jump to navigation

it’s you I crave Enero 21, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

uu ikaw nga! kung isa kang goto. gusto kitang kainin. gusto kong higupin ang mainit init mong sabaw. kagatin ang malambot mong laman. matagal na panahon na rin ang nakalipas nang huli kang mapasaakin. isang umaga na punumpuno ng kaligayahan. kaylan kaya ulit kita matitikman…

taena! gusto ko ng goto. eto lang ang hirap kapag sa subdivision ka na nakatira. malayo sa kabihasnan..kung saan ang meryenda lang na maaari mong mabili ay tukneneng,pisbol,squidbol,kikiam,banana que, saka isaw-isaw. nakakaumay na. kelangan mo pa sumakay ng traysikel palabas at pagkatapos eh sa jeep naman. nakakatamad. minsan ayaw talaga pumasok sa kukote kong hindi nako nakatira sa marikina. kung saan kinagisnan ko ang pamosong “estelas goto”..default kainan pagkatapos magsimba. siguro huling kain ko pa dyan eh nung umeere pa ang Okay ka Fairy Ko.

marami na kong nakainang lugawan. sa may palengke ok din ang timpla nila. di ko lang sure kung malinis kaya bihira ako kumain dyan. isa pa dugyot ang mga nagtitinda. hindi ka gaganahan kumain…naalala ko tuloy yung college days ko sa PUP. may lugawan dun na refillable (eat all you can style) 6 petot lang ata. ok naman ang lasa..sobrang labnaw nga lang..ok na rin pangtawid gutom at pangtagal amats kapag senglot. kaya lang eh nung makita ko mismo ang ginagawa nilang pagre-recycle ng mga tirang laman na hindi naubos ng ibang customer eh hindi na ulit ako bumalik doon. (pinagsama sama ng walangyang tindera ang mga natirang laman gaya ng isaw sa mga mangkok na iniwan na ng ibang customer pagkatapos ay ibinalik sa menu.). sige imaginin mo na lang.

matagal ko ng binabalak kumain sa “lugawan ni Glady’s” dahil balita ko eh masarap daw dun at kasama sa menu ang ‘goto hell’ na maanghang daw ang timpla..meron ding “goto ni bossing” akong namataan katabi ng isang eskwelahan na itatago natin sa pangalang Roosevelt college. maganda yung karatula. pwede na.

liliwanagin ko lang..hindi ako naglilihi. wala akong matres at wala rin akong balak magkaroon ng isa, dalawa o kahit tatlo pa neto. ayoko ng congee sa chowking lasang intsik sa chinatown…mas ok pa rin ang manilaw nilaw na goto. yung masabaw. yun ang gusto ko.

Mga Puna»

1. Maldito - Enero 21, 2008

ako last ko na kain is elementary pa…indi ko trip ang goto..mas trip ko ang canton…ahehe..all tym fave nung college…im wondering how ” Bugawan ni glady’s looks like..ahehehe

gasti: hehe! dati pag bakasyon puro pancit canton rin nakakain ko. umaga saka meryenda iba iba lang ng brand. oist ayusin mo! anong bugawan? lols!

2. KC - Enero 21, 2008

Parehas tayo ng hinahanap-hanap. Masarap kasing kainin di ba? lalo pag ganitong malamig…ang sarap.

Nung college naman ako, walang lugawan sa paligid ng iskul ko. No choice kaya pumupunta pa ako sa Rob Manila para mag-Congee sa Chowking. Ang mahal naman pero pwede na rin.

Walang mahal na pagkain sa masibang bata. Haha!

gasti: hehe! mahirap naman magutuman kasi magkakaulcer ka. pag may time ako, pag aaralan ko na lang magluto ng masarap na goto.

3. wei vines - Enero 21, 2008

haha! minsan ganyan talaga…may kinecrave ka na dapat makain mo na..or else, di masasatisfy yung sikmura naten..ewan ko lang kung totoo yun ah? pero si akda, rinbee naman yung hinahanap…ayyy…. msarap nga dun sa lugawan ni gladys, nag enjoy ako sa dami ng menu.😀

gasti: buti ka pa nakakain na run..isa lang ata yung pwesto nun eh! ‘langya rinbee? classic na yan.

4. Maldito - Enero 21, 2008

ayusin? cge eto…gusto ko din kumain sa “Bugawan ni Gladys’…waaahhahaha

gasti: haha! parang gusto ko rin kumain dyan.

5. bomberoking - Enero 21, 2008

BOMBA..!
bilib it or not..,
ako ay panatiko rin nang goto..!
masarap ang goto sa..:
“goto republic”..!
type ko yung may isaw..!
when i was still residing sa anonas..,
meron doong gotohan na…
may lamang..:
“mata nang baka”..!
super sarap niya..!
na try mo na yun..?
anyway..,
curious lan ako..,
saang ROOSEVELT COLLEGE yun..?
teacher kasi ako sa ROOSEVELT COLLEGE eh..!
hehehehehehehehe..!
yung sa cubao..?
or yung sa marikina..?😉


gasti: uu nga noh narinig ko na rin yanng goto republic na yan..di ko lang alam kung saan.
mata ng baka ba ikamo? hehe! parang yoko nun…nga pala yung roosevelt college na yun eh sa marikina. teacher ka pala.😀

6. YouAreYou - Enero 21, 2008

di ko trip goto.. hanggang ihaw ihaw lang ako medyo nagutom nga ko dahil binanggit mo yung isaw.. hehe! pero sabi ng kuya ko masarap nga daw ang goto.. Perpek yan sa panahon ngayon medyo umuulan eh..😀

gasti: perpek nga! try mo masarap naman. delikado kasi pag laging isaw na lang eh nakaka-hepa.

7. homebodyhubby - Enero 21, 2008

unang silip ko ule, gugutumin pa ako hehehe…
may panahong nagka-usuhan ang goto nuon, nasa college ako. buti naman hindi nalalaos. eto yung pagkain na maski mura lang e pihong busog na busog ka lalo’t mainit-init pa?


gasti: nakakabusog nga kasi may kanin na, may ulam pa…tapos may sabaw pa. sulit na sulit.

8. linglingbells - Enero 21, 2008

naku! hayskul pa ko nung last na nakakain ako nyan.. dahil sa kwento mo, bigla ko siyang na-miss..

gasti: tara na sa gotohan😀

9. lilmiz - Enero 22, 2008

ahahah goto.. omg, di ko mapigilan matawa hahaha.. it’s not u kuya ah, may naalala lang ako ahehe.. hahah.. heniway, mas gusto ko yung champorado😦 lalo na yung champorado nung public elementary skul ko, kakamiss hehe

gasti: mukhang may nakaraan kayo ng goto ah! nagkasubuan ba? lols! masarap din yang champorado w/ tuyo pero elem. pa din ako nung huli ko yan matikman.

10. bomberoking - Enero 22, 2008

link kita..!
link mo naman ako..!

11. Geisha - Enero 22, 2008

jusko.. akala po naman titigasan ako sa post na ito… (landi ko talaga)

masyadong misleading ang iyong opening lines! I soo Love it!

kaya lang na dissapoint ako nung nalaman kong goto lang pala..hehehehe

di kasi ako mahilig dun and so with street foods😦

Hindi ako maarte noh… kumakain ako kahit ano. as in kahit ano pa yan ..😀

hindi lang talaga kaya ng sikmura ko mga foods na yan🙂

churii ha:)

gasti: ok lang. spit or swallow? lols. sinadya ko talagang ganyanin ang opening lines para magmukhang masarap yung goto hehe!

12. menggay - Enero 23, 2008

hU-woOOOw!!!! goto favorito ko yan heheh!!🙂 Lalo na kapag may tokwa at maraMing marami paminta panalo yan.

Yun nga lang ang poblema kung sa palengke oh sa kalye ka kakain panalo sana sa lasa kaya lang di mo rin sigurado ang kalinisan pero pwede na din ano ba naman yung paminsan minsan bakterya heheh🙂

gasti: hehe! uu nga naman paminsan minsang bakterya lang naman eh immune na rin siguro bituka ko.

13. alphasensei - Enero 23, 2008

ay gusto ko rin ng goto. tsaka tokwat baboy tsaka kwek kwek. tsaka sago at gulaman.

teka nga, makahanap nga sa kalye…

gasti: tara bili tayo😀

14. randomdemeanor - Enero 30, 2008

nakooowww!! ala atang goto dito sa Cebu…habang binabasa ko ang post mong to…winiwish ko na sana may goto dito…kaso wala! wala! wala!

gasti: merong goto dyan. basta meron kang nakikitang bigas, meron yun.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: