jump to navigation

tag-lima(s) Enero 22, 2008

Posted by gasti in pass muna.
trackback

bakit ba nauso pa itong tags sa blogging? eto na ba ang makabagong slambook? sa palagay ko nga. isang tag para sa pagkakaibigan. adik ka talaga maldito! eto ba talaga ang basehan ng pagkakaibigan natin? lols wag ganun. pano na yung business na balak nating itayo. “bugawan ni gasti”. sayang naman. o sya baka kung san pa mapunta ang usapan na to..simulan na natin ang paglilimas.

5 Things Found in my Bag

1-5. siguro naman hindi ko na kelangan sagutin ito kasi pinakita ko na nga yung laman loob ng bag ko.

5 Things Found in my Wallet

1. kaperahan – sa ngyon puro kulay ube lang kayamanan ko at isang hongkong dollar. pero salat man ako sa salapi,magaling naman ako sumalat.

2. Calendar – 2008 fhm calendar. uu pinagkasya ko lang sa wallet ko. lols biro lang. meron ako dito kalendaryo ni angel at katrina pero 2007 pa. wala bang miniature calendar na nilalabas ang tanduay?

3. samu’t saring cards – 2 ATM cards, sta. lucia card, grocer e card, hsbc credit card, tin id, sss id, drivers license, sm advantage card, video city card at timezone cards. sumatutal eh masasabi nyong makapal ang wallet ko.😀

4. limpak limpak na resibo – hindi ako sumasali sa “may pera sa resibo”. suntok sa buwan ang panalo dyan. iniipon ko lang yung mga cash deposit slip ko sa banko pati na rin mga resibo ng binili kong alahas.

5. 1×1 picture – w/ negative pa yan. hehe! innocent look…virgin na virgin ang dating.

5 Things Found in my Room

1. vcd’s and dvd’s – isa sa mga kinahihiligan ko eh ang bumili ng mga yan. original syempre! (finding nemo,troy,kung fu hustle,shaolin soccer,kingdom of heaven,matrix reloaded,apocalypto atbp!) meron ding mga anime series na pirated. sympre may titilating films din for educational purposes..ika nga eh learning is a continued process. nakalusoooot!

2. Action figures – sa ngyon eh nakatambak pa sa bodega ng laruan ko. wala pa rin akong nabibiling istante. syet!

3. pampaganda/pampaguwapo – syempre kelangan mukhang mabango sa loob at labas ng bahay.

4. matibay tibay na kama w/ posas on the side – kelangan yun kapag mapupusok ang mga eksena. raaaaaawr! rakrakan na!

5. damit pangbahay,medyas,briefs,boxer shorts na nasa loob ng mga drawers. wala kaming aparador sa loob ng kwarto.

5 Things I’ve Always Wanted To Do

1. trip to Jerusalem. sa mga holy places. especially sa Vatican. makasakay sa isang holy cow at makatapak ng holy shit.

2. beach hopping. isang araw, isang beach. sa loob ng isang buwan. ewan ko lang kung di pa ako magmukhang igorot pagbalik ko ng maynila.

3. makipag reunion sa mga friends. inuman, kantyawan, basagan, tawanan, harutan, kantahan at yakapan.

4. magpalaki ng katawan.

5. camping. gustong gusto ko talaga to. syempre yung may kasama naman..ayoko mamundok mag isa. masarap din yung paminsang minsang malayo ka sa syudad.

5 Things I’m Currently Into

1. lying.cheating.stealing.

2. movie collection

3. blogging

4. driving.

5. saving. private joyce.

 

o ayan oki na ba? tapos nako maglimas kaya isusunod ko naman ang tag sakin ni Ms. youareyou. tungkol ito sa paghihiganti. ewan ko kung bakit ba ganyan..damdamin ay ‘di maintindihan. sa totoo lang di ko alam kung para saan talaga ito pero gagawin ko na rin alang alang sa pagkakaibigan.

***Test yourself***
THINK DON’T SMOKE

BE HONEST..don’t lie in your heart.we know that cigarette smoking is dangerous to our health.

1. What would you do during Weekends?
a. Read books
b. Play sports
c. Do household chores
d. Go on trip

my answer: D. pende. lols pwede na bang sagot yan? siguro go on trip nga kasi hindi naman ako madalas gumawa ng gawaing bahay.

2. You dream to be:
a. World Champion
b. Campus Crush
c. Scientist
d. Dream date

my answer: A. world champion. siguro sa boxing o sa bilyar. (kung nag aaral pa ako eh malamang campus crush ang piliin ko pero naisip ko mahirap din yun. mahiyain kasi ako.)

3. What’s your favorite music?
a. Rock
b. Rap
c. Pop
d. Ballads

my answer: D. dahil isa akong balladeer sa videoke. lahat naman yan eh pinapakinggan ko depende sa mood.

4. What’s in your closet?
a. something original and wild
b. latest fashions
c. something classic
d. same as your friends closet

my answer: D. ewan ko kung tama ang sagot ko kasi hindi ko pa nakikita mga closet nila😀 di ako sumusunod sa uso dahil gusto ko magkaron ng sariling identity. minsan classic rin kasi meron akong damit na 10 yrs ko na ata sinusuot.

5. You watch
a. Romance
b. Sci-fi
c. Comedy
d. Thriller

my answer: C. gusto kong maaliw. pampawala ng stress at pampahaba ng buhay..para maiba naman at hindi puro na lang pampahaba ng etits. (kung iisipin mo nga naman sa comedy may mga sex scenes din, sa sci-fi marami ring hubad na katawan dun, sa thriller naman bago patayin ang biktima meron munang bath scene, sa romance lalo maraming yakapan,halikan at jugjugang nangyayari.)

*****end of questions*****

nakakuha ako ng iskor na : 10 points.

9 – 12 – YOU LIVE SOCIALLY, YOU KNOW HOW TO BE WITH OTHERS AND THEY LIKE YOU AS YOU ARE. YOU DONT NEED A CIGARETTE TO WITH

ang listahan ng mga puntos ay matatagpuan rito.

sa mga gusto nga pa lang sumagot sa tag na gaya nito. wag ng mag alinlangan pa. sagot na!😀

……the end…..

Mga Puna»

1. Maldito - Enero 22, 2008

tiyak uunlad ang bisness mo bossing…bugawan ni gasti..lols..ang ganda ng room mo,,may pusas….diyan mo dinadala sina g….. at b…..lols….wahahhaa…kaya pala…kaya pala..Tsk tsk tsk….gusto ko din sa jerusalem….pasok sa kweba,

gasti: haha! sira ulo! pribadong lugar ang kwarto ko. gusto ko rin pumasok sa mga kweba.

2. YouAreYou - Enero 22, 2008

salamat sa pagsagot kuya!😀 hehe! talagang sa tags lang nasasukat pagkakaibigan ah.. hehe! friend pa rin kita kuya kahit di mo sinagutan..😀 hehe!

gasti: lamo yung huling tumawag sakin ng kuya eh buntis na? pero di ako yung ama. lols!

3. koreanmine - Enero 23, 2008

2 tags in 1 post parang 2 birds in 1 stone ahh…😀

4. matibay tibay na kama w/ posas on the side <<< ayos! S&M!!! Lols😆

gasti: ano yung S&M? ikaw talaga.🙂

4. jeckyll27 - Enero 23, 2008

LOL natakot ka sa tag ni maldits, baka mabuwag daw ang frendships..hahahaha
ako din natakot na eh. isipin mo na lang baka maglumpasay yang si gavin pag hindi sinagot..hahahaha! tingnan mo yung laman ng bag ko, hindi na nakalusot..hahahaha


gasti: hehe! uu nga eh kawawa naman. lols. teka nga makikiboso muna ako.

5. menggay - Enero 23, 2008

“matibay tibay na kama w/ posas on the side – kelangan yun kapag mapupusok ang mga eksena. raaaaaawr! rakrakan na!”

mukhang mapusok nga ang mga eksena pwede maganap at may posas talaga hehehe


gasti: uu kelangan talaga yan para kunyari may slave ka. exciting! lols

6. randomdemeanor - Enero 30, 2008

hahahah..balladeer sa videoke…??

naalala ko tuloy yung post na nabadtrip ka sa magic sing…birit to the max bosing!!!! Kaso di nakuntento sa skor, ayun…nagbuhos ng sama ng loob sa blog…hahhah

gasti: hahaha! pinaalala mo pa. nakakabawi na naman ako ngyon eh puro 80+ na score ko.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: