jump to navigation

objection your honor! Enero 4, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

ang pamilya ay binubuo ng nanay,tatay,anak o mga anak…na kasal sa simbahan. – isang pari

ano daw? tama ba naman yun. so ibig sabihin hindi pala kami pamilyang matatawag. boooo! hindi na ako regular na nagsisimba di tulad dati na sama-sama kaming pumupunta ng simbahan tuwing linggo ng umaga..ewan ko kung ano na ngyari sakin. minsan inaatake lang ng katamaran.

andaming tao. siksikan. samu’t saring ingay ng batang ngumangawa. nagkalat ang mga aspiring starlets. amoy pawis ang paligid. ganito na lang lagi lalo na kapag pasko at bagong taon kung saan nagsisilabasan ang mga kristyanong thrice a year lang kung magsimba. (new year,pasko,pasko ng pagkabuhay.) halos wala ka na maintindihan sa mga misa.

minsan wala ka maintindihan sa sinasabi ng pari. maaaring may diprensya ang sound system ng simbahan o talagang kinakain nya lang yung mga sinasabi nya..kadalasan eh pabulong rin. may mga pagkakataon naman na parang sumisigaw na yung pari..malakas magsermon. gugustuhin mo ng umalis at mag walkout. ngyon lang ako nakaramdam ng ganun. gusto ko makipagtalo sa pari.

kumokonti na lang ba ang koleksyon ng simbahan? kung gusto nyo manghingi, wag sana sa ganyang paraan. maraming nagpapakasal sa huwes dahil mas praktikal ito kesa sa simbahan pero wala naman akong sinasabi na mas ok yung ganun. praktikal lang. pag nagkapera eh di magpakasal ulit.

“hindi dahilan ang walang makain para iwan nyo ang mga anak nyo at magtrabaho sa ibang bansa. Mahal kayo ng Dyos hindi nya kayo gugutumin.” ayoko magmukhang kontrabida rito pero isipin nyo na lang ang magiging reaksyon ng mga batang may OFW na magulang..pinapamukha lang na kawawa sya at dapat na magrebelde dahil hindi tama ang ginagawa ng magulang nya. maraming gutom rito. kelangan kumita..kelangan magsakripisyo. wala naman sigurong mali run.

hindi ako si bro. ely soriano ng “dating daan”. at wala akong balak na magtayo ng sariling relihiyon..kulto pwede pa..marami ng gumawa nun parang frat lang. naalala ko pa yung isang titilating film na napanood ko na pinamagatang “wag kang kikibo, Sya ang hihipo” di ko agad na-gets kung bakit ganun ang title..nang mapanood ko saka ko lang naintindihan..lahat pala ng babaeng members ng kulto na yun eh kinakana nung leader nila na may linya pang ‘wag kang gagalaw, Sya ang nasa ibabaw’..kamusta naman yun? kunyari sinasapian yung leader ng Dyos nilang tinatawag at yun ang sumisiping sa kanila…no-strings-attached. ang ending namatay yung leader at babaeng malibog naman ang namuno. toinks! may part 2? ewan. baka sa susunod na MMFF ipalabas. abangan nyo na lang.

suko na ko. maghahanap na lang ako ng ibang simbahan.

Mga Puna»

1. liedetector - Enero 4, 2008

kelangan mo na pala pakasalan sa simbahan si Mrs. Houtenco… hehehe

gasti: may 100 pesos pa ko dito sa bulsa…hulog ko muna sa alkansya.

2. karmi - Enero 4, 2008

hmmm, mahal nga ang magpakasal sa simbahan. pero wala akong alam tungkol dyan, may nagsabi lang sa akin.

Christian country kasi ang pinas tol kaya rin siguro ginagawang ‘big deal’ ang pagpapakasal sa simbahan.

ako kaya san ikakasal? hmmmm…

OT: oi, lapit na EB natin!! ^_^

gasti: hehe! uu nga eh ganun talaga dito..big deal lalo na sa mga pari. hehe! 2008 na yey! inuman? penge ng memory stick.😀

3. McRey - Enero 4, 2008

Hahaha… san mo napanood yun? sa RECTO? Hahaha.. dami dun, may “Anakan mo ako”, may “Patikim ng Talong”, ang “Upo ni Titoy”, at iba pang mga gulay….

Hay naku, tangnang simbahan talaga… hindi gugutumin? Ano e di sila magpakain sa mga tao… asus…


gasti: hehe! napanood ko yun sa isang sinehan sa loob ng mall nung mga panahong hindi pa ipinagbabawal ang r-18 sa mga sinehan ng SM. si pricilla almeda ang bida saka yung leader si raymond bagatsing.

4. xienahgirl - Enero 4, 2008

naku.
ewan ko lang kung ano sasabihin
ng mga taga ang dating daan
kapag nalaman yan
baka magtago ka ulit
ahaha

espiritwal ako hindi relihiyoso🙂

nung isang araw lang
naisip ko
yung wag kang kikibo
ako ang hihipo na movie
hahaha

gasti: haha! uu nga noh baka yariin ako ng mga members nun lols. napanood mo rin yung movie? box office hit ata yun.

5. karmi - Enero 4, 2008

ot: oo, inuman!! basta ikaw na bahalang komontak sa mga tao dyan.. hehehe..

memory stick?! kala ko ba wala kang PSP? pero cge, bigay ko na rin sau. un na pasalubong ko ha! hehehe..

gasti: to follow na yung psp..hahaha! samahan mo na rin ng chocolates para pampataba. ako na bahala kumontak kay fiesta.

6. repah - Enero 4, 2008

my ganyan nangyayari kya ako namimili ako ng cmbhan kung saan mas peaceful… happy new year..

gasti: uu nga eh madami simbahan na crowded na kaya lilipat na ako. happy new year!

7. FerBert - Enero 4, 2008

sumali ka na lang sa itinayo kong relihiyon. ang FERBERTISMO, hindi mahal ang kasal dun at dahil ikaw ang kauna-unahang magiging member ng itinayo kong relihiyon bibigyan kita ng discount. Basta kelangan mo lang bumili ng mga itininda kong DVD sa quiapo.


gasti: hehe! kauna-unahang member ba ikamo? no thanks… di ako bumibili ng pirata..nanghihiram lang😀 bigyan mo na lang ako ng discount card sa motel ok pa.

8. Maldito - Enero 4, 2008

ngek,,,ganyan talaga ang simbahan…minsan nagiging heretic na ako sa mga teachingsnila…walang applicable na religion saken….may sarili akong relihiyon..kung ano nasa isip ko na tama, yun yun!may diyos naman ako. iisa lang naman ang Diyos natin kaya walang turuan kung ano ang dpat sambahin..ahehe..kasal?indi na uso yun….bleh!….may eb pala?san na invitation card ko?ampootah indi kayu nag iinvite!


gasti: haha! pabor ka rin pala sa live-in😀 hindi malawakang eb yan..classmate ko si karmi nung college..magbabalik pinas lang sya.

9. kengkay - Enero 4, 2008

hmm, ganun na ba ngayon? dito kapag mini mass, may nakalatag na banig sa may tabi ng harapan ng altar, andun mga laruan para sa mga batang hindi maka concentrate sa misa. laru sila dun, at yung mga gustong makisali sa misa, sa mismong altar sila nakalatag, may upuan silang mga kutson. parang asa sala ka lang ba, tapos pa kwento yung tono ng pari, tapos may laro tapos may kantahan tapos mga 25 minutes lang, walang mahabang sermon kasi sa kwento andun na yung sermon. hindi katulad sa atin na halos antukin ka na sa sermon, hindi ba nila naiintindihan na sa haba minsan e nawawalan na ng nakikinig sa kanila? hay….

gasti: uy ayos yan ah! pwede rin bang makihalubilo ang matatanda sa mga bata habang naglalaro sa banig? mukhang mas ok kung ganyan ang pagmimisa.

10. YouAreYou - Enero 4, 2008

ay parang yung simbahan namin dito crowded na tska hindi na maganda yung pagpapatakbo nila, para na kse silang politiko may mga corrupt din na mga pari.. tsk tsk!

gasti: ewan ko ba sa ibang pari nakikihalubilo pa sa usaping pulitika.

11. Kiko Matsing - Enero 5, 2008

Malamang sa susunod hindi na rin magsisimba dun yun mga anak saka kamag-anak ng OFWs. Gawin bang kontrabida?


gasti: uu nga eh! mabuti na lamang at walang nag-react na OFW habang nagsesermon yung pari. baka nagkaron ng pagtatalo.

12. lilmiz - Enero 5, 2008

gusto ko yung pari na nakakatawa pero may mapupulot kang aral sa mga kwento nya. wag yang judgemental at nagdidikta kung ano ang tama o mali heheh. ang twisted naman ng pelikula na napanood mo pero meron ata talagang mga ganyan sumwer, katakot hehe.

gasti: ganun nga rin ang gusto ko eh parang kulitan lang wag naman yung masyado nagmamarunong. hanapin mo sa videp rentals kung meron sila ganung pelikula😀

13. jeckyll27 - Enero 5, 2008

sawa ka na ba? hahaha..marami ring dahilan kung bakit ako umalis sa katoliko. hindi ko alam pero may mga mali talagang hindi pwedeng balewalain. wala namang perpektong simbahan pero naniniwala ako na may perpektong Diyos. at may tamang daan kung paano Siya makita..*hindi ako miyembro ng ADD.*

hahahaha..Saksi ako ni Batman. yebah!


gasti: haha! saksi ni batman..sino leader dyan si greenpinoy?😀

14. wei vines - Enero 5, 2008

yun din sabi samen… na dapat sa simbahan daw kami magpakasal(theology prof palang to) kasi pag sa huwes lang, di pa raw kasal sa diyos..eh sila mommy nga nagpakasal sa huwes lang, pero tumagal.

May ganyan talagang mga pari..kaya ayoko magsimba eh..busog na ko sa sermon ng nanay ko😛


gasti: uu naman..minsan sa nanay pa lang todo sermon na eh! todo promotion talaga ngyon ang mga pari kasi kumokonti na ang nagpapakasal sa simbahan.

15. homebodyhubby - Enero 5, 2008

Alam mo p’re, siguro kung may anak ako, nasa abroad na rin ako at duon nagtratrabaho — paris nung bestfriend ko at 3 brothers ko.

Malabo yung puro faith din lang e. Sabi nga “FAITH without WORKS is dead.” kung susuriin mo, yan din ang sinasabi ng mga matatanda — “Nasa Dyos ang awa, nasa tao ang gawa.”

Personally ako, walang nakikitang mali sa pag-a-abroad — considering the ambience dito sa ‘Pinas. Ibang usapan na yun kung papaano mo gagabayan ang anak mo maski nasa abroad ka, di ba?

Gabayan ka ng Dyos sa paghahanap mo ng bagong ‘simbahan’. 🙂


gasti: yun nga eh nasa paggabay din naman ng magulang yun..syempre gusto lang natin mamuhay ng maayos. wala naman satin ang gustong maghirap.

16. iceyelo - Enero 5, 2008

Hanep yung story line ng pelikula. baka may par 3 pa yan and title, wag ka makialam, kwento ko to. nyahaha


gasti: hehe! ang masaklap nun baka bakla na yung maging leader sa part 3. patay!

17. linglingbells - Enero 5, 2008

hay nakow! kampi ako sayo.. mga magulang ko, sa huwes lang din kasal, pamilya naman kami ah! at ang tatay ko ofw, kung di cia umalis malamang di na kami buong pamilya, malamang nag-asawa ng maaga yung mga kapatid ko, malamang hindi kami nag-aaral ngayon.. ganyan din ako, minsan lang ako magsimba pero yung mga araw na nagsisimba ako, laging nakikipagtalo isip ko sa mga sinasabi ng pari.. gasti, sama ko sa bagong simbahan mo!

gasti: sige magpapatayo na lang ako ng pribadong simbahan..for invited persons only.

18. napunding alitaptap - Enero 7, 2008

hmmm.. a e…

ewan, nationalistic lang siguro ako…

hindi naman kasalanan ang magpaibang bansa pero parang depende nga naman yan sa pagpapalaki ng magulang… ang kadalasan nga kasi nagiging pabaya din ang mga ito kasi hindi nila personal na nakikita ang mga bata… basta, alam mo na kasi to.. hmmm..

sa amin, hindi kami mayaman financially pero rich in spirit kami, kasi iba ring yung natutukan kami ng parents namin… iba kasi ang fulfillment na nararamdaman ng mga batang lumaki sa parents nila comparing sa hindi…

pero hindi kasalanan yun… syempre, minsan exag kasi ang mga pari.. syempre moment nila yun.. bida!!

pero ulit, kelangan din natin ng relihiyon.. hindi enough yun faith lan, nawawala kasi yan kapag walang nagpu-push… ikaw, kung feeling mo enough na yung naestablish mong faith, pwede na siguro..kung hindi, hehe, SEEK… and you shall find..ü

ako, basta, sa Pinas lang ako, pagbubutihin ko nalang ang pagtatrabaho ko pagdating ng panahon…ü


gasti: dama ko ang pagiging nationalistic mo. hanga ako sa paniniwala at sa pananalig mo. mukhang maayos ang pagpapalaki sayo ng magulang mo..maswerte ka! basta ako lilipat lang naman ako ng simbahan para ibang pari naman pakikinggan ko.

19. Osang29 - Enero 20, 2009

Peace be with you!!🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: