jump to navigation

san tayo? Enero 25, 2008

Posted by gasti in kahihiyan, muni-muni moments.
trackback

confusing

mahirap din pala kapag hindi ka lumaking lakwatsero. walang alam sa mga lugar. lahat ng madaanan mo ay tipong made-devirginized ka. palinga-linga sa daan. obvious na naliligaw.

noong ako ay isang totoy pa lamang, bihira ako lumagpas ng tulay sa marikina. kahit pasikot sikot sa marikina ay hindi ko kabisado. at sa tuwing magsisimba kami sa may St. Joseph sa Q.C. pagkatapos ay didiretso ng Cubao para gumala eh pakiramdam ko ang layo layo ko na at pag naiwanan ako sa mall ay hindi nako makakabalik sa bahay namin.

ang mga pasyalan gaya ng Manila Zoo, Luneta, Wild Life Park At Q.C. Memorial Circle ang paboritong pasyalan namin noon. tuwang tuwa kaming magkakapatid dahil minsan lang kami makapamasyal. pag nakikita ko yung mga pictures namin eh parang masyado kami maligalig. dapang dapa pa ang buhok namin magkakapatid. parang sinakluban ng bunot. nanay ko pa kasi barbero namin. uso daw yung ganung hairstyle.

pagtuntong ko ng hayskul. medyo lumawak naman ang kaalaman ko sa mga lugar dahil sa mga sleep-over sa bahay ng mga classmates ko. nakarating ako ng cainta, antipolo,pasig,san mateo at Q.C. lagi na akong lumalagpas ng tulay. pero mas madalas na akong maligaw. gaya nung isang beses pumunta ako sa Cubao para bumili ng isang laser sword na may iskabard at tussle para sa pagsasanay sa COCC. nakarating naman ako ng maayos at nakabili ng dapat bilhin kaya lang eh hindi nako makauwi. di ko na alam ang daan pabalik. sa paglakad lakad ko ay may namataan akong jeep na may signage na”bayan”. sumakay ako rito at taimtim na nagdasal dahil hindi ko alam kung tama ba ang nasakyan ko. napansin ko na lang na parang iba na yung lugar na tinatahak nung jeep (inisip ko baka shortcut lang). umaasa pa talaga eh noh! nagulat na lang ako ng biglang magbabaan lahat ng pasahero at nasa garahe na pala kami.

manong driver: san ka boy?
gasti: sa may bayan po.
manong driver: bayan na to. gagarahe na ko.
gasti: ah ganun po ba? (gulp!) san po yung papuntang marikina?
manong driver: ahh marikina. malayo pa yun. (sabay turo ng direksyon na pagkalayo layo. ang masaklap pa dun kelangan umakyat ng tulay.)
gasti: huh! anlayo! sige manong salamat po.

kamusta naman ang paglalakad mag isa ng alas onse ng gabi bitbit ang espada sa beywang na parang isang adik na kawal.

ganun rin pagdating ng college. mas marami akong napuntahang lugar pero dumami rin ang eksenang naligaw ako. madalas pa naman ako gumala mag isa kaya sariling sikap rin na hanapin ang tamang daan. nasubukan ko na ring baliktarin ang suot kong damit dahil may nakapagsabi sakin na pangontra daw yun sa mga engkantong nagti-trip.

at ngyon namang nagmamaneho na ko eh lalo kong nararamdaman na mangmang talaga ako sa mga lugar. magaling lang ako makaalala ng mukha at hugis ng katawan pero ang kalsada..hindi. makailang beses na kami nagtalo ni misis ng dahil dyan. kung ako sablay sa lugar, sya naman hanggang ngyon eh nalilito pa rin kung nasan ang kanan at kaliwa.

gasti: san tayo?
kumander: dyan tayo sa kaliwa (sabay senyas ang kamay ng pakanan).
gasti: ano ba talaga ateh?!

di ko rin maintidihan kung bakit ganun. tumatama naman ang sinasabi nya kapag left or right ang bibigkasin nya. kaya madalas kapag sinabi nyang kaliwa eh kumakanan ako. yun nga lang minsan tama na pala sya. haays! mahirap rin pala maging driver.

Mga Puna»

1. liedetector - Enero 25, 2008

loko ka! eh sa nalilito sa kaliwa’t kanan pero tama naman ako sa left and right🙂

buti alam mo kapag may seksi halos mabunggo tayo pero un mga kalye dinaanan natin di mo matandaan… mag-aaral na nga ako mag-drive!


gasti: aysus! sobrang ingat ko na nga magdrive eh! syempre kelangan tingnan ko maigi mga dumadaan para hindi ako makabangga.

2. alphasensei - Enero 25, 2008

ligawin ako.

as in laging naliligaw.

:p

gasti: hehe! pareho pala tayong ligawin😀

3. linglingbells - Enero 25, 2008

nalilito din ako dyan sa kanan o kaliwa na yan nung nag-aaral pa ko magdrive.. hahaha!

gasti: hehe! di ko nga alam kung alin ang nakakalito dun eh madali naman tandaan.

4. lilmiz - Enero 26, 2008

ako din walang sense of direction haha. pag may nagtanong sakin pano pumuntang ganito o ganyan. sagot ko ay “taxi”. haha.

gasti: hehe! ganyan din kami dati pag hindi alam ang pupuntahan eh bahala na yung driver.

5. karmi - Enero 26, 2008

tol, san tau?😀 hehehe..


gasti: di ko alam😀

6. Jeniffer - Enero 26, 2008

haikz.. ako siguro mga 2 times bago ko mamaster ang 1 lugar.. ahihi..

gasti: hehe! normal pa yun.

7. YouAreYou - Enero 26, 2008

malituhin din ako sa kanan at kaliwa.. pero pag left and right tama naman.. kaya natatawa kuya ko pag sinasabi niyang kaliwa magiisip muna ko kung left o right yun.. haha!


gasti: haha! karamihan ba ng babae di alam kung san ang kaliwa at kanan? labo nyo.

8. menggay - Enero 26, 2008

ako din po liGawin huhuhu!!!

di po ako magaling sa mga lugar ei….takot pako magtanong hahah!!

gasti: wag ka mahiya magtanong. madami naman willing tumulong.

9. jojie - Enero 26, 2008

diyan ako expert! sa left and right, kaliwa’t kanan, up and down, baba at taas, atras abante… errrr… ano nga ulit topic? LOL!

happy weekend pareng gasti.😉

gasti: pinakyaw mo na lahat ng direksyon mare. hehe!

10. MARU - Enero 27, 2008

mahina ako sa geography. palagay ko hindi ako magiging magaling na driver. gusto ko pasahero lang ako.😀

gasti: hehe! minsan talaga mas ok maging pasahero na lang. pwede ka pa matulog sa byahe.

11. KC - Enero 27, 2008

Wish ko lang Gasti na kapag nalilito ka sa direksyon, hindi natutulad ang hitsura mo sa mamang nasa pikchur.

..sana ako rin hindi. Mag-aaral na rin kasi ako mag-drive.🙂

gasti: hehe! sige KC goodluck dyan sa pag aaral mo. kayang kaya mo yan.

12. koreanmine - Enero 28, 2008

bsta ako palatandaan ko para maalala ko Kung asaan yung 2d left 2 d left ko eh andun yung relos q😀

gasti: tama yan. basta wag ka magsusuot ng relo sa kanang kamay para di ka malito

13. homebodyhubby - Enero 28, 2008

yung misis ko ganyan din, nalilito sa kung alin ang kaliwa o kanan, kasi left-handed. pero walang kaliwete sa min. 😛
hehe… nakakatuwa naman yang driver dyan sa itaas — doble-byahe yan. 😆


gasti: hehe! teka…left handed na hindi kaliwete? gulo nun ah! uu yang driver na yan eh mala-iguana ang vision. doble byahe, doble kita.

14. randomdemeanor - Enero 30, 2008

natawa ako dun sa drayber sa picthyur ah!!! kung naalala ko pa ito yung serial killer sa conair ne mejo retarded..kumanta pa nga sya..

i got the whole wayd wurld in his hand…nannana..

adventure para sa akin ang maligaw at mas adventure kung di na ko makabalik….rawr…adventure a.ka nakakatakot pero masaya..

gasti: hehe! di ko sure kung sya rin yun pero galing yan sa pelikulang mr. deeds ni adam sandler. adventure nga ang maligaw lalo na sa gubat..astig yun basta may kasama ka oks lang.

15. kairell - Pebrero 18, 2008

weh? taga marikina ka rin ba pards?
btw, napadaan lng sa blog mo thru chilli at buti na lng ndi ako naligaw😛

nice blog pards!

gasti: nakatira na ko sa san mateo ngyon pero matagal ako tumira sa marikina…salamat rin sa pagdaan kabayan!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: