jump to navigation

meeting season Enero 16, 2008

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments.
trackback

bihira ang ganitong pagkakataon. biglaan. isang pagpupulong kasama ang lahat ng empleyado sa kumpanyang pinagsisilbihan ko ngyon. hindi ko na maalala kung kelan huling ngyari ang ganito..or kung may ngyari ba talagang ganitong klase ng pagpupulong noon. hindi ko na maalala. basta bangag ako. gusto ko ng umuwi!

hindi naman sa kinakabahan ako tuwing may meeting..sa totoo lang, mas kinakabahan pa ako kapag nakikipag usap sa crush ko noon, kapag nakakakita ng yumuyukong chiching sa harapan ko, kapag nanonood ng titilating films, kapag nangongopya sa klase at kapag kinokompronta ako ng misis ko. di katulad ng mga nabanggit kong sitwasyon kung saan buhay na buhay ang mga dugo ko…marinig ko pa lang ang salitang meeting eh inaantok na ako. boring. late pa ako makakauwi.

alas kwatro ang uwian ko. isang oras ako pinag antay bago dumating si boss. may dalang isang bilao (singlaki ng pinggan) ng pancit malabon para siguro pampagana. nung makita ko yun eh lalo akong nawalan ng gana makinig..gusto ko na lang kumain. bahala na kayo dyan. sinimulan na naming lantakan yung pancit nang biglang maglitanya na si boss ng kung anong status ng kompanya. ng mga proposals nya para mapaunlad pa ito. ok naman…ang pancit. pwede na pantawid gutom.

pagkatapos ng introduction, inisa isa na kami. “give me an update of what are your workload right now.” something like that..inaasahan ko na yun. marami na akong nakahandang sagot gaya ng pag-YM sa mga friends, pag surf sa internet, pag-friendster, pagdownload ng music, panonood ng video sa youtube, pagminsan eh naglalaro rin ako ng super mario,contra,ice climber, battle city..lagi na rin po akong nag update sa blog ko..tinutulungan ko rin po ang mga kasama ko rito lalo na si chillidobo tungkol sa mga lablayf nila. kapag meron naman silang naispatang cutie chiching eh hinihingi pa rin nila ang opinyon ko. kung bakla ba o babae yung nakita nila sa picture..tapos nagpapadede pa ako ng kambing sa hapon bago umuwi. sa dami ng ginagawa ko rito sa opis ay wag na kayong magtaka kung makita nyo na lang akong natutulog  sa isang tabi dahil sa sobrang kapaguran. tao lang ako.

pagkatapos ko ipagyabang ang mga kalokohan ko..agad kong nilingon ang pancit. wala na palang natira. bigla naman akong inantok habang inaantay kong matapos ang mga natitira pang magsasalita. mabuti na lamang at bumilis ang takbo ng usapan at nag uwian na rin. alas sais na. malayo pa ang uuwian ko. pagdating ko pa sa pilahan eh sobrang haba ng pila..parang may flag ceremony. kamoteng buhay talaga..after exactly 1 hour and 23 minutes ay nakasakay rin ako. mainit sa loob. mahina ang aircon ng hinayupak na uugod ugod na driver. at isa pa, meron akong katabing lumba-lumba! this is injustice! hindi man lang nasulit ang paghihintay ko at ang ibinayad kong 45 petot. badtrip!

gagawin na rin palang weekly ang pagdaraos ng meeting. paktay!

Mga Puna»

1. YouAreYou - Enero 16, 2008

Kamusta naman ang pancit? este yung meeting niyo? hehe! may ganyan pala talaga sa kompanya akala ko sa tv tsaka sa pelikula lang yung ganung eksena… hehe!😀 Weekly na meeting niyo, eh di weekly din kayo kakain ng pancit malabon. lolz!😀

gasti: wag naman sana lagi pancit malabon…ngyon pa lang eh nauumay nako.

2. linglingbells - Enero 16, 2008

nakakaantok nga yun kung isa-isang magsasalita, parang sa klase lang, pag puro si ma’am/sir lang ang nagsasalita.. pero at least sa meeting ninyo, may pancit, sa klase namin, wala! hehe!

gasti: ganyan talaga pag estudyante ikaw pa nga minsan magpapakain sa kanila eh. suhol.

3. Maldito - Enero 16, 2008

hala….subaybayan ka na nila…puro kasi kabalastugan ginagawamo..lols

gasti: hehe! at least hindi pa kami nahuhuli. ikaw puro warning na eh lols.

4. xienahgirl - Enero 16, 2008

yung pancit na kasing laki ng plato
pang ilang tao?
buti nabusog kayo.
ahaha

wake me up–
when the meeting ends


gasti: siguro good for 3 lang yun. depende sa sikmura ng kakain…hindi nga ako nabusog eh

5. lilmiz - Enero 16, 2008

buti nga kayo may pancit, kami wala😦 btw, ano pala work mo kuya? hehe!


gasti: simple lang ang work namin. naghuhubad kami sa webcam🙂

6. KC - Enero 17, 2008

Naku paano ka na Gasti? Amboring pa naman ng mga meeting.
Dili kaya’t nanganganib mapalitan si Bossing? Kaya rin siguro may dalang pancit malabon bilang panuhol…lolz

gasti: haaays siguro magkakasakit na lang ako pag may meeting😀 hindi uubra yung pancit malabon lang na panuhol..wala man lang drinks.

7. karmi - Enero 17, 2008

zzzzzz….

ay, tapos na ba ung meeting? hehehe. (korny.)

kawawa ka naman tol, sa gating-ting mong katawan, lumba-lumba pa ang nakatabi mo.. gudlak!😦 dapat kalahati lang ung pamasahe mo eh.

gasti: uu nga eh hindi man lang nasulit yung binayad ko.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: