jump to navigation

bagong buhay Enero 2, 2008

Posted by gasti in bakasyon stories, muni-muni moments.
trackback

dahil sa unang hirit ko itong post na ito sa taong 2008, kelangan makabuluhan. happy new year pala ulit sa inyong lahat! nakakatamad na pumasok.

masaya naman ang pagpasok ng taon ngyon kahit kaunting putukan lang ang napanood ko at least kaunti rin ang mga naputukan. siguro dahil na rin sa pagtitipid na may halong kakuriputan kaya walang bumili ng paputok sa mga kamag anak ko. puro lusis lang..may mga batang pasaway nga lang na nagpaputok ng piccolo kahapon ng tanghali. madaming tao pyesta kasi. maraming palaro gaya ng hataw palayok, agawan buko,paunahan umubos ng 12 oz. coke at madami pa iba. nagkalat rin ang mga “bunot sisiw/itik/daga”…yan yung mga sisiw na rainbow colors or itik minsan may dagang kosta rin na papremyo kapag nahulaan mo ang numero na nakatago sa isang piraso ng papel (mahirap manghula dyan kaya ako binibili ko na lang). ni minsan wala pang tumama sa mga hula ko sa bunutang yun..akala ko nga makakahula na ko kahapon…sa tingin ko ay 22 or 25 yung numero pero nung binasa na yung papel “11” pala..walanjong yan! sa edad kong ito hindi pa rin ako makahula ng tama sa letseng bunutan na yan.

nakita ko rin ulit ang ninong ko kahapon makalipas ang libo-libong taon. maitim na sya galing kasing saudi..hawig pa rin nya si ogie alcasid. didilihensya na sana ako kahapon kundi lang inatake ng pagkahiya. mas malaki pa ako sa kanya ngyon eh!

bagong taon,bagong buhay. sana bagong hanapbuhay rin. marami akong nakaplano gawin this year na sana eh matupad ko kahit kalahati man lang. new years resolution? di uso sakin yun. wala naman ako bisyo talaga. mahilig lang ako sa laruan..sa kotse..at sa magagandang tanawin. wala naman siguro masama dyan.

…..this year nagbabalik ang no. 1 fan ko. ang mahilig pumuna sa bawat entries ko. ang taong mahilig magpaamin sakin. ang taong tuwang tuwa kapag nalalasing ako. ang aking kumander. gumawa na rin sya ng kanyang sariling blog kaya malamang eh itigil ko na yung sakin. *kapow!

this blog entry has been reviewed by gasti’s regulatory board

Mga Puna»

1. Maldito - Enero 2, 2008

may bagong collectibles naman ako…kanina ko lang binili,.nasa blog na agad..amazing no?wahhaha…..pwed naman mag blog ng sabay ha…!

gasti: hehe! buti ka pa marami pambili ng laruan..sige nga tingnan ko

2. lilmiz - Enero 2, 2008

hahah may regulatory board ka na. magbabago na mga entries mo nyan?! lolz hello kay mrs. gasti *kaway kaway*, mabaet po yan si kuya, takot sayo ahaha

gasti: siguro pg 13 na lang mga posts ko..hehehe! salamat sa pagpapaalala..tingnan na lang natin kung hanggang saan pupwede.šŸ˜€

3. linglingbells - Enero 2, 2008

ako din! biktima din ako ng bunutan na yan nung nasa elementary ako.. nanalo ako jan, one tym lang! hehe.. naku, lagi ng macecensor ang mga entries mo.. tsk tsk!

gasti: mabuti ka pa nga nanalo na eh ako bumibili na lang.

4. jeckyll27 - Enero 3, 2008

haha. gumawa na si kumander mo? si labidabs ko may wordpress na rin. lalong titindi ang restrictions ko sa iba-blog ko. hahaha
aplay na tayo. malaki ang sahod ng giggolo. masaya pa. hehehe

gasti: hehe! uu mas maigi pa mag gigolo kesa ganito.

5. iceyelo - Enero 3, 2008

Haha. ingat na sa posting ng entry, my censorship na ba? hehehe

gasti: uu pre! R-13 na lang siguro magiging posts ko.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: