted lang ako pero hindi sikat..hehe!

15. wei vines - Disyembre 19, 2007

hayyyy… hindi ba pwede makasuhan yun?? wala lang…in fairness instant sikat na rin yung denggoy na yun noh???waaaaa~ lgay kita sa blog roll ah?😉

gasti: uu nga eh instant celebrity talaga yung denggoy..at least ngyon napansin na sya. salamat sa pag add..i-link na rin kita😉

16. Poli - Disyembre 30, 2007

Kung walang kalatoy-latoy e bakit niya kino-kopya?! Ang kapal ng mukha. Haha!

At sino naman ang maniniwalang sisenta anyos na siya? Paraan pa lang ng pagsasalita e buko na siya.

On a brighter note, ganyan talaga kapag sikat!

gasti: hehe! walang nakakaalam ng saltik nya..ibang klase magtrip.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: