jump to navigation

for mankind Pebrero 1, 2008

Posted by gasti in pass muna.
trackback

isang online interview ang aking natanggap mula sa isang blogger na may code name na geisha (uu gay-sya). di ko alam kung ano ang iniisip nya sa mga sumandaling ito at kung ano ang buting maidudulot ng mga sagot ko sa kanya kaya ganito na lang…gagawin ko ito alang alang sa lahi ni Adan. itatayo ko ang bandera ng mga barako. Spartaaaans! prepare for battle.

simula na ng tanungan.

  • Pag nasa CR ba kayo, hindi kayo naiilang sa katabi nyo?

gasti: minsan uu. lalo na kapag nakikidungaw yung katabi ko. potek ilang beses na ngyari sakin yun nakakaasar na nakakatakot kasi pormang lalaki naman pero bading pala.. sa ganitong pagkakataon applicable din ang katagang “mind your own business”.

  • Ano ang sekreto nyong mga gwapo? (ano meron sa kikay bag?)

gasti: *ehem! ehem! sinong gwapo? lols! basta ako walang sikreto. wala rin akong kikay bag. continuous lang ang pagligo ko araw-araw. pagminsan gumagamit ako ng patay na corals para panghilod.

  • Nakapasok na ba kayo sa girl’s CR?

gasti: uu naman. sa girls cr ako naliligo nung hayskul kapag may in-campus training ang CAT. sarap ng feeling. parang dama ko ang presensya ng mga kababaihan sa paligid ko. lols!

  • Bakit pag nakakita kayo ng magandang legs tumutulo laway nyo?

gasti: hephep! hindi tumutulo ang laway ko sa magagandang legs. kayganda lang pagmasdan lalo na kung makinis..kaya nga nakabuyangyang yun eh para ipakita sa madla..walang masama dun. pwera na lang kung hihipuin mo na.

  • Bat ang hilig nyo mag-inuman? Masarap ba malasing? huwag nyo ibabalik sa ken ang tanong na yan!

gasti: para sakin kasi mas lumalabas ang totoong kakulitan ng isang tao kapag sinapian na ng espirito ng alak. tuwang tuwa rin ako makipagkwentuhan sa mga taong lasing dahil karamihan ng mga sikre-sikreto ay lumalabas. pero hindi ako madalas uminom. masarap din malasing paminsan-minsan.

  • Ano feeling ng tinititigan kayo?

gasti: depende sa tumitingin. kapag lalaki, weird. pinagdududahan ko agad ang kasarian. minsan tinatantya ko rin baka naghahamon ng away..kapag babae naman tinitingnan ko kung matapobre baka may nakita lang sya kalait lait o kakatwa sa itsura ko kaya sya nakatingin. pero kung may kasamang nagpapacute na ngiti ang pagtitig nya sabay kagat labi eh napapangiti na lang din ako.

  • Eh paano kung bading yung tumititig?

gasti: ayoko ng tinititigan ako ng bakla lalo na kung hindi ko kakilala. nilalayo ko agad ang tingin ko dahil paniguradong makikipag usap na yun at magtatanong ng size ng paa ko at kung ano-ano pang kalokohan.. may baklang lumapit sakin dati at nagtanong “open minded ka ba?”. eto sagot ko. “uu pero hindi ako pumapatol sa bakla kung yan ang ibig mong sabihin”.

  • Do you really keep “secrets”?

gasti: syempre. ang totoong lalaki hindi “madaldal”. meaning putak ng putak at hindi marunong magtago ng dapat itago. pero hindi lahat ng lalaki ganyan mag isip. may mga kakilala rin akong kiss and tell na lalaki.

  • Nagwa-gwapuhan din ba kayo sa ibang lalaki?

gasti: kung gwapo o pogi marunong naman ako tumingin nun. minsan iniisip ko na lang na ano kaya ang buhay ko kung sa akin napunta ang mukhang yun. kung artista naman sya at walang talent sa pagsayaw o pagkanta, pinagtatawanan ko na lang.

  • Ano feeling? Nakakabading ba?

gasti: hindi. kung lalaki ka talaga wala kang mararamdamang kahit anong pagnanasa sa kapwa mo may betlogs. hindi iskrimahan ang gusto kong laro.

  • Gwapo ba si Richard Gutierrez?

gasti: based on tv’s and magazines, gwapo talaga yun. sige nga pano mo naman masasabing panget ang isang richard gutierrez? pag nilait mo yun obvious na insecure ka.

  • Baket ang hilig nyo sa wrestling? Scripted lang yun di ba.

gasti: nasa 80’s era pa nanonood na ako nyan. nahilig ako sa wrestling dahil gusto ko manood ng maaaksyong eksena. scripted nga yun pero the hazards are real. astig! matututo kang magbalibag ng tao na hindi gaanong nasasaktan.

  • Umiyak ka ba nung namatay si Ultimate Warrior, si Bret Hart o si Eddie Guerrero?

gasti: kalokohan na yang may paiyak-iyak epeks pa. nalungkot ako ng mamatay si eddie guerrero kasi sayang sya. hindi man lang nya ko pinamanahan ng kahit isang kotse nya. patay na si ultimate warrior? hehe! di ko nabalitaan yun ah huling panood ko pa kasi sa kanya eh nung 90’s pa. wala rin akong pakialam sa adik na yun…at tungkol naman kay bret hart, buhay pa po yan sigurado ako dahil nagkita lang kami kagabi. kakalagay nya pa lang sa “hall of fame” ng WWE eh! baka si owen hart ang tinutukoy mo. wala rin akong pakialam sa kanya.

  • Bakit ang dami nyo pick-up lines? San nyo ba napupulot yan?

gasti: hindi ako gumamit ng pick-up lines kahit kelan· naco-cornyhan ako.

  • Bakit ang hilig nyo sa hentai or porn?

gasti: nahilig lang ako dyan nung nasa hayskul dahil nag eexplore pa ako nun. ang mga lalaki talaga ay dumadaan sa stage na ma-curious ka sa ganyan pati mga babae ay nanonood rin ng porn! hindi lang kami. sa ngyon, bihira na ako makapanood ng ganyang klase ng palabas dahil marami na akong alam. depende kung maganda yung bida sa palabas papanoorin ko. andaming nagkalat na scandals ngyon karamihan panget ang bida. sagwa pa ng anggulo.

  • Ano meron sa “boys talk”?

gasti: eto ang sample ng boys talk. iba-iba naman ang topic pero syempre di mawawala sa usapan ang mga chiching.

  • Natotorpe ka ba? Baket?

gasti: torpe talaga ako noon. umuurong dila ko pag nakakakita ng magandang chiching eh! natutuyuan din ako ng laway kaya halos wala na akong masabi sa kausap ko. hindi ko maipaliwanag ang dahilan kung bakit. basta nahihiya ako kapag nginitian na ako ng crush ko noon. pero iba na ko ngyon. walang hiya na. torpe days are over.

  • Bakit kayo nagpupuyat?

gasti: kapag hindi ka pa dinadalaw ng antok, magpupuyat ka. kadalasan naman eh may kelangang tapusin na kung ano. normal yun! may mga nagpupuyat ring babae.

  • Ano gusto nyo gawin ng girl pag hindi talaga kayo gusto maging bf?

gasti: mas maigi kung friends na lang. yung totoong friend na hindi nagkakailangan sa isa’t isa kahit alam nyang type sya nung isa. ang gusto lang naman namin ay gawin kaming sex slave yung makitang masaya ang mahal namin.

  • Bakit kayo mahilig sa blue?

gasti: red ang paborito kong kulay nung umeere pa ang bioman sa telebisyon. nahilig ako sa blue nung hayskul pero nagsawa rin ako lalo na sa skyblue na kakulay ng suot ng drayber o kundoktor. mahilig din ako sa black.

  • Di ba pink is a masculine color? bakit ayaw nyo mag-pink?

gasti: kelan pa naging masculine color ang pink? hindi naman sa ayaw ko makakita ng pink (except for pink urinals na may nakakasulasok na amoy) kaya lang eh wala akong makitang kulay pink na damit na nagustuhan ko ang design. wala namang kaso ang kulay ng suot mo sa pagkalalake mo. depende na lang kung magsusuot ka ng blouse.

  • Natatakot ba kayo sa dilim?

gasti: hindi ako takot sa dilim. ewan ko lang yung ibang lalaki dyan. basta ako buhay o patay ang ilaw sa kwarto ko..makakatulog pa rin ako nun.

  • Pag nag-aaway kayo, bakit gusto nyo suntukan?

gasti: kapag hindi mo na mapigilan ang galit sa katawan mo, kelangan ng ilabas yan. sa suntukan nauuwi ang away dahil ito na yung kinagisnan natin noon pa. pwede rin namang magpaluan ng tubo, saksakan ng basag na bote, o batuhan ng tsinelas..depende sa kilos ng kaaway mo. kung sampalan ang trip mo oks lang yun pero siguradong hindi ka mananalo sa mga suntok ng kaaway mo kasi mas masakit ang tama nun.

  • Eh pano kung babae? di naman pwede suntukan.

gasti: ang babae hindi sinasaktan..minamahal yan. nakapanood ako ng away ng babae sa babae..sampalan,kurutan,tadyakan,sabunutan, hubaran. nanood lang kami ng tropa ko. saya nga eh!

  • Ano ang definition niyo ng “makulit”?

gasti: depende sa mukha ng nangungulit. may nakakaasar at may nakaka-inlove na kakulitan. meron ding makulit na nakakapagpatigas ng muscle. kadalasan naman “cute” ang definition nito.

  • Bakit ang hilig nyo magregalo ng stuff toys? Last resort ba yun pag wala ng maisip?

gasti: default nga yan kapag mahirap regaluhan ang isang babae. at dahil sa mahilig sa stuff toys ang mga chiching ay eto na rin ang magandang ipangregalo. masarap isipin na kahit wala ka sa piling nya eh yakap yakap nya at pinaglalaruan ang sex toy stuff toy na bigay mo. katabi pa sa pagtulog.

  • Gusto nyo ba regaluhan din kayo ng stuff toy?

gasti: naregaluhan na rin ako ng stuff toy dati. yung malaki pa. natuwa rin naman ako kasi first time ngyari yun. gabi-gabi ko rin yun kayakap hanggang sa kumupas na lang ang kulay nya.

  • Do you really keep secrets? ganun?

gasti: makuntento ka na sa sagot ko kanina sa taas. hehe! magaling ako magtago ng sikreto dahil madalas eh nakakalimutan ko lang ito.

  • Baket defensive kayo madalas?

gasti: kelangan rin namin ipagtanggol ang sarili namin at ayaw namin na pinagmumukha kaming masamang tao. kelangan mong sagutin ang mga paratang sayo lalo na kung alam mo sa sarili mong wala kang ginagawang mali.

—end of conversation—

P.S. kung may mga katanungan rin kayong naiisip na ibato sakin, sarilinin nyo muna. ayoko na muna sumagot ng maraming tanong😀 nakakagutom pala to.

o pano mga kids hanggang sa muli..paalam!

Mga Puna»

1. karmi - Pebrero 1, 2008

haba ng interview.

basta para sa akin, mas gwapo ka kay richard gutierrez! hehehe..😀

gasti: ayun lang! haha! syempre kaibigan kita eh😀

2. FerBert - Pebrero 1, 2008

haba ng sagot.. maikli lang sa mga sagot ko kay geisha eg.. lol

http://eardrama.blogspot.com

gasti: hehe! nabasa ko rin yung mga sagot mo..mahaba rin naman yung iba😀 obvious na may ibang appointment kaya nagmamadali sa pagsagot. hindi lang sagot ko ang mahaba sakin pards..mabuti ng maliwanag lols!

3. xienahgirl - Pebrero 1, 2008

kala ko sikret ng mga gwapo
e ang MASTER
ehem ehem
hahaha

gasti: dahil marami ng girls ang nakakaalam ng master by eskinol..hindi na sikret yan. gumamit din ako nyan nung hayskul pero tinigilan ko na.

4. koreanmine - Pebrero 1, 2008

aww galing mo pala sumagot, nakaka aliw, yung mga banat mo, na2ral na na2ral…prang 3p din tuloy kitang interviewhin, mahilig p nmn ako dun lalo na at game ang sumasagot, kaso may warning ka na eh … chaka na lang😀


gasti: haha! sige nga anong klaseng set ng tanong naman kaya yan..hmmm..kalabitin mo na lang ako pag ready ka na😉

5. MARU - Pebrero 1, 2008

hanepppppp! anong sinabi ni richard gutierrez sa interview na itetch?! amp! ramdam ko na feel na feel mo ang pagsasagot mo sa mga tanong. nagutom ka ba? hirap ba maging HUNK? hahaha!

bilib din ako sau, at kinaya mo ang ganitong karaming tanong.

gasti: hahaha! langya! i can feel it.:D nalipasan nga ata ako ng gutom kakasagot neto.

6. McRey - Pebrero 1, 2008

Ang kulit…

Ano ibig sabihin ng pick-up lines?


gasti: sila badoodles at maru may mga naipost ng ganyan..andami nun! yan ang ginagamit ng mga barakong paunang salita para makapick-up ng girls

7. geisha - Pebrero 1, 2008

HAhahhahahhaha😀

ang galing🙂

wala akong masabi sa mga sagot mo! ang galing mo gasti!

thanks for the answers!

later ko na sasabihin kung ano personality disorder mo..hehehehhhe😉

You got a hundred points!

gasti: teka personality disorder ba kamo? lols! may sayad ako.

8. jeniffer - Pebrero 2, 2008

haikz… napakatsismoso naman ng nagtanong sayo, pati sa CR tinanong pa. hehe

gasti: haha! ang kulit nga eh! ok lang naman sakin kahit san mang sulok ng mundo. game ako dyan.

9. Lenggai - Pebrero 2, 2008

ang masculine naman ng mga sagot… pero ang pinakapatok sa akin eh ‘yung sa pink na damit… lol!!!😀

gasti: hehe! maskulado kasi ako eh lols!

10. randomdemeanor - Pebrero 2, 2008

talgang masarap pumasok sa CR namin..amoy babae kaseh…ahahha…naranasan ko na rin pumasok sa CR ng mga lalaki…ayoko ng amoy,….di ko na ididiskrayb kumbakit…basta ayoko sya..hahha..

gusto kong napapakinggan ang mga lalaking nag-uusap..wala lng..interesante kasi…

sa lahat ng sagot mo, ito ang pinakada-best para sa akin…

“mas maigi kung friends na lang. yung totoong friend na hindi nagkakailangan sa isa’t isa kahit alam nyang type sya nung isa. ang gusto lang naman namin ay (gawin kaming sex slave) yung makitang masaya ang mahal namin.”

kakatats naman…

gasti: mas malinis nga ng onti yung cr ng girls kumpara sa boys pero pare-pareho lang mapanghi mga ihi natin😀
marami kang matututunan sa usapang lalaki hindi lang puro tsismisan walang halong kaartehan…hehe! yung tungkol sa sagot ko, totoo yan. mas ok sana kung ganyan na lang lagi para everybody happy.

11. joice - Pebrero 2, 2008

Uy, boto mo naman ako! Nominee ako for Filipino Blog of the Week for week 94. punta ka lang sa http://salaswildthoughts.blogspot.com, check paintmeahappysmile, then click vote. Thanks

gasti: sure! sige suportahan kita dyan.

12. McRey - Pebrero 3, 2008

Pahabol lang po kung pwede?

Please say your pray for my beloved dog on her guestbook. >>Sign here


gasti: uy pards nangggaling na ako dun..condolence ah nakakalungkot talaga mamatayan ng alaga..

13. brath - Pebrero 4, 2008

hay mga lalake talaga,,, la lang, minsan nga gusto ko maki join sa usapang lalake kaya lang kapag nandun nako, natatahimik na silang lahat kainis ano?

xiao!

gasti: hehe! nakakailang kasi minsan kapag may babae lalo na’t maselan ang topic at pa-demure yung babae…baka kj pa.

14. liedetector - Pebrero 4, 2008

parang the BUZZ! Exclusive one on one interview hehehe🙂

gasti: uu nga eh! feeling ko si boy abunda lang nag iinterview sakin🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: