jump to navigation

fairness Enero 8, 2008

Posted by gasti in kwentong pasahero.
trackback

hindi patas ang laban. kapag nakisakay ka sa pampublikong sasakyan pati ugali ng driver kelangan mo rin sakyan. hawak nila ang buhay mo.

dito samin. pag sasakay ka,kelangan mo muna pumila. may taga ayos ng mga sumasakay parang “barker”. ang mga malalayo ang binababaan, yun ang uupo sa bandang likuran. fair enough. para walang abala sa byahe..mabilis makakababa ang mas malapit ang pupuntahan. pero fix rate. 40 pesos.

habang naglalakad ako palapit sa sakayan ay napansin kong may 5 taong nakapila na..isang balyenang sinuutan ng damit pang opisina, isang binatilyong nakasalamin na tila aatend ng isang binyagan,may isang dalaginding na mukhang kakatapos lang makipag break sa bf, isang ginang na mukhang maysakit at magpapaconfine sa medical city at isang maputing binibini na mukhang humakot ng awards sa isang beauty contest. nag aabang dahil ayaw nila umupo sa bandang likod at nag aantay ng tawag ni banker este barker.. dahil sa tagal ko ng sumasakay sa shuttle na yun eh halos kabisado ko na ang hilatsa ng mukha ng mga pasahero. pati na rin kung mas mauuna ba sila bumaba kesa sakin. (mas madali ko matandaan ang mukha kesa sa mga pangalan).

pagdating ko sa pilahan, sakto umabot pa ko..isa na lang kelangan. nagsimula ang tanungan session..”san ka bababa?” tanong ng barker. pagkasabi kong “sa may overpass” ay agad akong pinapasok at dun naupo sa likuran. .tinanong din ang maputing binibini pero hindi pa man din sya nakakasagot ay biglang umepal yung driver..”dun mo paupuin yan sa frontline”. anakngtinapa! may nalalaman pang frontline ang kumag eh ibig sabihin lang naman nun eh itabi sa kanya…kilalang malibog ang driver. I should know. malibog din ako. joke! everybody knows what he did last summer..lahat ng maganda/may itsurang pasahero ay nirereserba nya sa 2 bakanteng upuan sa harap..isang sweet driver na isa ring matulis na pulis. sya rin ang nagmamay ari ng sasakyan na minamaneho nya kaya maangas ang dating nya. ekshelly hindi lang naman sya ang gumagawa ng ganyan..lahat ng driver dun. pero sya ang pinakagarapal dahil nakikialam talaga sya sa barker at pag minalas malas pa ko na naupo sa bandang likuran nya eh maririnig ko ang mga damoves ng luko-luko.

akala ko ba gusto ng mga babae maging patas. maging pantay ang pagtingin sa babae at lalaki..pero kung papansinin mo, mas maraming benefits ang mga babae lalo na kung maganda ka at sexy. plus points talaga yun kahit sa trabaho. maraming malilibog na employer ang nagkalat ngyon. less priority na ang mga may bayag. hindi na ako magtataka kung balang araw eh lahat ng posisyon sa opisina ay okupado na ng mga kababaihan at ang natitira na lamang trabaho para sa mga lalaki ay pang construction at driver.

Mga Puna»

1. chillidobo - Enero 8, 2008

binyagan na tong post na to!!! o-ha..sana ang nauna dito eh yung may balls…. eh-men tu dat kapatid. pero buti na lang at sa jeepney eh bihirang may ganyan lalo pag hindi ka sa terminal sumakay..medyo patas ang laban.. mas maige nga kung yung katabi ko eh magandang dilag at yung sa driver eh isang babaeng balbas-sarado (hunk na bading) tiyak nagmamadali na syang maibaba yun kung saan man sya dapat ilagpak este..ilapag

gasti: congrats! ikaw ang nakauna sa post na to. (check lang muna natin ang balls mo iho!) ayun nga..dapat talaga yung mga pasaway na mamang pawisin na mahilig bumukaka ang paupuin sa tabi ng driver.

2. KC - Enero 8, 2008

Hi Gasti! Na-miss ko ang mga post mo kaya nakibasa muna ako sa mga di ko pa nababasa.

Naku katakot naman matabi dun sa Don Facundo na driver. Baka pagbaba mo, di ka na virgin.

Nabanggit mo nga lang naman na ang mga babaeng magaganda at sexy ay madaling ma-hire, makapagpa-sked nga kay Dra. Belo ng lipo para magkatrabaho na ako. Haha!

Happy New Year! =)


gasti: hehe! welcome back kc! happy new year!😀 malay mo naman ngyong taon makapag work ka na rin.

3. icka - Enero 8, 2008

ang bitter mo naman. di lang pinaupo sa tabi mo yung sexy eh nagwawala ka na dyan. haha.


gasti: napaghandaan ko na ang mga ganitong klase ng comment sa post na to…hehe! hindi ako bitter! hmp! uy icka ngyon lang ulit kita nakita rito sa blog ko.

4. Maldito - Enero 8, 2008

well…thats life….pero mas asteeg parin kung lalaki ka…with great balls comes great responsibility….depende na yan cguro sa tao…di ba?kung magpapatalo ka or indi….basta akin idol ko si utada hikaru…bagong GF ko..lols


gasti: hehe! syempre naman..mas gusto ko pa din maging lalaki. hindi yata marunong magpatalo to! itayo ang bandera ng mga kalalakihan!! Spartans!!! what is your profession?

5. YouAreYou - Enero 8, 2008

relaks…! sa susunod ikaw naman ang tumabi kay mamang drayber ha? lolz!😀 ay mali mali hindi pala yun yung gusto mo… gusto mo pala makatabi yung eb babes na sexy na pang bb. pilipinas ang beauty hehe!😀


gasti: huy di ko gusto makatabi ang mga driver pati na rin ang chiching na ganun dahil tukso yun..potek! mayayari na naman ako neto. gusto ko lang patas ang pagpili ng uupuan.

6. karmi - Enero 8, 2008

hahaah. naalala ko tuloy nung college days. sa mga patok, basta magaganda o kilala ng driver, sa unahan sila pinapaupo tapos sa loob naman sisiksik ung alalay ng driver/barker.. those were the days! ^_^

sus, pustahan tau, kung ikaw ung driver, dun mo rin sya pauupuin sa tabi mo. hahaha.. pis!


gasti: haha! uu sa patok kadalasan ganyan..marami rin naman kasing malalanding girls na sumisiksik sa ganun eh! kung ako ang driver ang uupo sa tabi ko ay first come first serve..basta ba wag lang baklang malandi at obese.

7. kengkay - Enero 8, 2008

ahahaha, basta driver sweetik lover, di ba

gasti: basta driver, maginoong bastos na lang.

8. lilmiz - Enero 9, 2008

kasalanan ba ng babae kung maganda at sexy sya? ahehe. nangyayari din naman to sa mga lalake eh. pag maghihire ng tao sa team namin, lagi ko iniinsist na gwapo kunin nila. pero syempre di ako nasusunod bwahaha. nakaka-inspire kasi pag may nakikita kang gwapo haha. joke lang🙂 tama ka, dapat fair sana ang treatment sa lahat wahehe.

gasti: mas pinapaboran pa rin ang magaganda at sexy dahil kadalasan barako ang mga bossing.

9. antuken - Enero 9, 2008

you think it’s fair tumabi sa manyaking driver? eewww…. hahaha

gasti: haha! wala akong sinabing gusto ng girls tumabi sa manyaking driver.

10. linglingbells - Enero 11, 2008

hindi fair yun para dun sa magandang babae na yun, kadiri naman na tumabi sa manyakis na driver.. never naman talagang magiging fair ang buhay eh! hehe

gasti: kadalasan pinag aagawan ang pwesto sa unahan dahil yun lang ang hindi masikip tapos nakatutok pa sayo yung aircon. walang patas sa mundong ito.

11. kHrisTy - Hulyo 18, 2009

ang gALiNg mUh nMN…cOngRatz…..

gasti: san naman ako magaling? hmm…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: