jump to navigation

dukot Disyembre 19, 2007

Posted by gasti in kamalasan, kwentong pasahero, to whom it may concern.
trackback

adjustment period. andito kami ngyon ni kumander. alam naman nating lahat na hindi madali ang magsarili..walang ibang tutulong sa inyo kundi kayo rin..uu mabait naman ang mga kapitbahay pero iba pa rin kapag kadugo mo ang mga nakapaligid sa inyo.

so far, so good. di pa naman ako nale-late ng 2 hours. as early as 4am ay gising na kami para magluto,maghanda ng baon para sa lunch at maghanda sa pagpasok sa opisina..aalis ng bahay ng madilim pa..sasakay ng traysikol at babagtasin ang lubak lubak na kalsada at sasaluhin ang mga alikabok para instant face powder (taena! pag walang ulan yan..pag meron paniguradong putik naman). sasakay naman ng jeep papuntang sakayan ng shuttle na medyo may kahabaan ang byahe dahil maya’t maya ay humihinto ang driver para magsakay ng mga pasahero..one time tinamaan pa ko sa mukha ng bayong na bitbit ng isang lola. kiber din sya. mabuti na lamang at wala pang laman na kung anu-anong maantot dahil papunta pa lang sya sa palengke. pagdating naman sa shuttle service, kumportable na kasi may aircon kaya pwede na umidlip.

alam ko ng madami snatcher, holdaper, at kung ano-ano pang masasamang loob na nagkalat sa pilipinas. nabiktima na rin ako noon pero wala naman silang nakukuha sakin kaya umuuwi silang bigo. pero ngyon meron na. hindi pera ang nawala sakin at lalong hindi puri! taena! magkamatayan na pero walang ibang pwedeng makagalaw dito sa mga pag aari at ari ko. not w/o my consent and written permission..gasti’s guidance is advised.

lunes, umuwi muna ako sa Marikina para isauli ang pantalon ng kapatid ko na naisama ni kumander sa mga naimpake pati na rin ang Godfather 1 and 2 vcd na hiniram nya kay utol. nakikain na rin ako sa barbeque na minemeryenda nila ermats at erpats..bago ako umalis, pinabaunan pa ako ng twalya, pantalon,chocolates na gawa ni Mama, isang elephant stuff toy at isang 2-speed collectible red ferrari car (Superamerica) from Shell na laruan ng aking anak..pagkasara ko ng bag ay nagpaalam na ko..taimtim ako nag abang ng masasakyang jeep or fx sa kalsada..mga kalahating oras na ang nakalilipas hindi pa rin ako makasakay..taenang jeep yan puro puno! hinanda ko na ang matitipuno kong bisig (kahit man lang dito maging matipuno ang bisig ko) para bumalik sa dating kinagawian…ang pagsabit sa mga patok. pagkaraan ng isang jeep na mailaw at may sungay ng kalabaw sa tuktok eh sinenyasan ko na agad..sa gilid ako pumwesto just like college days..dama ko ang hampas ng hanging habagat na tumatama sa mukha ko..maya maya pa umindayog na ang jeep..malakas ang pagkembot nito na parang isang ramp model na rumarampa sa highway..gusto ko makita ang itsura ng driver baka kako kamukha ni romy diaz na namumula ang mata..kung magkaganun bababa na ako…pagdating sa isang kanto may sumabit pang dalawa kaya ipinasok ko na rin ang katawan ko sa loob kahit na nagsisiksikan na kami dahil 5 na kami nakasabit..malakas pa ako uu pero ayoko naman magkapalit ang mga mukha namin.

mabilis ang byahe..singbilis ng pagbukas ng zipper…ng bag ko. naramdaman ko na lang na parang may kumakalikot na sa loob ng bag ko na nakasukbit sa may likuran. pero nagdalawang isip pa rin ako..siksikan na kasi normal na yung ganung pakiramdam. nang pumreno ang jeep dahil sa stoplight, saka ko lang naiayos ang bag ko. napansin ko ring bumaba na yung ibang nakasabit at taena talaga! totoo na nga..bukas na bukas na yung 3 zipper ng bag ko…ambilis talaga ng mga kumag..take note nakapagmaniobra sya sa loob ng bag ko habang nakasabit sa jeep na matulin at makembot at walang steel bar para kapitan…hanep! pero hindi paghanga ang naramdaman ko kundi galit..yung tarantadong yun napaginteresan pa pati yung ferrari car ng anak ko. badtrip talaga! ano yun panreregalo nya sa inaanak nya? sa anak nya? tang ina naman! ako hindi ko maaatim na magbigay ng nakaw..pasko pa naman..walang hiya! (sana pala habang umaandar ng matulin yung jeep eh siniko ko sya sa bayag para nahulog sya…masaya sigurong panoorin yung eksenang gumugulong sya sa kalsada habang paparating naman ang rumaragasang 10 wheeler truck).

ito ang dahilan kung bakit hindi ko ugaling maglagay ng wallet or celfon sa loob ng bag eh..tinitiis ko na lang ang pag-vibrate ng cp ko sa bulsa at ang nakaumbok na wallet sa pwetan ko para at least ramdam ko kung may dudukot or hihiwa ng bulsa ko..wala naman akong malaking pera sa wallet pero ang importante run ay mga id’s at licence ko. pag yun ang nawala, sobrang hassle.

ito na siguro ang nagpaalala sakin na hindi na ako katulad ng dati dahil meron ng mawawala sakin..mukha na kong may tagong kayamanan..dapat ko ng lagyan ng padlock ang zipper ng bag ko..mainit sa mata ang red ferrari car at malapit na namang madagdagan ang edad ko.

Mga Puna»

1. linglingbells - Disyembre 19, 2007

bd3p talaga yang mga snatcher na yan! hindi lumalaban ng patas! nagttrabaho ka ng maayos pero sila ninanakaw lang ang katas ng paghihirap mo..

gasti: kaya nga pag nakakapanood ako ng binubugbog na snatcher kapag nahuli ng taumbayan eh parang gumagaan pakiramdam ko.

2. wei vines - Disyembre 19, 2007

kailangan ng marasming practice para makadukot yung mamang yun! taena..patok pa yun ah?!

gasti: uu nga eh mukhang bihasa na ang loko.

3. lilmiz - Disyembre 19, 2007

pati ba naman laruan?! kagrabeh naman yun. buti na lang at hindi nadale wallet at celfon mo ahehe pero sayang ang ferrari tsktsk

gasti: wala kasi napala sa bag ko eh kaya pinagtyagaan na yung laruan.

4. Maldito - Disyembre 19, 2007

inutusan ko yun na kunin ang ferrari..ahehhe..oagdagdag sa coleksyon…lols…sana nilagay mo nalang sa harapan bag mo…tara resnak tayu….dukutin natin mga aswa nila..ahhwhaha….lagyan natin ng ransom!pootah!!

gasti: di ko na pag aaksayahan ng panahon mandukot ng mga asawa nila..panigurado panget yun! magtatayo na lang ako ng hostel tapos dun i-totorture ang mga kriminal.

5. KC - Disyembre 19, 2007

ang kapal ng fez nung magnanakaw. Nasisikmurang magbigay ng nakaw. Buti hindi nakuha ang wallet mo…totoong laking dyahe kapag nawala mga ID mo.

Dapat ginugupitan ng utong ang nahuhuling mga mandurukot/snatcher. Nyahaha! Leche sila.

gasti: dapat putulin ang mga titi ng hinayupak na yan! tapos putol kamay na rin…taena nila ewan ko lang kung makapandukot pa yan.

6. jeckyll27 - Disyembre 20, 2007

waaaah! ang ferrari car sayang! kung saken nangyari yun hahabulin ko yung ulupong na yun, bibigwasan ko, susuntukin ko sa sikumra nang sunud-sunod (parang FPJ style) tapos pompyang sa mukha, tapos sisipain ko hanggang sa mamilipit sa pamamagitan ng aking malakas na imahinasyon…
next time maglagay ka ng mouse trap sa loob ng bag mo. ang umaray tadyakan mo agad sa tonsi! hahahaha!

gasti: uu sayang talaga yun pero pwede naman ako bumili ulit eh kaya lang nakakasama pa rin ng loob..taena talaga nila! ako mag aala bobby pacquiao..puro low blow pakakawalan ko.

7. iceyelo - Disyembre 20, 2007

Walang patawad eh no? pati yung collectible tinalo.

Mabuti sa akin di na nila kailangang dukutin wallet ko, wala rin silang makukuha. hehehe

gasti: uu nga eh wala talagang patawad.

8. kengkay - Disyembre 21, 2007

nangyari na rin sa akin yan.. nilalaslas yung bag ko, kaso mo naramdaman ko. bigla kong hinatak yung bag ko. anak ng putakte, talon agad ng dyip yung mama. butas na yung aking benetton bag na hindi ko kayang bilhin ng sweldo ko, waaaah. pero ang maganda sa kwento, lahat na pala ng pasahero sa dyip e nakikita yung ginagawa nung mama wala naman silang magawa. sinabi nila sa akin na ang tagal na daw nilalaslas yung bag ko kaya lang di daw nila masabi, hmp. what heroes we have! dami pang lalaki sa dyip non ha. heniway, di ba pramis ko sa yo dadalhan kita ng mga model cars na galing dito sa germany? konting antay na lang at andyan na ang hero mo na si kengkay, hehe


gasti: nakow wala ka talagang maasahan sa mga kapwa pasahero sa jeep..mga takot rin kasi makialam yun. wow! ferrari cars from Germany..ayos! salamat super kengkay.:)

9. homebodyhubby - Disyembre 23, 2007

malimit din akong masakay dyan sa mga “PATOK” na dyip sa tuwing uuwi ako sa byenan ko. grabe ang mga drayber niyan kung magpatakbo! parang MAUUBUSAN ng kalsada! 😆 — pero maiingat naman.
si misis nadukutan na ng selpon na nasa bag. buti na lang mura lang yung selpon.
yang mga isnatser na yan ang dapat KUYUGIN. 😆 kwidaw lang, baka mapatay natin — malamang may PAMILYA din yan. sapat na yung makulong at maparusahan. me tsansa pa syang tumino.

10. Poli - Disyembre 30, 2007

Ako naman naholdap na. Kung tutuusin, mas masayang maholdap kaysa madukutan. Kapag dukot kasi magugulat ka na lang na wala na ang wallet o cellphone mo pero kapag holdap, with matching punyal/balisong pa! Hehe!

Subukan mo kayang hanapin sa mga sanglaan ang Ferrari mo! Baka makita mo pa! Haha!

*Salamat nga pala dito sa post mo na ito at naka-isip ako ng idea na blogpost. Haha.

gasti: masaya? haha! kung hindi ka saksakin o barilin. sige gawa ka na rin ng post mo dahil marami ng nag aabang sa pagbabalik mo.

11. laman loob (bag tag). « The Invisible Blog - Enero 11, 2008

[…] lumang black na hawk bag. eto rin yung bag na walang awang pinagsamantalahan ng mandurukot kung saan nakuhaan ako ng laruan. (extra lang yung inuman ko ng tubig. walang lamang kape yan.) nilagyan ko na rin ng pikachu at […]


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: