jump to navigation

long cut Pebrero 5, 2008

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments.
trackback

dahil na rin siguro sa kawalan ko ng social life at pagkabagot sa opisina bunga ng maghapong pakikipagtitigan sa monitor, napagpasyahan kong tahakin ang masikip, makipot at mataong lugar pauwi. adventure in the making.

maaga akong umalis ng opisina dahil nakaramdam ako ng kakaibang sigla sa ideya na to. binaybay ko ang kahabaan ng julia vargas hanggang sa makarating sa istasyon ng mrt. as usual punuan na naman at makikisingit na naman ako sa mga taong nakabalandra sa may pintuan dahil ayaw nilang pumasok sa parteng gitna ng tren. pagkalusot ko eh tinaas ko agad ang aking matipunong mga bisig para abutin ang pinakamataas na makakapitang bakal. no choice kasi wala na akong ibang nakitang pwedeng kapitan..marami ng nag aagawan sa gilid..ayoko namang makipagholding hands sa kanila..puro lalaki yun. at ayoko naman kumapit sa pototoy ko dahil masagwa tingnan…habang umaandar ang tren ay taimtim kong sinisilayan ang kahabaan ng edsa. ang robinsons galleria. ang edsa shrine. at ang mga ga-langgam na tao na naglalakad sa ibaba ng tulay.

maya maya pa tumigil na ang tren sa may bandang cubao at ako ay lumabas na ng pintuan. ito ang gusto ko sa mga tren..di mo na kelangang sumigaw ng “para!” para mapahinto di gaya ng sa jeep o bus…mabilis pa ang byahe…ang cubao na siguro ang isa sa pinakamataong lugar sa metro manila. marami akong karanasan sa lugar na ito. isa na run ay nang alukin ako ng short time ng isang pokpok malapit sa mga sinehang maantot at maipis. kadiri. mukhang di naliligo ng katawan. panay dilig lang siguro sa hornyflower nya. . anyways dumiretso na ko ng farmers para magpalamig ng kaunti. tapos ay tumungo naman ako sa may gateway para makiraan ulit papuntang sakayan ng fx. habang nasa loob ako ng mall na ito ay di ko maiwasang magpalinga linga. mahirap talaga tumingin ng diretso kapag nasa loob ka ng mall..matagal ko ng inaaral kung paano magpigil pero wala pa rin akong mahanap na mainam na solusyon dito. siguro in-born ang pagiging alerto ko. masarap tumambay dito lalo na kapag uwian.

makalipas ang sangkaterbang pagbubuntung hininga ay nakalabas rin ako ng gateway mall. nag abang naman ako ngyon ng plakard na byaheng “montalban” ngunit sa kasawiang palad ay wala akong nakita ni-isa sa kanila. puro cutting trip ata ang mga walangya! maya-maya pa may lumapit sakin na isang lalaki at nagtanong..”pre dito ba dumadaan yung mga byaheng san mateo o kaya montalban?”. na mabilis kong sinagot ng “oo dito yun. sa pagkakaalam ko”. pareho kaming tinubuan ng ugat sa mga paa dahil sa maling paniniwala. nagtatalo na ang isip ko nitong mga sandaling ito kung sasakay na ba ako ng byaheng marikina o patuloy na mag aantay ng swerte sa kinatatayuan ko..napagpasyahan ko ng sumakay sa fx na aking namataan pagkatapos kong maramdaman na puno na ng usok at alikabok ang pagmumukha ko..binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang isang binibining nakasuot ng uniporme ng isang mamahaling eskwelahan sa may parteng recto na makakatabi ko sa upuan sa pinakamasikip na parte ng fx..sa bandang gitna. pero laking gulat ko na lang ng biglang may nanghawi sa akin na isang baboy ramo na mukhang kagagaling lang sa isang construction site at mabilis na umupo katabi ng chiching. bwiseeet!!! mabilis kong isinara ang pinto at naglakad papalayo sa fx na yun. kaya ko pa naman maghintay.

makalipas ang isang siglo, nakasakay rin ako sa byaheng Ampid. hindi pa ito yung sa may amin pero sinakyan ko na rin at least malapit lapit na. kamalas malasan ko eh mukhang sira pa ang aircon ni manong driver..isama mo pa ang walang ipinagbagong daloy trapiko sa cubao. ganito rin ang eksena 8 yrs ago nung hindi pa nagagawa ang megatren…pagdating ko sa Ampid ay nag abang ulit ako ng masasakyan..napatingin ako sa mga batang kalye na nakatambay..naulinigan ko kasi ang isang joke na mukhang ipinamana pa sa kanya ng kalolo-lolohan nya. “kay ninoy na lang to?!” sabay taas ng hawak nyang sitsirya. “akin na lang! akin!” nag aagawan yung ibang batang nakarinig. “nyahaha! kay ninoy na nga lang ito eh! hindi ko kayo bibigyan”. gusto kong maiyak pag nakakarinig ako ng ganito kamais na biro.

nakakita naman ako ng fx at umupo sa parteng likuran. sa wakas malamig na sa loob. mabilis na ang byahe at 10 piso na lang ang binayad ko hanggang sa sakayan ng traysikel. pagod at gutom na ako ng makarating sa bahay. naunahan pa ako dumating ni misis na galing pa ng makati. ang saya.

mag iiba na ako ng ruta next time.

Mga Puna»

1. randomdemeanor - Pebrero 5, 2008

buti nama’t di ka nahilo dun sa mga sinakyan mo bosing…may tren, may ep ex, tapos may traysikel pa…pwede ba eroplano nalng sa susunod..adventure nga ang rota na tinahak mo…

kaya lang mahina ka.., yan tuloy naunahan ka ni Mr.Bruno da konsraksyon werker sa chiching na gustong makatabi hahahahah!!!

ayos din ang tripping mo…ma-try nga yan minsan…lolz!

gasti: puro kamalasan talaga inabot ko dyan sa adventure na yan…potek! nakakapagod talaga…try mo! magandang ehersisyo yun.

2. xienahgirl - Pebrero 5, 2008

masasabi ko lang

napagod ako.🙂

gasti: pati ikaw? lols! naipasa ko ang pagod ko sa mga mambabasa nito.

3. lilmiz - Pebrero 6, 2008

hahaha saya naman nyan! sarap sana maglakad, kung wala lang polusyon d2 sa maynila noh😀 .. yang MRT, pakshet yan, para talaga akong narereyp pag nakasakay nyan, bakit ba di nila lakihan o dagdagan man lang kasi.


gasti: habang tumatagal lalong sumisikip yun kasi dumadami populasyon ng Pilipinas eh! saka ang polusyon sa metro manila wala na talagang pag asa..dapat siguro magsuot na lang tayo ng fish bowl sa mukha para iwas usok.

4. linglingbells - Pebrero 6, 2008

naramdaman ko ang pagod mo habang binabasa ko tong entry mo.. pasaway talaga yung mga drayber noh??? may cutting trip pa ng nalalaman.. hehe..

gasti: uu nga eh mga kolokoy talaga…antrapik naman kasi. nagti-trip lang naman ako kaya dumaan ako sa rutang yun eh

5. Jeckass - Pebrero 6, 2008

next time..matuto kang bumaks awt..kailangan sa buhay yun..hahahaha!

gasti: sabi ko nga..baboy ramo yung nanghawi sakin anong laban ko run?! pero next time alam ko na ang gagawin ko.

6. liedetector - Pebrero 6, 2008

buti nga at naunahan ka ni manong kasi may masama kang balak!

gasti: alamo sa totoo nyan eh nagpaubaya talaga ako. ni hindi nga pumasok sa kukote kong tabihan sya.

7. kaith - Pebrero 6, 2008

hay, kaya ayaw ko tlagang lumipat jan sa manila. hindi ko kakayanin ang pag commute. baka may masabunutan lang ako. hahaha. daig mo pa ang nag amazing race sa route mo pauwi. hehehe.

gasti: hehe! uu nga eh! tamang trip lang…pinagod ko sarili ko wala namang cash prize.

8. beer-O - Pebrero 7, 2008

haayyys! watta sad story. babagal-bagal ka kasi kaya naunahan ka ng baboy-ramong yon. lesson learned, dude! bawi ka next time😆

gasti: hehe! nalungkot ka sa kwento ko? lols! dibale marami namang next time eh😀

9. icka - Pebrero 8, 2008

kunwari pers taym mo lang sa maynila. haha. sshh.

gasti: aysus! secret ba natin yan?😀 nasusuya na nga ako sa maynila.

10. beer-O - Pebrero 8, 2008

oo nga maraming next time. 1) next time baka di lang baboy-ramo ang umatake sayo, pati tigre at elepante. 2) next time baka di ka unahan sa upuan, baka ibalibag ka na rin. 3) next time baka palayasin ka ng misis mo pag nalamang tumatabi ka sa chiching sa FX.😆

gasti: hoy wag mo ko takutin! lols! umiiwas na nga ako sa mga chiching eh!

11. beer-O - Pebrero 8, 2008

haha😆 di naman kita tinatakot, dude. maging open ka lang sa possibilities. di rin imposibleng mangyari ang mga yan.hehe😎 umiiwas daw oh. eh halos sapakin mo na nga yong baboy-ramo nang maunahan ka sa upuan eh.👿


gasti: haha! ayoko lang ng nasisingitan ako..yun yon. nakakapagod kasi mag antay sa wala.

12. Poli - Pebrero 8, 2008

Ang saya! Tuwing mag-isa akong gumagala, kung anu-anong klaseng ruta ang sinubukan ko.

Walang tatalo sa pakiramdam na nanakit na ang mga paa at mga binti mo sa paglalakad!

gasti: haha! pareho pala tayo ng trip. mas ok pa nga gumala mag isa minsan kasi sarili mo lang iintindihin mo.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: