jump to navigation

namamasko po! Disyembre 21, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

♫we wish you a merry chris… “patawad!”

♫kay sigla ng gabi ang lahat ay kay… “patawad!”

♫sa may bahay ang aming bati…merry chr… “patawad!”

♪ilabas mo na ang inyong tambol..ang torotot mong itina… “patawad!”

ganyan lagi ang eksena sa bahay namin tuwing gabi simula ng kami ay lumipat sa San Mateo. madaming batang yagit..para silang mga gremlins na nagkalat sa gabi. hindi maubos-ubos…hindi bababa sa 10 groups with a minimum of 3 members ang bigla na lang susugod sa bahay para magkaroling.

hindi naman sa galit ako pero naman…sa sobrang dami eh nakakatulele na..ubos na rin ang barya namin sa bahay..pati ang anak ko eh napa-praning na dahil sa tuwing may kakanta sa tapat namin ay babanat sya ng “bili bili”..kelangan ko pa ipaliwanag na hindi kami nagtitinda ng kung ano at wala rin kami bibilhin sa mga paslit na yun. akala nya kasi ay may bilihang nagaganap na sa tuwing kakanta sila ay mag aabot kami ng pera. “anak wala sa lahi natin ang bumibili ng aliw tandaan mo yan”.

kagabi, eksaktong pagkapasok ko ng gate ay may nagsisuguran agad sa bahay at biglang kumanta..”mga kids balik na lang kayo sa pasko ha!”..sabi ko. “kuya kahit piso lang po pambili ng ice-tubig nauuhaw na po kasi kami.” hirit nung isa. natural nahabag naman ako dahil nakakapagod naman talaga yung ginagawa nila. kukuha na sana ako ng malamig na tubig galing sa ref pero pinilit nilang piso na lang daw..pagkabunot ko naman ng piso sa bulsa eh bigla na namang humirit yung isa..”kuya dos na lang po!”..ayos! ambilis pumatak ng metro. binigyan ko na lang para tumigil na.

♫tenk yu..tenk yu! ang babait ninyo tenk yu!♪ ..ang kinanta nila bilang sukli sa pagbibigay ng kaunting barya. (akala ko nga eh babanatan na ko ng “ang babarat ninyo”). umalis na rin sila at nagpatuloy sa pagkanta sa ibang bahay.buti naman.

naalala ko tuloy yung sarili ko nung mga bata pa kami kasama kapatid at pinsan ko na nangangaroling sa ibang bahay..para sureball, puro mga bahay ng kamag anak namin ang pinupuntahan namin. no sweat! maning mani lang ang pagkanta. instant pera or chocolates na agad.

4 days na lang pasko na…kasabay ng pagtanda ko. wala na namang pasok sa work kaya pahinga rin ako sa blogging..kaya eto na lang ang gagawin kong christmas post! sana ay maging masaya kayo kung saan man kayo naroroon mga blogging friends…hindi na rin ako manghihingi ng regalo mula sa inyo dahil pare-pareho naman tayong madaming gastusin😀 pag nakasalubong nyo ako at namukhaan (kahit imposible) ako pa manlilibre sa inyo! hehe! Merry Christmas sa inyong lahat!😉

fact: Im going to be 25 at 25. (pwede nyo tayaan sa huweteng..pompyang! pag nanalo kayo balato na lang ha!)

Mga Puna»

1. karmi - Disyembre 21, 2007

adbans happy birthday my friend!! ^_^

regalo ko?


gasti: merry christmas rin sayo!😀 next year na tayo mag exhange gifts. pag uwi mo ng pinas.

2. jeckyll27 - Disyembre 21, 2007

advance happy birthday and merry christmas master gasti! noel din po pangalan niyo? hehehehe

gasti: salamat pareng jeckyll..hindi noel pangalan ko hehe! rumpelstiltskin.

3. ferbert - Disyembre 21, 2007

wow kuya pala kita! maligayang pasko kuya… hapi berday na rin..

gasti: walang kuya kuya! tuwad!😀 merry christmas!

4. YouAreYou - Disyembre 21, 2007

uy magkasunod pala tayo ng bday. hehe!

Advance Merry Christmas and Happy Beerday na din!😀


gasti: uy di nga? hehe! merry christmas and happy beerday din sayo!😀

5. jojie - Disyembre 22, 2007

gasti!!!! Merry Birthday!!😀 uy papasko mo sakin pabirthday ko sayo kaya quits na tayo. hahahaha!

gasti: haha! teka asan naman yung pa-xmas mo sakin?

6. iceyelo - Disyembre 22, 2007

Pwede ba akong mamasko sa inyo?🙂


gasti: di naman bawal mamasko samin pero hindi lang kami nagbibigay sa mga namamasko.

7. linglingbells - Disyembre 22, 2007

hay naku! nakakainis nga yung mga batang nangangaroling, nakakairita na kasi pag sunod-sunod at ubos na ang aming barya.. pero sabi nga nila, ang pasko ay para sa mga bata, kaya pagtiisan na lang muna natin ang matitinis at nakakairita nilang boses pag gabi, konting araw na lang at matatapos na din ang pangangaroling nila! hehe!

advans meri krismas at advans haberday sayo gasti!!


gasti: salamat sa greetings!🙂 uu nga eh ang pasko ay para talaga sa mga bata. andami talagang nagkalat na bata ngyon..dumodoble ata ang bilang nila kapag magpapasko.

8. KC - Disyembre 22, 2007

Naku ganyan din ang mga nangangaroling sa amin. At may teknik sila. Yung isang grupo pagkatapos mong abutan, nagdidisperse. Umuulit ng kanta ang kalahati sa kabilang bahay na nag-abot at yung isa naman, kakanta ulit sa bahay mo. Ayos sa modus operandi.

Pareho pala tayong pompyang. I turned 21 last 21. O dibadibs. Salamat sa pagbati nga pala Gasti.

Advanced Hafi B-dae at Merry Christmas na rin. =)

gasti: mautak talaga mga kids ngyon..dami nila raket para magkapera lang. uu nga noh pareho pala tayong pompyang dis year..merry xmas din sayo kc!

9. MisyeL - Disyembre 22, 2007

Naalala ko tuloy ang eksena noon sa amin dyan sa Makati, nakaka-irita talaga ang sunod-sunod na mga pangangaroling nila pero ngayon isa yan sa nami-miss ko hehe…

Happy Birthday at Happy Christmas sa iyo bro!🙂


gasti: merry xmas din sayo misyel! walang nangangaroling dyan? papadalhan kita.

10. Kim - Disyembre 22, 2007

hmmm..
at xempre dahil nabanggit mo ang San Mateo, hindi ko mapigilang sabihing “Putang San Mateo yan” ang hirap ng byahe papuntang Maynila.

Buti pa sa inyo mabait-bait mga nangangaroling.
Samen sinigawan ko ng “Walang pera!” tapos ginaya ako nagtatawanan pa..

ampf.

gasti: haha! pareho pala tayo ng sentimyento sa San Mateo..badtrip talaga traffic dun..sa mga nangangaroling naman may mga umaangal na rin.. “lagi na lang patawad”..hehe! psensya na lang sila.

11. camsss - Disyembre 22, 2007

advance hapi birtdey!

dobol celebration pala, eh di babaha ng fruit salad sa nyo? (wak naman yung buong buo pa ang mga prutas ha)

—– meri krismas! —–

gasti: merry xmas din sayo camsss! bakit naman fruit salad ang naisip mo handa ko? hehe!

12. homebodyhubby - Disyembre 23, 2007

yung ibang bata dyan, sila-sila din yun, pabalik-balik lang. kaya kung medyo malabo na mata mo at sa suot nilang damit ka lang titingin, hindi mo mamamalayang inaaraw-araw ka na pala ng karoling. 😛
meri krismas sa’yo gasti! at pati na rin kay kumander at dyunyor mo! nawa’y mapuno ng pagpapala ang hapag nyo sa darating na pasko at birthday mo! 😀

gasti: salamat pre! merry xmas din dyan sa inyo..

13. Poli - Disyembre 23, 2007

Ganyan din sa amin! Yung lola ko parating “Sa 23″ ang linya tuwing may namamasko. Tapos pagdating naman ng 23 e mga 25 cents lang ang ibinibigay. Feeling niya siguro, panahon pa rin hapon.

*Ang lupit mong maglipat bahay a! Hehe!”

gasti: haha! grabe naman..25 cents? mas ok na yan kesa wala..
ngyon lang ulit kita nakitang dumalaw dito ah..hehe! naghahanap kasi ako ng magandang pamugaran eh

14. angel - Disyembre 24, 2007

sa totoo lang first time ako mangaroling 4th year highschool na ko.. Never ko na experience yan nung kabataan ko.. Hahaha.. Ako pa yung nagigitara nun kahit na hindi naman talaga ako marunong maggitara.. Kuntodo costume pa kami nun na naka santa claus kumusta naman yon? hehehe.. Ui pero ha, jackpot pa rin kami..😀


gasti: hehe! late bloomer ka pala.

15. iceyelo - Disyembre 24, 2007

MERRY XMAS PO SA INYO!😉

gasti: merry xmas din sayo!

16. In the Bag (Bag Tag) « GIRL, INTERRUPTED - Disyembre 24, 2007

[…] see what’s inside a guy’s bag, so I’m tagging Jon Cabron, Fau and Birthday Boy, Gasti (Happy […]

17. antuken - Disyembre 24, 2007

happy birthday! i used to think kawawa ang mga pinapanganak ng malapit sa christmas. kse isa lang ang gift na natatanggap nila. hehe.

pero minsan, swerte rin. kse ang iniisip ng mga tao, dahil pasko, at birthday, dapat hindi pipitsugin ang regalong ibibigay sa yo.

merry christmas!

gasti: uu nga eh lagi na lang regalo napapag usapan kapag may kasabay na okasyon ang bday…na-experience ko naman na mas maganda ang regalo nakukuha ko kumpara sa mga kapatid at pinsan ko kapag pasko. merry xmas din!

18. xienahgirl - Disyembre 24, 2007

ang karoling
ay ang pinakalegal
na pangingikil ng pera
hahaha

maligayang pasko


gasti: hehe! uu nga eh! pati mga matatanda ngyon eh namamasko na rin. merry xmas din sayo!

19. eloiski - Disyembre 24, 2007

merry xmas & happy bday!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


gasti: merry xmas din sayo! thanks!

20. Maldito - Disyembre 25, 2007

meri xmas bossing!


gasti: merry xmas din sayo pards!

21. lilmiz - Disyembre 26, 2007

kuya magpakain ka naman! beerday mo fala! ahehehe ay greet pala muna kita.. HAPPY BIRTHDAY and MERRY CHRISTMAS!!! (belated) ehehe .. ilang taon na kaw?😀


gasti: hehe! di mo nabasa na? pompyang nga ako dis year…merry xmas din!

22. joice - Disyembre 27, 2007

happy birthday gastiiiii!😀

samen pag may namamasko, yung pamangkin ko tigaabot ng pera.. nung minsan na sabi namen wag na bigyan.. lumabas sya at sabi sa mga bata (with masungit voice): “WALANG TAO DITO, AKO LANG. oh ano mamamasko ka pa??!!”

haha

gasti: haha! ang taray naman…hanep! salamat joice..merry xmas na din sayo!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: