jump to navigation

makuha ka sa tingin Enero 31, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, self review, to whom it may concern.
trackback

ayan ang mga linya ng palaban. wag ka na pumalag pa. ganyan ang madalas sabihin sakin ng nanay ko nung bulinggit pa kami. lalo na tatay ko na tipong bihira dumakdak pero masama makatingin. bigla na lang kukuha ng patpat o kaya ng sinturon para ipampalo sa maputi kong pwitan. sa iskul ganun din ang sistema ng mga istriktong teachers…kapag hindi ka nakuha sa tingin, babatuhin ka na ng eraser. (wala naman tumama sakin kasi magaling ako umilag). astig ng dating. matapang.

yan din ang kadalasan kong bisyo sa eskuwelahan. ang sumilay. kumakalam man ang sikmura mo eh busog naman ang mga mata mo. yun nga lang hindi mo naman makukuha ang chiching sa pamamagitan ng pagtitig lang. kelangan mo rin gamitan ng laway. uu minsan kelangan mo rin lawayan sa may parteng tyan kapag binati mo para iwas-usog lalo na kapag gutom o pagod ka.

habang tumatanda na ay unti-unti kong ina-adapt sa sarili ko ang teknik ng pagtitig na yan. matulis, matalim, mapanghusga, palaban na mga tingin. lalo na sa mga taong walang good manners and right conduct..in short kupal! kahapon lang eh may nakipagtitigan sakin na nakamotor habang nagda-drive ako pauwi. di ko alam kung napansin nyang natawa ako sa kanya dahil muntikan na sya mahagip ng taxi sa unahan ko o baka naman dahil di sya makasingit dahil okupado ko yung kabilang lane. pwede ring wala syang ibang mapagbalingan ng galit nya dahil di sya pinagbigyang makipagsex ng gerlpren nya..alinman dun wala na ako pakialam. ayoko lang ng tititigan ako ng masama lalo na’t alam kong wala akong ginawang mali. di ako papatalo. di yata magpapahuli ng buhay to! buti na lang at napigilan ko pa ang sarili ko na ibaba yung bintana at makipagmurahan sa kanya dahil nagmamadali na kami. at wala rin naman akong mapapala kung patulan ko pa ang mga taong kagaya nun. sayang ang laway. makuha ka sa tingin.

on the lighter side..kahapon rin nung sumakay ako ng elevator ay di ko mapigilang matawa sa mga chikiting na di ko malaman kung hapon ba o korean na nagdadaldalan. ang bibilis nila magsalita at parang nanonood lang ako ng isang anime na walang subtitle. ang kulit! ang sagwa pa naman ng itsura ko pag pinipigil ang pagtawa. parang natatae lang. maya-maya pa bumukas ang 4th flr. “uy bakit mo sila tinatawanan?” sabi nung isang lalaking pangiti ngiti rin habang palabas. kilala ko sya sa mukha dahil same flr kami ng pinagtatrabahuan. madalas syang umiyak sa loob ng cr noon habang kausap nya ang gerlpren nya sa celfon..harhar! anlakas kasi ng boses nung babaeng kausap nya kaya dinig ko ang usapan nila habang nagsisipilyo. lokong yun! pinapanood nya pala ko. habang naglalakad ako papuntang sakayan eh di ko pa ring mapigilang ngumiti kapag naalala ko yung mga chikiting na yun.

kanina naman pagsakay ko ng shuttle ay pamilyar na naman ang mga mukhang kasabay ko. para na kaming may cheating arrangements sa loob. nung magdatingan na ang iba pang “morning girls” ay nagsimula na silang magdaldalan. umalis pa talaga sa unahan yung isang ale para lang makihalubilo sa kwentuhan nung iba…ang agang tsismisan nito! pagkakaibigang nabuo sa loob ng sasakyan. ako naman nasa isang sulok. nakatingin sa kawalan. tahimik. ilang sandali lang ay pumikit na rin ako at umidlip..nagising na lang ako ng may bumabang isang babae na nakaupo sa harapan.

nang umandar na ulit yung sasakyan eh biglang naiba ang takbo ng kwentuhan..
ale no. 1: yung isang yun di sya nagsasalita noh? matagal ko na ring nakikitang sumasakay yun eh isnabera ata.
ale no. 2: ah uu nga tahimik sya. hindi kumikibo yan kahit matagal ang byahe.
manong: ahh yun? nakausap ko na minsan yun eh
ale no. 1: ano isang tanong tapos isang sagot? matipid magsalita.
manong: uu parang ganun nga. mahiyain ata eh! pero mabait naman.

pagdating sa may kanto..pumara na rin ako. sa isip-isip ko lang panigurado kilala na rin nila ako sa mukha dahil madalas ko sila nakakasabay pero hindi ko sila kinakausap. may posibilidad na ako naman ang topic nila pagbaba ko. tsk tsk! bahala kayo sa buhay nyo! wala kayong mapapala sakin.

Mga Puna»

1. Maldito - Enero 31, 2008

panigurado ako. naranasan mo na ring matitigan ng bading tapos biglang kikindat sayo sabay kagat ng labi..ahahahaha!

hindi lang ako nakikipagtitigan sa mga gangster kung saan saan tsaka dun sa mga sigang walang ibang alam kung hindi makipag-away sa kaya nila. matapang din kasi ang mga mata kaya isang titig ko lang, parang naghahamon na agad ng away…

nga pala..hindi ito si maldits, si jeckass ‘to! hahaha! na-hack ko ang blog niya..ahihihihi😆

gasti: haha! uu ngyari na nga yun sa parlor. tumakbo na lang ako palabas…oist pano mo nahack yang acct nya? lols! uu ikaw nga si jeckass kasi pareho ng ip dun sa jeckyll na blog mo..hehe!

2. napunding alitaptap - Enero 31, 2008

ahaha..kuya, feelingero ka e no..wahaha.. tsaring… bakit ba kasi nagbabait-baitan ka… sabagay, gawain ko rin yan dito sa kumbento.. toink!

pero ano ba kasing drama yan, ayaw mong ma-attach, uh? anu daw? wala lang akong masabi….

musta na ang imbisibol blog mo, imbisibol parin?

gasti: suplado kasi ako😀. ayaw ko lang makihalubilo kasi matatanda na sila parang OP ako kung sakali saka mas gusto ko umidlip na lang sa byahe lagi kasi akong puyat. syempre naman imbisibol pa rin ang blog na to. u can’t see me.🙂

3. McRey - Pebrero 1, 2008

WAW… ito na sisikat ka na sa mga shismosa.

Hahaha… an dami daming koreano’t koreana sa bansa… yung tinuturuan namin ng english eh pabalik na sa bansa nila…

Sa school, san mang sulok eh makikita mo sila… ambilis magsalita, pati sa bus… at may kinakain pang sandwich na pangmayaman…

tapos tanong ng tanong tungkol sa bora hindi ko naman alam pumunta dun…

At isa pa, may schoolmate din akong na nag-aaway (magshota) at yung babae, pinapalo yung lalaki – tapos yung lalaki pinipigil yung mga palo… parang sa pelikula.

Tinawag ko yung mga kaklase ko tapos pinanood namin…

naka 50 pesos din ako sa viewing fee… hahha.. joke lang.


gasti: hehe! teacher ka pala😀 andami na nga koreans ngyon sa pilipinas pati na rin koreanobelas sa tv at pirated dvd. enjoy nga manood ng mga magsyotang nagsasapakan lalo na’t talo yung lalaki..:D

4. linglingbells - Pebrero 1, 2008

naku! maraming nag-aaway na mga kalalakihan sa mga tinginang ganyan, lalo na sa daan.. ganyan din kasi kuya ko, ayaw niyang tinititigan siya ng masama.. dati, may nakasakay ako sa jip, lalaki, biglang bumaba at sinuntok yung isang lalaki na nakatayo lang.. ang dahilan ng pagsuntok niya: masama daw kasi ang tingin nung lalaking yun sa kanya.. nakow! ingat-ingat sa mga ganyang tinginan..

gasti: mukhang maangas din yung nakasakay mo sa jeep. ewan ko nga ba kung anong meron sa tingin ng iba eh kasi parang laging problemado at bisangot ang mukha. ano yun parang aso na hindi ka pwede makipagtitigan dahil bigla ka na lang kakagatin.

5. randomdemeanor - Pebrero 2, 2008

langya!!! ui..jeck…halata naman na indi ikaw yan…sa haba ba naman ng comment mo eh…hehhehe..juk lng…ako di naman mas mahaba ang comment minsan (kadalasan nagmumukhang post na)…

buti naman hindi ka sumali sa usapan ng mga chumechevur ng mga MRS.oldies na yun bosing gasti,…kasi…magmumukha ka ring chismoso..har har har!!!

gasti: uu nga eh hindi magandang tingnan at pakinggan…mas gusto ko pa matulog kesa ganun.

6. lilmiz - Pebrero 3, 2008

hindi ka naman nadapa pagkatapos mong bumaba? kung uu, malamang pinag-usapan ka nga ahehe😛 ako naman ay inde tumitingin o nakikipagtitigan sa strangers lolz! siguro kung kelangan lang silang kausapin, otherwise kiver ahehe kaya kung may mangyari mang hindi maganda sa paligid ay hindi ako pede maging witness, wala akong maa-alala sa mga mukha haha maliban na lang kung fafable haha😀

gasti: buti naman at hindi ako nadapa. mas madali naman akong makatanda ng mukha kesa pangalan kahit madilim pa yan…ikaw talaga basta gwapo naka-save na agad sa database ng utak mo.

7. wei vines - Pebrero 3, 2008

ahehehe..minsan ganun ginagawa ko, tinitigan ko nga masama yung makakasalubong ko…hindi naman sa masama talaga tingin ko, nagiging ganun lang kasi malabo yung mata ko ^^

gasti: haha! ngyayari sakin yan masama tingin ko kapag mainit..seryoso rin ako kadalasan kapag naglalakad pero wala namang nagreklamo na masama ako makatingin.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: