jump to navigation

tapos na? Disyembre 27, 2007

Posted by gasti in bakasyon stories, muni-muni moments.
trackback

tapos na ang countdown ng christmas. nagsiuwi na ang mga bisita..ang mga inaanak ay naabutan na ng mga regalo…nabuksan ko na rin ang mga regalong ibinigay sakin…andito nako opisina at nagba-blog/work. tapos na nga.

uu ngyon lang ako pumasok ulit dahil nagkasakit ako. pa-birthday na sakin yun. ang ubo at sipon na nung 24 pa sumapi sa katawan ko..liliwanagin ko lang, hindi naman ako nakaratay sa higaan buong araw. hindi ko matitiis na hindi makigulo sa mga tao lalo na kapag b-day ko..bakit ba kasi ako dinapuan ng sakit? ano ba naman yung magpintura ka ng bakod at gate simula alas dose ng tanghali hanggang alas sais ng hapon habang tumutulo ang sipon mong malabnaw…andami ko ngang fans na taimtim na nanonood sakin habang nagpipintura eh..nakakita ka na ba ng nagpipintura na may hawak na brush sa kanang kamay at panyong gusgusin sa kaliwang kamay? ako lang yun…pahid dito..singhot dyan. hanggang sa makatapos ako ng first coating..lols.

andaming bisita..lahat halos ng kamag anak ko eh pumunta sa bahay namin…mabuti na lamang at marami ring pagkain na nakahanda kaya nabusog naman sila lahat. umuwi silang lahat na may ngiti sa kanilang mga labi at may take-home na pagkain. at sa ngyon nga tapos na ang pasko pero ang kinakain namin eh amoy pasko pa rin…hindi maubos ubos ang laman ng ref..nagcheck ako kahapon kung nadagdagan ba ang timbang ko at ayun nga…6 pounds heavier! pero payat pa rin tingnan. malakas lang loob ko maghubad dahil alam kong wala namang papansin kundi mga aso ng kapitbahay na sabik sa katawan kong tigasin. mabuti na lamang at hindi malaki ang tyan ko kundi lalo ng masagwa tingnan.

maliban sa gundam robot na regalong natanggap ko mula sa akin. bumili lang ako ng isang t-shirt. (na hindi ko naman naisuot nung pasko dahil hindi ko mahagilap). nakatanggap rin ako ng isang short galing kay ermats,2 t-shirt galing kay kumander, isang t-shirt galing kay hipag, isang asong pigurin galing kay ate, at isang sando na may nakasulat na “Im going to the gym.” (w/ maskuladong lalaki pic). pero ang pinakamasayang regalo na nakuha ko this year ay pagiging buo ng pamilya ko…sa dinami daming problemang dumating sa buhay namin (kasama na yung pagkabuking ng blog ko) in the end kami pa rin…masayang pagmasdan ang aking 2 years old na anak habang hinihipang maigi ang number 25 na kandila sa ibabaw ng cake.priceless.

Mga Puna»

1. jeckyll27 - Disyembre 27, 2007

silver anniversary mo na sa mundo. antanda mo na master gasti..hehehehe..oist. pahiram ng gundam, palitan ko ng gundam triple X na dvd..hehehehe..astig yun, robot ang naghuhubad..niyahahaha!


gasti: kalabaw lang ang tumatanda tsong! hehe! putsa yang gundam x mo yung mga robot lagi namang matigas yun eh! ayoko ata makakita ng nagkikiskisang bakal..nakakangilo.

2. linglingbells - Disyembre 27, 2007

aaww.. buti pa kayo buo, kami never naging buo, nasa states kasi tatay ko.. di pa tapos ang holiday season, may new year pa!!!! advans hapin new year gasti!


gasti: happy new year din sayo lingling! buo pa rin naman pamilya mo eh kelangan lang magwork ng tatay mo.

3. Maldito - Disyembre 27, 2007

wow….hubaran ang drama mo ah..lols..oi jeacdakss!!ang landi naman ng mga robot na nakaahubad..wahahhaa..ano ba yan!pahiram na din!lol…pagaling ka.may new year pa dapay healthy ang pag face sa jan. 1….ahhehe…priceless nga yan bossing…..buti kapa..

belated pi bdaY!

gasti: sinong lalaban? lols! kung mga piloto ng robot gaya ni asuka saka rei ang maghubad oks lang wag na yung robot.

4. Kim - Disyembre 27, 2007

“pero ang pinakamasayang regalo na nakuha ko this year ay pagiging buo ng pamilya ko…sa dinami daming problemang dumating sa buhay namin (kasama na yung pagkabuking ng blog ko) in the end kami pa rin…masayang pagmasdan ang aking 2 years old na anak habang hinihipang maigi ang number 25 na kandila sa ibabaw ng cake.priceless.”

-YES! pang mastercard na commercial!

gasti: hehe! naiimagine ko nga yung commercial ng mastercard habang ginagawa ko ang entry na to eh

5. lilmiz - Disyembre 27, 2007

naks naman. priceless nga sya🙂 buti naman at na-icelebrate pa din bertdey mo kahit may sakit ka, sayang din mga gifts lolz. may new yr pa, i-lose mo na ang 6lbs na na-gain kasi madadagdagan na naman sa new yr hehe nag hirap talaga pag dec-jan, malamang madaming tao mag-ggym after new yr ahehe

gasti: di ko naman kelangan mag lose ng weight eh..gain lang ng gain hanggang maka 135 pounds pagkatapos nun..hubaran na.

6. xienahgirl - Disyembre 28, 2007

naghalo yung pawis at uhog
sa panyo mo
eewness
hahaha

puro damit?
lagi ka siguro nakahubad?
hahaha

happynewyear

gasti: haha! di naman lagi kasi sipunin ako. happy new year din!

7. karmi - Disyembre 28, 2007

naks, priceless talaga yan tol..🙂 magandang pamasko at pa-birthday sau.. ^_^ (ung buo ang pamilya mo ha, at hindi ung pagkakasakit mo)

kamusta naman, di ka naman masyadong nasunog nung nagpintura ka, talagang tanghaling tapat ka pa nagtrabaho.. ibang klase ka tol..😀

naks, wankata! hehehe.

gasti: haha! di naman ako nasunog pero ayun nga lumala yung sipon ko..nilagnat ako kinabukasan.

8. jeniffer - Disyembre 28, 2007

buti pa kayo ang dami nyo.. kami dalawa lang d2 sa bahay ng mommy ko, kasi si dad nasa ibang bansa.. sad ang noche buena.. Merry Christmas pahabol, gO get ur ECARD to my site.. its a gift from me.. :p


gasti: unica hija? kahirt wala pa dad mo di ka dapat malungkot kasi andyan pa din mommy mo eh😉 thanks sa ECARD

9. iceyelo - Disyembre 28, 2007

Life’s little moments. dapat may kasamang kodakan yun dude.🙂

gasti: syempre di mawawala yun.

10. homebodyhubby - Disyembre 29, 2007

ienjoy mo lang p’re yung pagiging payat mo ngayon. at midlife, pagtaba naman ang poproblemahin mo.😛 basta lang hindi masyado nagkakasakit. yung lagnat mo? “lagnat-laki” lang siguro kasi birthday mo. (joke)


gasti: i doubt kung tataba ako talaga..wala kasi sa lahi namin. uu lagnat laki nga lang talaga yun.

11. Poli - Disyembre 30, 2007

Oi, belated happy birthday. Dapat pinag-pintura mo rin si kumander para sweet kayo. Hehe!

Kami rin kumpleto kami ngayong pasko. Nagsidatingan ang mga kamag-anak ko galing Aussie.

Parang ang sarap naman ng feeling nung huling eksena. Hehe. Gusto ko rin kasing magkaroon ng anak. Pero huwag ngayon at wala pa akong ipambubuhay at baka patayin ako ng nanay ko.


gasti: salamat poli! nagpintura din si kumander ng konti..ayos ah mukhang masaya rin pasko nyo dyan..pwede ka namang magkaroon ng anak kahit wala kang pambuhay rito…maraming ganun. pagkatapos makabuntis bigla na lang maglalaho😀

12. YouAreYou - Enero 2, 2008

sabi nga nila “the best things in life are free” yung moment mo with your kid priceless talaga…😀

Belated Happy Beerday! and a very Happy New Year to you and your family!😀

gasti: thanks ha! belated happy beerday at happy new year din sayo!🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: