jump to navigation

balat kalabaw Enero 9, 2008

Posted by gasti in kwentong pasahero, muni-muni moments.
trackback

ito ang tawag sa mga taong hindi nakakaramdam ng lamig. makapal ang balat. based on scientific study (kuno) walang pakiramdam ang kalabaw..in short, manhid. kaya kahit anong ipagawa mo sa kanya uunga lang sya ng uunga. walang pagbabago sa facial reaction.

mas makapal ba ang balat ng babae kesa sa lalaki? ewan. pero bakit tuwing umaga na lang all season long..lalo na ngyong panahon na malamig ang simoy ng hangin sa umaga ay nagkalat ang mga babaeng nakaluwa ang mga legs at naka sleeveless pa. liliwanagin ko lang. wala ako sinasabing itago nyo..ok na yang ganyan. keep up the good work. nahihiwagaan lang ako dahil parang niyayakap ko na yung sarili ko kanina sa loob ng jeep sa sobrang lamig tapos pag lumingon ako sa paligid ko, puro tukso!. anong meron?

kapag ganitong panahon feeling ko lalong numinipis ang mga t-shirt na suot ko. automatic rin na bumabakat ang utong ko kasabay na rin ng pag umbok ni manoy. change is inevitable. gaya na lang ng pagtigas ng pututuy pagkagising sa umaga. wag nyo na itanong sakin kung bakit ganun dahil di ko rin alam ang sagot. pero kahit ganun, gusto ko pa rin ang klimang ito. hindi ka masyado pagpapawisan at mabango ang kapaligiran.

hindi ako mahilig sa kape. pero nakakaengganyo talaga uminom nito lalo na sa panahon ngyon. masarap magpainit. di ko lang alam kung double meaning ang linya ni toni gonzaga sa commercial ng nescafe “tara guys painit muna kayo!”. isang babae nagyaya magpainit. parang bastos. o baka ako lang nakaisip nun. meron ding isa pa kung saan parang adik na adik sa kape ang magagandang chiching..pinalibutan nila ang isang lalaki na may hawak na isang tasa ng kape.( instant chic magnet) nagsimulang maghubad si lalaki at binuhos sa katawan nya ang mainit na kape..ouch!. sinunggaban ng mga babae ang umaagos na kape sa katawan ni lalaki..sinibasib nila ng halik ang katawan nito hanggang sa masaid ang huling patak ng kape…sa di kalayuan, namataan ang isang 75 yrs old lolo na naka-wheelchair ang himalang tumayo sa kinauupuan nito at papunta na rin sa pantry para magtimpla ng kape.

sa tantya ko..humihina ang tolerance sa lamig ng mga babae kapag kasama nila ang bf/asawa nila. madalas mong mapansin yan sa mga sinehan dahil marami ang naglilingkisan dun. pagminsan puro kwentuhan lang yung palabas, nililibang ko na lang ang sarili ko panoorin ang mga mag sing irog na nagpapainit sa mga sulok ng sinehan. nakakawala ng stress.

Mga Puna»

1. Maldito - Enero 9, 2008

yan pala comfort zone mo?sinehan?lols….may fur coat ako..gusto mong hiramin?ahhehee..ako naka tektek fan pa if matulog….ewan naiinitan kasi ako eh….cguraduhin lang ka aya aya ang sumusuot ng mga ganun..if indi..pohtek….sira na talaga ang kalikasan.


gasti: ako rin naka elec. fan pag matulog eh pambugaw ng masamang isipiritu. naka fur coat ka pa? totyal! lols! ayoko nyan sumusuporta ako sa PETA eh malapit na nga rin ako mag pose ng hubad na tanging upo lang ang nakatakip.

2. xienahgirl - Enero 9, 2008

hahay
magpainit ka muna kasi๐Ÿ™‚

lamigin akong bata
ewan ko lang sa iba

gasti: kelangan ko na talaga magpainit…nilalamig na naman ako dito sa ofis.

3. YouAreYou - Enero 9, 2008

hehe!๐Ÿ˜€ pati yung commercial ng nescafe ginawa mong xxx ang dating.. lolz!๐Ÿ˜€ Yun din ang pinagtataka ko bakit nakakayanan nilang lumabas na maiksi ang damit kahit parang nagyeyelo na ang panahon… uhmmm… ah lam ko na siguro di sila nakapaglaba ng damit kaya wala na silang maisuot.. hehe!๐Ÿ˜€

gasti: tantya ko kaya nila ginagawa yun para makatulong sa guys na giniginaw..how thoughtful..how goldilocks naman.

4. lilmiz - Enero 9, 2008

hahah oo nga normal ba yun sa mga lalaki na pagkagising ay alive na yung ano lolz. parang flag ceremony hahah. inde ko rin alam bakit kaya ng ibang babae ang mag sleeveless/backless/topless (meron ba nito hehe) kahit maginaw, talent ata yan.


gasti: normal yun flag ceremony tuwing umaga ng mga lalaki lalo na kung bata pa. sa mga girls na maraming nakalitaw sa katawan kahit malamig, mapagbigay siguro sila. sadyang mapang akit..lols!

5. karmi - Enero 9, 2008

baka naman may sakit ka kaya ka nilalamig.๐Ÿ˜› hehehe.

tambayan nyo na talaga ni fiesta ang sinehan eh.. sus. ugali. hahaha.. joke.

di rin ako nagkakape. at ayokong magsleeveless kapag malamig ang panahon. mahirap nang magkasakit! ^_^

gasti: hehe! dati yun. ngyon madalang na ko makapanood ng sine.

6. wei vines - Enero 9, 2008

ahhh ako din..nagtataka.. kung bakit ang lamig lamig na nga school, mas trip nilang hindi mag blazer…galing noh?

pero ayos lang… pag nagddrawing kasi, di nila napapansin–nangaakit na pala sila๐Ÿ˜€

gasti: mamboboso! lols. yaan mo na sila sa trip nila mukhang nag eenjoy ka naman eh!

7. camille - Enero 10, 2008

nde pala ako balat kalabaw. kasi ‘kope adik’ ako eh! nyehehe.

centralized kasi daw yung A/C ng mga mobihaus kaya ganun kalamig.

pero bakit kaya pag sa labas na tas ganun pa din kalamig, bat inde naglilingkisan ang mga tao?๐Ÿ™„

a, basta, kope adik ako๐Ÿ˜‰

gasti: syempre kahit nilalamig ka na hindi naman nawawala ang hiya mo.๐Ÿ˜€ wag masyado sa kape nakakanerbyos yan.

8. jeckyll27 - Enero 10, 2008

wangbu ka, isa ka pala sa mga nanood ng mga lovers na naglalaplapan sa sinehan. pano na lang ang privacy nila? wala kang kasing….
ayos sa plot ng kape ah. pwedeng xerex style na commercial. subukan mong mag-aplay sa advertising company, malay mo andun ang swerte mo. hehehe.. (sa tabloid na lang)

gasti: siguro ginawa mo na yun sa sinehan noh? hehe! kung gusto nila ng privacy dun sila sa kwarto! wag sa pampublikong lugar demet! sige try ko mag apply sa Abante.

9. ice - Enero 11, 2008

sobrang lamig talaga now sa umaga pero pagdating naman sa tanghali ang init na, sanayan lang naman ang pagsusuot ng sleeveless at mga plunging neckline, sanay lang siguro sila.


gasti: ibig sabihin mas makapal balat nila.๐Ÿ˜€

10. linglingbells - Enero 11, 2008

sa totoo lang, nilalamig yung mga babaeng yun, di lang pinapahalata.. tinitiis nila yun para sa ikagaganda ng kanilang hitsura!๐Ÿ™‚

gasti: ibig sabihin nakakaganda talaga pag maraming nakalitaw? kung maganda ka,maganda ka talaga kahit hindi ka nakasuot pang-burles.

11. sugar - Enero 12, 2008

hindi naman sa makapal ang balat marunong lang kasi kmeng mag project. hehehehehe kaya kahit medyo nilalamig na carry pa din.

gasti: aha! mukhang isa ka sa mga nakitaan este nakikita ko.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: