jump to navigation

blessings Enero 14, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

“for us it’s a blessing”. hindi ako ang nagsabi nyan. si patrick garcia ng mabuntis nya si jennylyn. ganun talaga! matuto kang manindigan…kelangan mo ipamukha sa ibang tao na hindi isang pagkakamali ang ngyari. walang pinagkaiba sa sagot ng isang basurero na may sampung anak at nakabuntis pa sa asawa nya…iniisip ko tuloy kung epektibo ba talaga ang binebentang pamparegla sa Quiapo…wala naman kasing lumalabas na nagpapatotoo. wala lang naisip ko lang.

gusto ko lang magpasalamat. sa mga bloggers na patuloy na sumusuporta sakin…sa mga nag iiwan ng komento sa bawat posts na pina-publish ko rito sa wordpress, sa mga napatawa ko at bumoto sakin sa pa-contest ni badoodles..salamat! pinatutunayan nyo lang na interesado rin kayo sa premyo. may the luckiest blogger win.

wala naman talaga sakin yang ranking na yan. ang importante eh yung kaakibat nitong prices…uu target ko talaga yang 15,000 pesoses na yan..hehe! wala na akong paki dun sa n70 at sony cybershot..pero ayokong umasa dahil lagi naman akong sawi sa mga pacontest..naalala ko tuloy yung kasabihang “don’t count the chiching until it’s yours”. meron na rin akong sinalihan dati na pacontest ng isang blogger na may premyong 100 dollars..potek! sa kasawiampalad di ako nabunot sa pa-raffle. wala talaga akong swerte sa ganyan. pero syempre life must go on..nararamdaman kong may blogger na biglang susulpot at gagawa ng isa pang pacontest na may papremyong action figure..patok na patok yan saming mga kids.😀

salamat rin sa mga kaibigan ko at hanggang sa ngyon ay tinatago nila ang identity ko. tunay na mapagkakatiwalaan. marunong magtago ng dapat itago..marunong matakot. maraming nakahandang palusot.

sa wakas natapos na rin ang paghihintay ko. ang pagbabalik ni mrs. gasti houtenco. ang pasalubong nyang sandamukal na chocolates at higit sa lahat ang pinakaaasam asam kong chiching este psp slim. hoooray! mabuhay! may bago na naman akong kaaadikan. mababawasan na naman ang oras ng pagtulog ko. toinks!

syempre hindi ko maaaring kalimutan si Lord..maraming salamat pards! magbabalik loob na ulit ako sa simbahan..hindi yung sa dati na may pasaway na pari. sa iba na lang po.

nga pala, sa pagkakaalam ko eh marunong nako magdrive. gaya nga ng sinabi ni kumander kahapon after ko magdrive..hindi na gaya ng dati na sumasakit ang ulo nya dahil sa stress kapag nagda-drive ako. maliban sa pagkakasagi (ng kaunti lang naman) sa may bandang harapan nung naglalaro ako ng parking perfection, masasabi kong naging maingat naman akong driver. pasensya na lang pala dun sa isang estrangherong nakasakay sa motor na angkas ang mag anak nya na muntikan ko ng mabangga..hindi ko kayo nakita! tanga ka kasi bigla ka na lang sumusulpot. mag ingat ka naman! naka helmet ka nga pero yung anak saka asawa mo wala naman..anong silbi nun? mag isip ka nga.

Mga Puna»

1. lilmiz - Enero 14, 2008

ako din gusto ko talaga yung 15k cash hahah haayz sana ako manalo😛 buti ka pa kuya may psp slim, sarap naman nyan, mahal ka nga talaga ni mrs gasti yihee😀 mukhang hindi mo mauubos yun tsokoleyts ah, hmm ahehehe

gasti: haha! agawan na talaga to sa prizes. sige na lilmiz babahaginan na kita ng tsokoleyts ko.

2. xienahgirl - Enero 14, 2008

pareho tayo
yung cash lang din
ang habol ko sa PLLP
balewala ang rankings
ang hirap ng labanan e🙂


gasti: hehe! mukhang pera na ba? close fight naman ang labanan eh madami kasing nakakatawang blogs.

3. YouAreYou - Enero 14, 2008

Congrats kuya! Dahil nakasama ka sa Contest at dahil may PSP Slim ka na.😀 Naks namen! hehe! isa ka sa mga asteeeg na bloggers para sakin..😀 simple lang ang mga post pero astig, seryoso pero may humor pa din.. Cheers to you kuya!😀

gasti: thanks naman..hehe! cheers for long life!🙂

4. linglingbells - Enero 14, 2008

buti naman at anjan na si misis, may pasalubong pa! hehe.. hay naku, kainis talaga yung mga ganung nagddrive ng motor, lahat ata ng kamag-anak eh gustong i-sakay.. uy kuya gasti, sang simbahan ka na magsisimba?? sama ako..

gasti: uu nga eh delikado talaga yung maraming angkas sa motor. dun sa simbahang ginagawa naming playground nung mga bata pa kami. sa “Our lady of the Abandoned Church”. tara! let’s play este pray.

5. napundingalitaptap - Enero 14, 2008

ahehe… badtreeeep, akala ko naman kung sinong moderator.. meron kasi akong friend na moderator ng isang katsorbahan sa blog, akala ko kasapi ka sa isang tsorba kaya may moderator…

uh, misis mo pala, how estchupid ko naman.. ahaha, natawa nalang ako sa sarili ko dahil sa ka-OAyan ng reaksyon ko…

di bale, it pushed me to write something naman… ahaha, at least may napatunguhan ang malawak na kaisipan ko… toink! ahehe…

pwede mo pa akong batiin..ü kaarawan ko nun sabado..ü

di ko pa nababasa tong blog mo, i will.. when i have the time to..ü uki!

sige kuya.. Gb po..

fly fly!ü

gasti: hehe! oks lang yun…ayoko sumapi sa mga site na may moderator..nakakapikon sila..daming kj. belated happy birthday!:D sige punta ko mamaya sa blog mo.

6. wei vines - Enero 14, 2008

wow! its a good start: being happy with your life😀

hehe, natuwa nga ko nandun ka din sa ranking eh. Akalain mo, yung nag comment saken dati eh isa palang sikat?? waaa~ sensya na, bagong blogger lang ako ^^

naks.. may psp slim na..peram! (haha!)


gasti: haha! di naman ako sikat..lahat naman dumadaan sa pagiging beginner eh oks lang yan pards..balang araw matutupad ang lahat ng mga pangarap mo pag naging presidente si prospero pichay.

7. camilleeee - Enero 15, 2008

marunong kna ngang magdrive😀

uy, congrats ha..pasok ka sa listahan ni kuya badudels. pag nanalo ka, bili mo kami helmet ha. este, pansit. (pa long layp daw yun)

saka welkam kay mrs. gasti. halu, halu sa iyo! (kaway kaway)


gasti: sige ba! pero ayoko muna isipin yan dahil baka maunsyami na naman…saka matagal pa yun.😀

8. Maldito - Enero 15, 2008

welcome bossing..aahhaa…feelers din ako no?lols…..oi..pa share ng psp slim mo….cge na..one week!lols


gasti: hehe! saka ka na manghiram pag sawa nako. mga 2 years from now. lols

9. jeckyll27 - Enero 15, 2008

malay mo parekoy, mapanalunan mo yung 15k. bilog ang mundo, pasasaan ba’t uulanin ka rin ng papremyo. sana magkaroon din ng contest ng chickababes dito sa WP no? ang saya nun. hahaha
may psp slim ka na? magandang laruin yan habang nag-dadrive ka, sanay ka naman sa multi-tasking eh.


gasti: hehe! posible siguro mangyari yan ngyong nalalapit na ang araw ng mga puso…pero malamang hindi ako makasali.😀
alamo bang kaya ko ring magdrive habang nag-*nevermind.

10. MARU - Enero 15, 2008

inaamin ko yung ranking ang habol ko at hindi yung frices. marami na kasi akong salapi! jokeeeee!

hays…isipin na lang natin yung dulot na “tuwa” sa pakontest ni badoods at wag na yung ranking at frices. basta ako, yung may nagbabasa o bumibisita lang ng blog ko ay ok na ako. o di ba, ang PLASTIK ko! kaya nyo yun?

gasti: haha! ayos ka talaga mare! marami kang napapasaya sa blog mo.

11. Geisha - Enero 15, 2008

hmmm at dahil talaga namang nakakatawa ang blog mo, maghintay ka’t gagawa ako ng bonggang-bonggang nominasyon!🙂

gasti: oist anong klase kayang nominasyon yan? wag lang sa mga bikini contest at paniguradong pupulutin ako sa kangkungan.

12. Geisha - Enero 15, 2008

ei almost fohgot! i’ll add you na rin to my blogroll🙂

gasti: hehe! thanks😀

13. jojie - Enero 15, 2008

kaya nga din ako sumali dahil sa frizes! mabuhay ang papremyo!

gasti: mabuhay ang prizes! yeheey!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: