jump to navigation

tablado Pebrero 4, 2008

Posted by gasti in balitang isports.
trackback

isports

lilinawin ko lang po mga kaibigan..hindi ako albularyo! pramis.

hindi lahat nadadaan sa pang aakit. dapat kaakit akit rin ang mukha mo. kung tablado ang itsura mo eh kahit anong tips ko pa ang i-apply mo, paniguradong mahihirapan ka pa ring mapasagot ang type mong chiching. ganito na lang tip ko sayo. magpayaman ka.

at bakit naman napadpad dito ang paghahanap ng “bunga ng kawalan ng makain”? syet! i demand an explanation! hindi ako yun. payat nga ako pero marami naman akong kinakain. buksan nyo pa ref namin maraming laman.

sa mga naghahanap naman ng chowking goto photo, bumili na lang kaya kayo dun para naman makakain na kayo kesa naman titigan nyo lang ang picture sa computer..di kayo mabubusog nyan.

—– end of searching—–

breaktime muna tayo ngyon mga pards. napapansin ko na kasing napapadalas ang mga search terms na “balitang isports” sa blog ko. bihira naman ako magpost ng tungkol sa pampalakasan..ang naalala ko lang na nai-post ko sa kategoryang ito eh >>>ito<<< lumang luma na.

kaya eto na po ang inyong lingkod gasti houtenco maghahatid sa inyo ng balitang pampalakasan.

draw
darchinyan: you’re going down man! looks like my punches are now hurtin’ you! huh!
gorres: arrrgh sakit ng ngipin ko.. manahimik ka dyan!

inabangan ko rin ang laban na to simula ng i-announce ng IBF na kung sino man sa dalawang kolokoy na ito ang papalaring manalo ay magkakamit ng isang raffle ticket para lumaban sa kampeon.(translation: title eliminator match). si Z Gorres na may bansag na “butsoy” na hindi maipagkakailang pinoy dahil sa ilong laban naman sa isang boksingerong maraming satsat at predictions imported from Australia na isang Armenian fighter..si vic “raging bull” darchinyan.

nakasaad sa dyaryo na ang laban ay live or partially delayed telecast sa Feb 2 ch. 5 alas otso ng gabi. at dahil sa Cebu ginanap ang laban, naniwala ako sa tsismis na to. pero namuti na lang ang mata ko kakahintay ng boxing dahil walang ipinalabas kundi wrestling. luma pa! tapos ko na mapanood yung royal rumble sa pirated dvd eh nasa “royal rumble qualifying match” pa lang ang ipinapalabas. buti na lamang at may libreng internet dito sa opis kaya hindi pa rin ako nahuhuli sa balita..balik tayo sa boksing..buti na lang rin at may namataan akong commercial na sa Feb 3 na daw ang airing ng boksing match nila gorres..ibang klase talaga. ganun na ba kalayo ang cebu ngyon at hindi nila maipalabas ang laban sa mismong araw ng labanan? ambot sa imo lubot!

linggo. ♫paggising sa umaga sermon ang almusal bago pumasok sa kubeta♪ lalalala….seryoso naman akong naglalaro ng nba live 08 sa aking pulang psp slim habang nanonood ng koreanobela sa tv si yaya ng biglang naalala ko na may boksing pala.

gasti: syettt!!! may papanoorin pala akong boksing! alas dos na pala.
yaya: ah ok fine. sige tulog muna ako. gisingin mo na lang ako pag nakayari ka na.
(in-assume ko na lang na ang ibig nya sabihin sa “nakayari” eh tapos na ko manood. wala kasi ako sa mood.)

dali-dali kong hinanap ang remote para pindutin ang numerong “05” at presto! slow mo replay ng pagkakabagsak ni darchinyan sa round 2. hanep! kampante na ang loob ko sa mga sandaling ito na mananalo ang pinoy..pero hindi pala ganun dahil habang tumatagal, napapansin kong parang lasing na si gorres. mabilis sya nanghina dahil may putok sya (hindi sa kili-kili) kundi sa ulo bunga ng isang accidental headbutt na hindi nakita ng referee dahil uugod ugod na sya. maraming dugo ang bumulwak mula rito na naging dahilan ng pagkalasing nya sa ibabaw ng ring. makailang beses syang tumumba..di ko na nabilang pero madami. merong dahil sa suntok pero karamihan ay dahil sa kapaguran lang. habang si darchinyan naman ay malakas pa rin. parang uminom ng extra joss na hinalo sa redbull ang kolokoy.

nang tumunog ang huling bell, parehong nagsitaas ng kamay ang magkabilang kampo. kanya-kanyang selebrasyon..masaya ang lahat pati na rin ang mga nagsipanood. (kasama na si vic sotto na nakita ko ring isa sa mga panauhin)…ako naman sa loob-loob ko tingin ko parang talo si gorres. kung papogian talaga talo na.

ang resulta. isang judge ang pumabor kay gorres, isa naman kay darchinyan at ang isang judge ang umiskor ng tabla…sumatutal “split draw” ang desisyon. naghiyawan ang mga bisaya at nagkabatuhan pa. tsk tsk! di pa nakuntento sa desisyon. di ko pa sigurado kung may part 2 ito pero malamang hindi na rito sa pinas gaganapin.

sayang dahil walang nanalo sa laban. panibagong training na naman para sa mga boksingero. panibagong pag aantay. sana naman sa darating na laban ni pacquiao ay hindi humantong sa ganito ang resulta.

Mga Puna»

1. xienahgirl - Pebrero 4, 2008

ang sa search engine ko naman
ang results na lumabas para sa site ko

paraan para gumanda

oh wow
panget siguro yung naghahanap
bwahaha

gasti: haha! malamang nga chaka yun..ibang klase ka rin noh may mga pampaganda pala sa blog mo.

2. randomdemeanor - Pebrero 4, 2008

hahahhhaha…buti na rin at naging tabla yon noh…safe na safe ang pusta ko don..harhar har di nasayang…feeling ko, bnayaran ni Gorres yung judge na pumabor sa kanya kasi naman halatang talo na sya…heheh loko lng..

Pero alam mo bosing, ang post na to ay tunog balitang sports talaga!!! ahahaha..pwede kana isalang sa ere!!! wahahah…

gasti: haha! nakipagpustahan ka pa pala..buti na-save yung pera mo…ayos! stepping stone ko lang tong blog para maging sportsnewscaster balang araw tapos sasabak na rin ako sa mga titilating films.

3. madbong23 - Pebrero 5, 2008

naalala ko tuloy yung yumao kong lola sa mother’s side. napagentle at graceful na tao, pero pag nanood na ng boksing talo pa ang isang buong cheering squad kung makasigaw!

gasti: hehe! ganyan din ang lolo kong yumao na..yung mga tipong totoy pa lang si pacquiao at napapanood sa blow by blow..napredict na ng lolo ko yun na magiging kampeon sya…anlakas magmura nun pag naeexcite!

4. FerBert - Pebrero 5, 2008

hahaha.. kung di mo pa ipinost tong entry na to di ko pa malalaman na may seach engine ka.. mapaglaruan nga yan mamaya.. ahaha

gasti: hehe! sige gudlak dyan sa pagkalikot mo.

5. Maldito - Pebrero 5, 2008

mga pesteng search engine na yan…weirdo nila..ahhehe…walang matinong pumupunta sa site ko….yuhoO!!wala si boss!!!next post na ang mga dinagyang pics…cguradong matutuwa kayu..lols


gasti: hehe! ayos sige kikilatisin natin ang mga pics na yan. wag puro pulubi ah!

6. linglingbells - Pebrero 5, 2008

sa search engine ko naman, may ganitong nakalagay:

siko sa boobs sa fx
m2m erotika

dami talagang hmmm na tao! hehe! pag lumaban si pacquiao, nafefeel ko na panalo siya, tapos may rematch kung saan matatalo naman siya tapos may ikatlong paghaharap kung saan magiging tabla naman ang laban.. sa pang-apat na paghaharap, hmmm.. talo si pacquiao! tapos, magreretire na siya! o diba??!! ayos ang prediction ko! hehe


gasti: haha! ayos! ano naman kaya ang mapapala ng naghahanap ng “siko sa boobs sa fx”? weird! natawa nga ako ngyon lang eh kasi may nakarating sa blog ko gamit ang “maskuladong katawan” lols! obvious na naligaw lang.
lupet ng prediksyon mo umabot pa talaga ng 4 na laban..hehe! nakakasawa na kung puro mehikano kalaban ni pacquiao sana sa susunod negro naman para mukhang matigas.

7. livingstain - Disyembre 22, 2008

search engine… hai bakit kaya ganon un… best blog…

merry christmas


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: