jump to navigation

putukan na! Disyembre 28, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

presenting…my year end blog report.

last working day na namin for this year. 4 days na naman ang bakasyon at next year na ulit ako makakapagblog kaya halina at samahan nyo akong sariwain ang nakaraan. ready ka na ba? ipuputok ko na ha!🙂

kung papansinin mo ang mga entries ko this year, marami na ang nawawalang posts..mga ilang buwan na nabakante dahil sa paglilipat ng blog from blogger acct. to wordpress…mga entries na sinadya kong burahin para makaiwas sa anumang sakuna na maaaring idulot nito. kahit anong ingat ang ginawa ko..kahit ano pang palusot ang pinakawalan ko in the end sumingaw pa rin. buking. maraming nagtatanong sakin dati kung bakit daw ako nagtatago..ano nga ba ang sikreto ko? simple lang. ayoko ng moderator.

malaki na ko.(kung ayaw mo maniwala ipapakita ko pa sayo) may tamang isip kahit minsan ay bumabaluktot. blog ko to. mahirap magsulat kung lagi mo na lang iisipin ang reaksyon ng mambabasa mo at lalo na ng kumander mo. marami akong gustong isulat pero kapag naalala kong may magagalit at outside de-kulambo/talk-to-the-hand ang eksena pag uwi ko sa bahay, di ko na lang tinutuloy. hindi lahat ng tao ay open-minded.

kung meron man ako pinaka-memorable post na nagawa this year..yun ay ang “buking!”…wala na sya sa archive ngyon at marahil ang ilan sa inyo ay nabasa pa yun bago ko burahin..inulan ako ng hate comments dyan..hehe! isasama ko na rin ang post ko tungkol sa kasinungalingan (liars go to heaven) at ang mga usapang barako na naglalaman ng mga pamatay na quotes. lahat naman ng isinusulat natin ay nagiging memorable dahil ganun naman talaga ang purpose ng pagsusulat..para mabalikan mo ang nakaraan. maalala ang mga kalokohang pinaggagawa mo noon..hindi mo na maitatama ang maling nagawa na pero maiiwasan mo ng gawin ulit yun.

patapos na ang taon. goodbye 2007. di natin alam kung ano mangyayari..ayokong manghula..ayokong magsalita ng tapos…walang kasiguraduhan ang pagba-blog ko lalo na kung makahanap ako ng ibang trabaho na maraming restrictions sa susunod na taon. kahit ano pa ang mangyari hahayaan ko na lang na bukas itong blog na ito sa publiko. pugante days are over.

happy new year to all! putukan na! putukan na! sa labas lang ha wag sa loob magpaputok..matagal pa fathers day.

signing off. gasti

Mga Puna»

1. Maldito - Disyembre 28, 2007

putulan na!!!yehey!!happy new year..mike enriquez??ahahha..mayyear endreport…lols….matagal tagal ka na din pala nag bloblog…cge..pagbutihin mo bata…dapat sa next mo na blog todo putukan na..yung walang tinatago…cge..!!magpapaputok na din ako!!po new year!

gasti: ano naputukan ka na? hehe! happy new year! ano kasi eh..mas masarap kapag patago.

2. linglingbells - Disyembre 28, 2007

sayang naman at lately ko lang natuklasan ang site mo.. medyo bago pa lang kasi ako sa blogging world.. di tuloy ako masyadong naka-relate sa mga nangyari sayo ngayong taon.. aabangan ko ang pagputok pa ng iba mong mga kwento sa susunod na taon! hapee new year gasti!!🙂

gasti: salamat lingling. oks lang yun humabol ka pa naman eh. mas marami pa kong pasasabuging lagim sa 2008.

3. wei vines - Disyembre 28, 2007

you’re leaving???oowwww… hehe…naks..may report report pa…uhmm ganun talaga, may narrow minded at di natin yun maiiwasan. Matuwa tayo dahil hindi tayo kabilang sa kanila… hehe… happy new year..advance🙂

gasti: happy new year din pards..di pa naman ako aalis.

4. napunding alitaptap - Disyembre 29, 2007

hmmm.. naramdaman ko yun…

rason kung bakit ako tumigil dati sa pagsusulat…

rason kung bakit hirap na hirap pa rin ako at nagkukunwaring AYOS na ako…

hindi madaling magsulat kahit pabor naman sa iyo ang mga salitang magpagamit… kayang-kaya mo naman silang pagtabi-tabihin ng may himig… pero, ang hirap pa ding hindi isipin ang mga iisipin ng mga mambabasa mo…

epal lang…

-napunding alitaptap… talo pa ng christmas lights sa pagkutitap


gasti: salamat sa pakikiramay..hehe! para walang problema wag na lang mag isip. sulat lang ng sulat

5. jeckyll27 - Disyembre 29, 2007

muntik na akong maiyak sa post mo. grabe master gasti. huhu
salamat na rin at nakabalik ka sa blogosphere at tama ka rin na hindi lahat ng readers eh open-minded kaya minsan nalilimitahan yung iba kung ano yung iba-blog nila. pero kahit anu’t-ano pa man, ituloy lang natin yung nasimulan natin. i hope makahanap ka ng magandang work na allowed pa ring mag-blog. aplay kaya tayo sa opis ni maldits, balita ko pinupuri at sinasamba mga pasaway dun..hehehe..yung pic mo parang alam ko kung san kinuhaan o baka karaniwan na lang yung ganyang lugar..
ayos! happy new year! putukan na! *saltik*


gasti: saan sa cebu? wag na tsong marami naman sa makati or ortigas eh..saka di ako marunong magbisaya di ako tatagal dun..hehe! happy new year tsong! putukan na!

6. homebodyhubby - Disyembre 29, 2007

hehehe. sa tingin ko hindi mo kailangang magtago pare. 🙂
happy new year sa inyo.


gasti: happy new year pards!

7. kengkay - Disyembre 29, 2007

magtatago ka sa putukan? san punta mo gasti😀 sige na nga, maagang magbati ng manigong bagong taon.


gasti: di ako magtatago..magpapaputok ako! happy new year!

8. lilmiz - Disyembre 30, 2007

happy happy new year😀 salamat sa mga nishare mo. lahat yun ichecherish namin ahaha andrama. lam mo bang isa ka sa mga idol bloggers ko? (ilang oras din yung di ako nagwork dati para mabasa lang previous entries mo bwahaha). till next year idol!😉


gasti: wow nakakataba naman ng puso yan at talagang nag ubos ka pa ng oras para balikan mga lumang entries ko..hehe! salamat! happy new year!

9. koreanmine - Disyembre 30, 2007

malaki na ko.(kung ayaw mo maniwala ipapakita ko pa sayo) <<< bat kaya may gan2😀 wee psenxa na, jan aq mapupunahin eh lols😆

yep, tutuu yun na mas nailalabas mo yung mga gus2 mo sabihin kung wala kang pinangingimian.. kya nga d2 sa net usually na a unleashed lht ng mga bgay bgay lalo na’t kakaiba kc may advantage of anonymity… wel, gudlak sau & hapi new year..


gasti: hehe! bakit di ka naniniwala? happy new year!

10. Poli - Disyembre 30, 2007

Huwag muna kayong mag-iyakan! Hehe! Hindi pa naman siya siguradong aalis e.

Alam kong makakagawa ka ng paraan kahit maraming restrictions sa bago magiging bago mong trabaho. Ikaw pa, e dugong pugante ka.

Happy New Year din.


gasti: haha! ayos ka poli..dugong pugante..amp! happy new year!

11. antuken - Disyembre 31, 2007

happy new year! i just tagged you. year-ender tag ito, kumbaga. hehehe. o malamang eh year starter mo na magagawa.🙂

gasti: happy new year! thanks for the tag..nagawa ko na sya check mo na lang.

12. eloiski - Disyembre 31, 2007

happy new year!!!

weeeeeeeeee!!!!

maging maganda at masagana sana ang pagpasok ng taong 2008!!!!!!!!!


gasti: happy new year din!

13. Maldito - Disyembre 31, 2007

maligayang putukan!!ahehehhehe…


gasti: putukan na!😀

14. MisyeL - Enero 1, 2008

happy new year gasti!😉

gasti: happy new year misyel😉

15. xienahgirl - Enero 1, 2008

aww
ano ba yan
hiyeheytus ka
putek
mauubusan na tayo
ng magagaling na blogista🙂

balik ka agad
maligayang new year


gasti: magaling na blogista ako? hehe! di nga? happy new year! di pa naman ako aalis.

16. MARU - Enero 1, 2008

happy new year, gasti dear! mwaah!


gasti: happy new year mareng maru!

17. FerBert - Enero 2, 2008

nakabalik na ako kaya bumalik ka na rin… Happy New Year Kuya!

gasti: eto na nga at nakabalik na ako..happy new year!

18. YouAreYou - Enero 2, 2008

Sayang naman… nahuli pala ako ng dating… sana nabasa ko pa yung mga previous entries mo…

kitakits sa 2008! Happy New Year!😀

gasti: at least dumating ka pa rin..hehe! happy new year!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: