jump to navigation

tropang wasalak Enero 24, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

ito ang tropang kinabibilangan ko nung college. 2nd yr na kami nagkakilala dahil nagkaron ng resectioning ang course namin. madaming napahiwalay. nalipat ng ibang section pero ako section 4 pa rin. row 4 pa rin. walang natira sa tropa ko nung 1st year. nagkahiwa-hiwalay kami lahat. parang balik first year lang ang pakiramdam ko noon at nangangapa sa mga ugali ng bago kong kaklase.

3 na lang kaming lalaki na dating magkaklase. yung isa pa eh laging nawawala at nagkukubli sa mga comp. shops. adik sa gaming. kaya naging ka-buddy ko yung natira. mataba sya kaya pag naglalakad kami ay madalas kaming tuksuhin na no. 10. wala ako paki sa kanila at least may kalaro ako sa bilyar. lols! sa klase naman napalilibutan kami ng maraming chiching. tuwang tuwa sila samin lalo na pag nag aasaran. tipong pork chop duo lang. di lumaon kasa-kasama na namin sila pag gumagala. masaya pala. bihira ako makihalubilo sa mga girls dahil naiilang ako lalo na nung hayskul. madalas ko paghinalaan na bakla ang mga lalaking nakikitropa sa mga bebot. may halong inggit at galit na rin lalo na kapag nakikita kong nakikipagharutan na sila sa type kong chiching. lagi nga kaming nagbibiruan ng ka-buddy ko noon na magpanggap na lang kaya kaming bading para maka-iskor. isang beses sinubukan ko. effective naman tuwang tuwa lalo sila sa akting ko at makalipas ang ilang araw, may nagpropose saking babae. nasiraan na yata ng bait ang hitad. medyo nailang ako kaya di na ko nagdidikit sa tropa nila.

sa paghahanap ng bagong mga kaibigan. nakilala ko ang isang mapormang nilalang na may malaking hikaw sa tenga. badboy image at nasa grupo ng mga kababaihan na may kasamang isang bakla na pawang mga kaklase nya dati. mukhang tahimik pero pasaway na bata. nung minsang matabi sya samin ay nag open agad ako ng topic tungkol sa mga chiching. mabilis namin syang nakasundo at unti-unti na syang napahiwalay sa mga kasama nyang chikas. kasabay rin ng hindi na nya pagsuot ng gigantic hikaw.

2 promdi ang naispatan namin na masayang nagkukwentuhan sa isang sulok (isang taga-ilocos at isang taga-marinduque). bawat dumadaang maalindog na chikababe ay sinusundan nila ng tingin. pares lang ng ginagawa namin ng kasama ko. nang magkadikit dikit kami ng upuan ay dun na nagsimula ang kwentuhan, tawanan,asaran at gaguhan. nagkaron kami ng maraming drinking session pagkatapos ng klase..lagi rin kaming magkakasama sa paglalaro ng counter strike, nba live at sa pagbibilyar. malimit din kaming manood ng mga titilating films sa sinehan. one time napapayag namin manood ang buong klase ng pelikulang “hibla”. parang inarkila lang namin ang mga upuan sa harap. nalula ako sa boobs ni rica peralejo at maui taylor dun. nasa front row kasi kami para makapag concentrate ng maigi sa palabas. bawat pelikula kasing pinapanood ko ay hinahanapan ko ng moral story para masabi kong hindi nasayang ang ibinayad ko. (ulul). dumating ang panahon na nagsawa kami sa ganitong sistema at nagconcentrate sa panliligaw sa iba’t ibang chiching.

ako ang unang nagka-gf. hindi kaagad matanggap ng 2 katropa ko na ako ang napili ng babaeng nililigawan nila. isa run ang ka-buddy kong mataba. sinubukan kong magpaliwanag pero hindi nila ako naintindihan. nagkampihan ang iba. lumayo sila at nagkawatak watak kami. may gf nga ako pero nawala naman ang barkada ko. natuto akong gumala mag isa.

makalipas ang isang buwan ay nabuo ulit kami. walang masyadong tanungan. tinanggap ulit namin ang isa’t isa. nagkapatawaran at binaon na sa limot ang dating alitan. magkakasama pa kaming gumawa ng final thesis. at sa huli ay naka graduate naman kaming lahat. medyo nahuli nga lang yung isa dahil maraming binalikan na subject.

after 4 years eto na kami ngyon. for the first time in the history of wasalak, ngyon lang kami lumabas na may kanya kanyang ka-table. lahat kami may kasamang gf/asawa. nagkita kami nito lang linggo dahil binyagan ng anak ng isa naming kabarkada. yung lalaking may malaking hikaw noon. ang bilis talaga ng panahon. dati rati kapag sinabi mong binyagan eh “tuli” ang pag uusapan nyo. ngyon iba na. gastos.

kung nawe-weirdohan kayo sa pangalan ng grupo namin, ano pa kaya kung malaman nyong ang binuo naming koponan nung sportsfest (3rd yr. hayskul) ay binansagang “halawalapubu”. na hango sa salitang (hayok sa laman, walang laman, puro buto). may kasama pang cheer yan pang-tribal. sumasayaw paikot sa bonfire.

Mga Puna»

1. YouAreYou - Enero 24, 2008

tropang walang iwanan!😀 naalala ko tuloy yung commercial ng chowking dati.. na mula highschool eh dun na kumakain hanggang sa magka asawa na sila.. o baka naman kayo yun? uhmm.. lolz!😀


gasti: hehe! yun nga rin naalala ko eh! pero hindi kami sa chowking kumain saka hindi pa kami ganun katanda..mga nasa 30’s na ata yung model dun eh

2. jojie - Enero 24, 2008

naalala ko noong araw… [parang antagal na, LOL!] ang gaganda ng college prends ko. parang pinagsama-sama talaga kami. ahem! hahaha.. pero totoo yun ha.

gasti: haha! ano yan jojie? panahon ng hapon? lols! tama yan..mas masarap sa pakiramdam ang mapaligiran ng magaganda. nakakahawa yun.

3. wei vines - Enero 24, 2008

wow~ ang ganda naman nito.. haha! old times😀


gasti: hehe! uu nga eh tamang muni-muni ng nakaraan

4. linglingbells - Enero 24, 2008

masaya talaga pag kasama ang barkada! (parang tag line lang ah)


gasti: masaya rin naman kapag kasama ang pamilya pero iba rin kapag barkada eh noh?

5. Geisha - Enero 25, 2008

Speechless!

some part of me can relate to iT!

Meron din kami dati nung malakas pa ang tuhod ko! Rose Bud! Activ pa rin hanggang ngayun. Kaya lang napalitan na ang mission/vision namin… ibang klase na rin kase mga baklang members, mas matapang pa sa taga munti!

gasti: nakow nakakatakot naman yang Rose Bud na yan..mukhang matinik talaga

6. jeckyll27 - Enero 26, 2008

tropang wasalak? sounds familiar. walang sawa sa alak…yan ang madalas naming makalaban sa basketbol pag may liga sa baranggay namin…
nakakamiss yung mga ganyang tropa. kahit kami ngayon, paminsan-minsan na lang din nagkikita-kita..

gasti: haha! nadale mo pards! dun nga galing yung acronym na yun.

7. menggay - Enero 26, 2008

Kay sarap talaga balikan ang nakalipas🙂

miss ko na rin mga fwends ko nun college days🙂

gasti: ako nga rin eh bihira na kasi magtugma yung mga iskedyul namin.

8. beer-O - Pebrero 6, 2008

hehe😆 di naman ako naweirdohan sa pangalan ng tropa nyo. in fact, ganyan din pangalan ng tropa namin. kaya nga binasa ko eh!😆 yahooo! di lang pala kami ang wasalaks!😆 may post din ako tungkol sa WASALAK. sinamahan ko pa ng pics ng mga katropa ko. yong parang nasa police station at may nakasulat na “wanted”.

gasti: marami na palang branch ang wasalak ngyon? lols! ano nga pala link ng blog mo?

9. beer-O - Pebrero 6, 2008

haha! sabihin na lang nating chapter. ahehe😆 (parang frat). http://tambayannilex.wordpress.com.

gasti: hehe! uu nga iba-ibang chapter. sige add na rin kita sa links ko.

10. beer-O - Pebrero 6, 2008

yaaahhhooo…6 pm na naman😆 makakalabas na rin ako sa ofis at makakalanghap ng fresh air.😎 bukas ulit, mga dudes!

gasti: hehe! ginawa mo na talagang tambayan tong blog ko😀 next time ulit!

11. beer-O - Pebrero 7, 2008

hehe. ganon na nga yon. tenks na rin kung i-add mo ko,

parang napapansin ko nga eh.😆


gasti: na-add na kita😀 hehe! bibisita rin ako dyan mamaya

12. beer-O - Pebrero 7, 2008

tenks!😆 cnxa na lang sa posts ko na walang katuturan. sigurado akong magkaka-headache ka (warning ba to?)😆

gasti: hehe! di naman sumakit ulo ko. oks din naman mga posts mo..lakas mo rin makasagap ng tsismis.😀

13. beer-O - Pebrero 7, 2008

haayys! salamat naman. i’m so relieved. ahehe😆 di nga sumakit, na-bore ka naman. hehe😦 tenks sa pagbisita! anong tsismis ba yon?😆

gasti: yung tungkol sa pangangaliwa ng kapitbahay mo..hehe!

14. beer-O - Pebrero 7, 2008

haha😆 yon pala! di naman totoo yon eh, gawa-gawa ko lang yon! fictional characters lang yon kumbaga.😎 bunga ng aking malikot na isipan. bwahaha😆

gasti: hehe! parang totoo eh…di naman kasi imposibleng mangyari yun

15. beer-O - Pebrero 7, 2008

haha😆 napaniwala pala kita. di talagang imposibleng mangyari yon. ang dami na kasing “taksil” ngayon. ahehe😆


gasti: uu nga eh dumarami na nga rin ang mga nagtataksil na babae.

16. beer-O - Pebrero 7, 2008

gumaganti lang ang mga yan. syempre, ayaw magpalugi. nakikisabay din naman sila sa uso.😆

gasti: uu nga eh! patas na talaga ang labanan ngyon.

17. dm - Setyembre 11, 2008

ang ganda ng story mo nkakarel8 ako hehe……..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: