jump to navigation

laman loob (bag tag). Enero 11, 2008

Posted by gasti in pass muna.
trackback

ang tag na ito ay napaglumaan na ng panahon. huling check ko dec. 24 pa pala ako tinag ni jovi (may kasama pang greetings) kaya eto na..pasisilipin ko na kayo sa bag kong mahigit 2 taon ng hindi nalalabhan.presenting…

hawk bag isang lumang black na hawk bag. eto rin yung bag na walang awang pinagsamantalahan ng mandurukot kung saan nakuhaan ako ng laruan. (extra lang yung inuman ko ng tubig. walang lamang kape yan.) nilagyan ko na rin ng pikachu at isang porsche carrera gt model car para karagdagang atraksyon..

pika-porsche

nakapatong talaga yang dalawa na yan sa ibabaw ng monitor ko dahil lahat kami rito ay may kanya kanyang dekorasyon. eto talaga yung action figure ko ..lols!

buksan naman natin ang bag. tungkol naman talaga dito yung tag eh! kung anong laman. check it out!😀

inside 1inside 2
left picture:
  • time zone tickets – may pinag iipunan akong stuff toy para ipampalit sa mga yan.
  • lighter – hindi ako nagyoyosi. bakit pangyosi lang ba ang lighter? napulot ko lang yan.
  • 2 ballpens (blue and black) – kita nyo naman punumpuno pa kasi 1 beses ko pa lang nagagamit..nung nagsulat ako sa xmas card.
  • 1 worlds of fun coin – gusto ko lang meron ako isang piraso..di ko gagamitin.
  • isang maliit na screwdriver na nakasupot (giveaway kuno ng nagbenta ng salamin) – isang walang kwentang give away.
  • susi ng office (w/ keychain from baguio) – galing kay chillidobo yung keychain nung namundok sya. minsan ko ng naiwan sa loob ng office yang susi na yan (2 lang ang merong susi noon)kaya 3 oras kami nakatambay sa labas ng mga opismates ko.
  • mr. bean keychain na pinalilibutan ng maraming susi sa bahay at gate. – gaya ng sabi ni joncabron..simbolo ng pagkalalake ang key chain ni mr. bean. umangal bading.

right picture:

  • siraing payong – balak ko ng idispatya yan kapag nakabili ako ng bago.
  • lunch box – dahil sa nagtitipid ako kaya meron ako nyan. ginto ang mga bilihin sa building na ito.
  • eyeglasses – gaya nga ni chillidobo, pareho kaming kumuha ng eyeglass na yan sa hindi malamang kadahilanan. naniniwala na ako sa hipnotismo.
  • company id (sadyang binaligtad para hindi kita ang 1×1 pic) – props lang yan. pormalidad pero hindi naman chine-check ng guard.
  • samut saring cd’s – may movies,pics,at music. andyan na lahat ng hinahanap nyo. lols!
end of the tour. ngyon kapag nakakita kayo ng lalaking may nakasukbit na backback na yan sa likuran, mabilis maglakad at gumagala sa loob ng megamall. kalabitin nyo sya tapos ilibre nyo na rin ng maiinom. ok thanks!🙂

Mga Puna»

1. homebodyhubby - Enero 11, 2008

tagal ko hindi nasilip dito sa blog mo, andami mo na pala naipost.
pagpunta ko, loob pa ng bag mo ang masisilip ko hahaha.
ang cute naman ng mga raruan mo.

e p’re, wala bang iba na may ganyang bag den sa megamall? kelangan siguro silipin ko muna ang laman ng bag mo bago kita kalabitin at painumin?
hamo apply akong security guard sa megamall. (joke)

gasti: long time no see pards..sige kapag may nangalabit sakin, ipapasilip ko na rin yung bag ko. basta walang tutukan ng balisong😀

2. YouAreYou - Enero 11, 2008

nakita ko si pikachu hehe! kuya may sasabihin ako sayo… uhmmm puwede arbor? ayaw mo? ok lang. hehe!😀 pag nakita kita kakalabitin lang kita di kita ililibre.. hehe!😀

gasti: gusto mo si pikachu? ok. i-copy mo na lang yung pic.🙂 kalabit lang ha! walang bukasan ng bag.

3. camilleeee - Enero 11, 2008

oi, ganda ng bag mo gasti. peborit ko mga bakpaks. mas madami ka mailalagay.

pag makagala ka sa mga mall dto cebu, kalabitin mko ha.😀

gasti: hehe! anlayo namang mall nyan. di pa ako nakatuntong ng cebu.

4. jeckyll27 - Enero 11, 2008

hahaha..pag nakita kita sa gamol, kakalabitin kita ng balisong, sabay sabi ng holdap ‘to! akin na yung lighter mo! LOL

mas maganda pa rin yung bag ni chillidobo! hahahaha


gasti: haha! contest ba to? talo nga ako kasi luma na yung sakin…nga pala meron din pala akong reticulated phyton sa loob ng bag ko for protection. *edited na yung name tol…haha!

5. alphasensei - Enero 11, 2008

mr. bean keychain na pinalilibutan ng maraming susi sa bahay at gate. – gaya ng sabi ni joncabron..simbolo ng pagkalalake ang key chain ni mr. bean. umangal bading. ——>
hahahaha :p

6. jojie - Enero 11, 2008

naghahanap ako ng fink na bagay. wala. *layas*

gasti: yun ay sa kadahilanang wala akong hilig sa mga bagay na kulay pink…pero gusto kong nakakakita ng kulay pink na…*nevermind

7. Maldito - Enero 11, 2008

hehe…ganda ni picachu..bagay na bagay yan sa cabinet ko bossing…tingin mo?….hmmmm…pati ang ferrari…hmm..tingin mo din?ahahhahaa

gasti: mas bagay yan sa soon-to-be-istante ko. saka hindi ferrari yan kundi porsche😀 lols

8. lie detector - Enero 12, 2008

hanngang ngayon nasa bag mo pa yan timezone tickets!

Pag-punta natin mall ipapalit na natin yan…


gasti: hindi pa sapat para makuha yung stuff toy eh! matagal na kasi tayo hindi nakalaro.

9. lie detector - Enero 12, 2008

btw, may dagdag na yan laman ng bag mo pagdating ko sa sunday…ang pinakaaasam mo… AKO! hahahaha

gasti: ano ba talagang ginawa nyo sa malaysia at magkakasya ka na sa loob ng bag ko? hehe!

10. FerBert - Enero 12, 2008

Wala akong nakitang condom…
walang proteksyon.. tsk tsk tsk
haha

gasti: ayaw ko nun. hindi masarap..pero balak ko bumili at mag istak sa bag ko para gawing palamuti.

11. lilmiz - Enero 13, 2008

ganda ng lalagyan ng tubig..istarbaks! ahehe lagi ka pala sa mega kuya? ako din dati pero kakasawa na. dami kasing tao lagi, nakisali ka pa hehe😛


gasti: di kasi ako mahilig sa kape kaya tubig na lang. kaunti pa lang ang tao pag pumupunta ako dun..maaga uwian ko eh saka kahit lagi ako dun hindi ko pa rin makabisado yung lugar.

12. homebodyhubby - Enero 13, 2008

ay, pareng gasti… buti nabanggit mo yang balisong! 😯

nung kabataan ko nasubukan ko nang magdala nyan sa loob ng ISETANN dept store sa Quiapo. maliit lang naman, mga 3.5 inches ang blade, utility knife ko lang. nakapkapan ako ng sikyu, dinala ako dun sa isang sulok at tagong barracks nila. anlalaking mama, buti na lang walang bakla. kinuwestiyon ako. marami pala kasing mga warfreaks na pumapasok duon (Quiapo ba naman) na nahuhulihan nila ng mga belt buckle-knives, brass knuckles, paltik, at kung anu-ano pa.
wala namang masamang nangyari. nung makita yung ID ko at napatunayang “matino” 😆 naman ako, pinakawalan din ako pero hindi na ibinalik yung balisong ko.
hehehe… alam ko naman ibebenta lang nila uli yun sa iba. eniway, napulot ko lang naman yung balisong. at kasalanan ko rin naman kasi hindi ko napansin yung nakapaskel sa entrance door ng ISETANN.

simula nun hindi nako nagdala ng utility knife at balisong, lapis na lang. kaya lapis lang (nakaharap yung eraser) ang ipangkakalabit ko sayo (joke).

gasti: hehe! kahit saan naman na mall bawal yang mga matutulis eh lalo na dyan sa Quiapo na madaming halang ang kaluluwa. next time kung magdadala ka ng balisong..isiksik mo sa may medyas.

13. Jovi - Enero 13, 2008

Thanks for doing this tag, Gasti… E okay pa naman pala yang bag mo…😀

gasti: walang anuman jovi😀 ok nga luma lang.

14. repah - Enero 14, 2008

naku nakakakita na ako nyan… syang di kita nkalabet kso hindi sa megamol… sa my monumento… bka isa k s knila kc my pikchu rin xang tinda… hehehe.. joke lng… galing mo ah.. nadadala mo lhat yan..

gasti: haha! hindi ako nagbebenta ng pikachu..at hindi ko rin dala yan sa loob ng bag ko😀

15. chillidobo - Enero 14, 2008

HUWATTT!!!!!! — yan ang reaksyon ko hahaha

sige,sige…kunwari hindi ko araw-araw nakikita yang mga yan….

gasti: aha! sinasabi ko na nga ba..binubuksan mo ang bag ko pag wala ako noh? sige kunyari hindi tayo magkatabi sa ofis.

16. koreanmine - Enero 18, 2008

huwaw, gulay ang baon😀 saka nakakatuwa yung lalaking may dalang payong😀

Baon at Payong ! wow, meaning eh napaka praktikal mong lalaki😀 d kind dat u bring home to mommy😀 Lols😆


gasti: may kaibigan ako ang payong na dinadala nung hayskul kami eh yung malaki na de-pindot. marami rin ang natutuwang mang asar. lols!
hmmm..praktikal? parang bata lang eh noh.😉


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: