jump to navigation

ang elebeytor Enero 30, 2008

Posted by gasti in kahihiyan, kamalasan, muni-muni moments.
trackback

naalala ko pa yung unang beses na sumakay ako ng elevator. mangmang ako nun. nakakapit ako sa bakal sa may gilid dahil pakiramdam ko eh gegewang ang takbo nun anytime soon. mabuti ng safe. nasanay kasi sa pamamatok sa mga jeep eh! nang bumukas ang elebeytor, para na ring bumukas ang langit at nagsipagkantahan ang mga anghel. taenang elebeytor kasi yun andaming sakay halos sumoplak na yung mukha ko sa salamin.

naranasan ko na ring mag isa lang ako nakasakay sa elevator. masaya dahil mabilis ka makakarating sa pupuntahan mo pero boring. walang ka-challenge challenge. mas fulfilling talaga kapag pinaghirapan mo yung pagkuha sa pwesto mo. sa mga kagaya kong lumaki sa mundo ng siksikan. nakakapanibago. parang bigla ko naisip mag-kundoktor. “pasok, pasok! maluwang pa dito sa loob konting usog lang po tayo mga kuya at ate magaan pa to! ipit ipit lang po tayo ng mga legs at baka may sumingaw dyan. kulang pa tayo ng 26.73 kilos…”

simula nung nakapasok ako sa isang “do not enter. for personnels only” na lugar kung saan mo makikita ang lahat ng live footages ng lahat ng camera dito sa building namin ay nagsimula akong maging conscious sa kung anong itsura ko kapag napapadaan sa mga lugar na may camera. di ko maiwasang hindi mapatingin rito dahil alam ko na sa likod ng mga lenteng yun ay may nagkukubling kups na nagbabantay. ngumunguya ng chichacorn habang nag aantay ng mabobosohan.

kapana-panabik ang bawat eksena. kitang kita mo ang lahat ng empleyado na pumapasok araw-araw. lahat ng klase ng cleavage ay masisilayan mo. pati paghikab at pangungulangot ng mga chiching walang kawala. ultimong pagkambyo ng mga barako boys kita sa camera. di uubra dito ang pasimple. siguro ganito rin ang pakiramdam ng tagabantay sa big brother house. walang kurapan.

may building bang walang elevator? malamang wala. sino ba naman ang magtya-tyagang pumasok sa opisina kung nasa 23rd floor ka gaya ko. eto na siguro ang pinaka affordable na byaheng masasakyan mo. walang bayad. mabilis pa. malas mo nga lang kapag rush hour at tipong late ka na tapos punong puno ang elevator na sasakyan mo. para ka na ring nasa loob ng mrt. hindi ka pwedeng tigasan dahil mararamdaman kaagad yun ng taong nasa harap mo. swerte mo na kung mapatapat ka sa babaeng horny (wag ka na umasa tsong!). malas mo kung mapatapat ka naman sa lolang uugod ugod na dahil baka masarapan tapos ipagkalat sa iba na kayo na. (asa pa!) malas mo rin kung bouncer pala nasa tapat mo dahil malamang eh iumpog nya ang ulo mo sa maskels nya. kung bakla naman, yari ka pa rin dahil makikipagkiskisan na sayo yun. para safe, gawin nyo yung ginagawa ko. nakaharap sa pader o kaya ay naka-“tikas pahinga” na posisyon.

siksikan din ang eksena kapag lunch break. iwasang mag init ang ulo mo dahil hindi lang ikaw ang nagugutom. tanggapin mo na lang na may mga taong tamad na sumasakay ng elevator kahit isang floor lang ang pupuntahan. patirin mo na lang kapag palabas na saka mabilisang pindutin ang close button.

marami ka ring masasagap na tsismis sa loob ng elevator. basta hindi ka tulog marami kang mababalitaan. marami kang matututunan. minsan masasabi mo na lang sa sarili mo.”swerte pa pala ako sa napasukan ko”, “buti na lang di ko sila opismates”, “anong floor kaya yung opis ng chiching na yun?”, “ang bantot naman netong katabi ko”. nakakatuwang makinig sa kwentuhan nila.

isang di ko malilimutang experience sa elevator ay nangyari sa cubao mrt station. kasama ko ang ate ko at ang pinsan ko papuntang SM North Edsa. hayskul pa yata ako noon. dahil sa ayaw namin makipagsiksikan sa escalator, napagpasyahan naming mag elevator na lang. kaya lang madami rin ang katulad namin mag isip. marami rin ang nakaabang na sasakay sa elevator. pero nagkasubuan na wala ng alisan…pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay tumilapon agad ako sa kung saan. nawala ang poise ng mga kababaihan. lahat naging brusko. nakalimutan na ata nilang may dede silang malalamog kapag nasiksik. mabuti naman at nakasakay ako in-da-nik-op-taym…kaya lang biglang tumunog ang mahiwagang buzzer..engggk! overload! biglang lumabas si san pedro at agad nagtanong…”sino ba yung huling pumasok?” magtuturo na sana ako ng isang mapalad na tabatsoy kaya lang eh napagkaisahan akong itaboy ng mga buwakinang tao sa loob ng elevator. mga hayup! sa payat kong to ako pa ngyon ang excess baggage? taena!

san pedro kuno: ikaw ang weakest link. goodbye! bumalik ka na sa impyernong pinanggalingan mo…bwahahaha! (sabay pindot ng eject button)

“di bale boy yung susunod ikaw na ang unang papasok”. ang sabi ng isang citizen patrol sa tabi ko. nakayuko lang ako.hindi umiimik. pakiramdam ko nun eh pinagsarhan ako ng pinto ng langit. kasama ko ang iba pa na nagkukuyakoy sa purgatoryo. ang malas ko naman.

Mga Puna»

1. koreanmine - Enero 30, 2008

naku aq nga eh tinubuan ng nerbyos sa elevator, pano nmn pampams nung nasa sykes pa q, kamukat bumagsak ang elevator ng burgundy!
eh kmi na kaya ang susunod na sasakay waaaa 26th flr kaya kmi..

hays.. tapos 100k per floor ang bayad, kung ilang floor ka bumagsak yun ang katumbas ng paysung!

(parang nag isip din tuloy ako na magandang pinag ka kitaan sana yun😀 )


gasti: ayos yun ah! potek millionaire ka na sana ngyon (kung mabuhay ka after mong lumagpak galing 26th floor).

2. YouAreYou - Enero 30, 2008

puwede! puwede ka ng kundoktor! hehe!😀
gustong gusto ko din sumakay ng elavator pero minsan pag nagmamadali tinatahak ko na lang ang hagdanan.. hehe! exercise pa!😀


gasti: nung college ako everyday akyat baba ako sa 4th floor..minsan 6th floor pero kung higit pa dun..ayawan na. try mo umakyat ng 23rd floor gamit ang hagdan mabubuang ka.

3. camilleeee - Enero 30, 2008

ang lesson jan, wag magpahuli neks taym pagpasok sa elebetor. kahit nde pa nakabukas, katukin mo na😆 para nde kna ulit ma-excess baggage.hehe.

gasti, may tag ako sa u ha.😉

gasti: uu nga eh di ko kasi maiwasan hindi magpaka-gentleman. next time baks awt na. i-reserve ko muna yang tag mo ha🙂

4. randomdemeanor - Enero 30, 2008

wawa ka naman bosing gasti..para kang isinukang pagkain..pulubing tinadjakan palabas at ano pa ba…basta wawa ka…di baleh..na-try ko na din yan…hahha

kaya ako nakakarelate…hehe


gasti: uu na. kawawa na wag mo na ipagdiinan pa. hehe! yun lang naman ang una at huling beses na ngyari sakin yun eh

5. karmi - Enero 31, 2008

dahil panggabi ako sa ospital, solo ko ang elevator parati. kaso, nakakatakot ding sumakay ng elevator.. mamaya nyan katabi ko na si sadako.. gudlak!

naalala ko tol sa peyupi, ung elevator dun, para lang sa mga teacher at disabled peeps.. pero dahil tamad at pasaway, nagpilit pa rin kami dating sumakay dun.. muntik na atang makuha ung mga ID namin.. hehehe..


gasti: hehe! uu nga eh na-try ko na rin yun dati pero umaasta kaming pilay para papasukin ng operator😀 enjoy din kami pag sa stairs kasi marami ka masisilayan.

6. jeckyll27 - Enero 31, 2008

nasa 9th floor lang ang opis ko sa bldg namin. eto pa yung pinaunang bldg sa makati. kung saka-sakaling huminto ang elevator, sana lang mga chickababes ang kasama ko. ang saya. hahaha

teka, may tanong ako: di ba ang elevate ang ibig sabihin eh pataas? eh bakit elevator lang ang tawag sa elevator eh pababa din naman to? dapat may ibang tawag sa bumababang elevator. ganun din dapat sa escalator. watyu tink, master?


gasti: uu masaya nga yun lalo na kapag axe pa ang pabango mo. lols! hmmm…wala ako maisip na ibang pwede itawag sa pababang elevator at escalator eh baka laging naka-viagra yung imbentor nun.

7. colegiala girl - Hulyo 13, 2008

Kung ako ay nagmamadali sa aking duty sa hospital sakay sa elevator, kung pauwi na sakay uli. Kung brown out magdusa ka.

8. cAtHy - Pebrero 8, 2010

bago ako dito..

araw araw kong kaniig sa bawat umaga at hapon ang elevator.. minsang solo ko.. minsan marami kame.. mas madalas na gusto kong solo.. kesa masira ang araw ko sa majojohong makaka sabay ko sa elevator..

gasti: may mga araw lang talaga na mamalasin ka. yung tipong mas gugustuhin mo na lang na may sipon ka sa araw na yun.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: