jump to navigation

gym bud Pebrero 8, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

super lolo

matagal na panahon na rin pala akong hindi nakakapasok sa loob ng isang fitness gym. wala man lang akong ehersisyo. kung pagpawisan man ako, hindi yun dahil sa marami akong ginagawa kundi dahil naiinitan lang ako..masasabi mo bang nagbabanat ng buto ang isang nilalang na nakaupo at nakatunganga sa harap ng computer?! uu banat na banat na mga buto ko…sa daliri!…lumalaki na rin ang muscles ko…sa mata!. watalayf!

di ko alam kung anong ngyayari sa katawan ko ngyon. pakiramdam ko eh nanghihina ako. maysakit. mukhang kelangan ko ng ecstacy..pampasigla ba yun?! ewan. parang gusto ko na lang humilata sa kama maghapon habang nanonood ng mga chiching na nagbe-belly dancing. kung hei fat choi!๐Ÿ˜€

mukhang kelangan ko na talaga ng exercise. mabuti pa nung nasa elementarya pa lang ako marami akong kalarong taga-iskwater..aktibo pa ako sa mga larong kalye..laging pinagpapawisan. maligalig. nung hayskul naman, laging namamanhid ang katawan ko sa sakit dahil sa mga ehersisyong pinapagawa ng mga opisyal ng COCC..madalas din akong makapaglaro ng basketbol..tapos nung college medyo nabawasan na ang extra-curricular ko. P.E. at ROTC na lang…di na rin ako sumasali sa mga sportsfest dahil laging abala sa paghahapit ng mga projects at thesis…pakikipagbilyar at paglalaro sa computer na lang ang inaatupag namin kapag medyo nakaluwag sa oras. at eto na nga ngyong nagtatarabaho na ko. maghapong nakaupo. pakuya-kuyakoy na lang para hindi mamanhid ang mga binti. puro stretchings na lang ang nagagawa ko.

nasubukan ko rin naman pumasok sa isang fitness gym. nagkayayaan kami ng isa kong kabarkada na patulan ang “superman gym” malapit lang sa kinatitirikan ng bahay namin. gusto nya kasi magpapayat dahil talaga namang malaki ang itinaba nya pagka-graduate namin. ako naman eh gustong mag gain ng weight dahil wala pa ring ipinagbago ang itsura ko sapul ng mag disiotso anyos ako. kabado man pero tinuloy ko pa rin…subok lang.

tinungo na namin ang gym na yun para magpamember. naalala ko pa halos magtulakan na kami ng kasama ko kung sino mauunang umakyat para kausapin yung instructor. langya! para kaming magpapatuli. pagbukas ko ng pinto ay bumungad na sakin ang mga kargador sa palengke, mga tagahalo ng semento, mga stunt men, members ng demolition team, at mga sunog baga boys. nakakatakot! pinagtinginan kami. bababa na sana ako dahil mukhang kakainin nila kami ng buhay sa mga tingin nila nang biglang lumapit ang isang maliit na mama pero ubod ng laki ang katawan. sya na pala yung instructor. mabuti na lamang at mabait pala sya. marami syang kinwento saming “success stories” ng mga pumasok sa gym nya..nakabalandra pa sa mga pader ang mga litrato nya kasama ang mga kapwa adik sa pagpapalaki ng katawan. (akala nila cute sila pero hindi naman). tadtad din ng posters ng mga WWE wrestlers ang paligid ng gym. umaalingawngaw rin ang background song nila ng black eyed peas..(my humps). may namataan rin akong isang grupo na nagkukumpulan sa isang tabi..tumitingin lang pala sa mga pahina ng penthouse magazine..inspirasyon rin ata.

walang aircon ang gym na yun. marumi ang cr. walang locker room. kinakalawang na rin ang mga equipments nila. at isa pa, umaalingasaw ang masangsang at nakakasulasok na amoy basang kili-kili sa loob ng gym. taena! kaya ko bang mamalagi sa ganitong klase ng lugar? sa halagang bente pesos kada session pumayag kami.

pumirma kami ng tigdalawang buwan na kontrata na nagkakahalaga ng 500 piso bawat isa. mura na yun kumpara sa ibang gym na libo-libo ang ibabayad mo…masipag pa kami pumasok nung mga unang araw kasi excited pa magbuhat..dumating sa point na hirap ko na itaas ang kamay ko kapag magbubuhos ng tubig pampaligo gamit ang tabo..hirap na rin akong maghubad at magpalit ng damit. ultimo pagtaas ko ng kutsara kapag kakain ay pahirapan pa gawa ng kirot na sinapit ng katawan ko sa pagbubuhat..mga isang linggo lang ata kami tinuruan nung instructor pagkatapos ay pinabayaan na kami..kanya-kanyang diskarte na. mababait din naman ang mga tao run kaya nawala na rin ang takot at hiya namin..masarap pa sa pakiramdam kapag nakatapos ka sa ginagawa mo. parang may nagbabago sa katawan mo. tumitigas. lumalaki.

marami rin akong naging bloopers sa gym na yun. isa na run ang pagkakabagsak ko ng bakal na bilog na may bigat na 50 lbs. habang nagpapalit ng bigat na bubuhatin. masakit sa tenga ang tunog nun dahil semento ang kinabagsakan. naging “center of attention” ako bigla. malimit din akong magkamali ng tamang posisyon sa pagbubuhat ng ibang aparato nila. madalas rin akong lapitan ng mga nagbubuhat run para sabihing kasing katawan ko sila nung mga nagsisimula pa lamang. maraming nagbigay sakin ng advise kesyo kung gusto ko daw lumaki katawan ko ng mabilisan eh magturok daw ako ng steroids..effective daw yun kaya lang eh may side effect..liliit ang pututuy mo. ah puta! no thanks! di bale na lang.

dumating ang mga araw na naging busy na kami sa trabaho. di na kami nagkakasabay pumunta sa gym. hanggang sa dumalang ng dumalang ang pagpasok namin. isang linggo bago matapos ang ikalawang buwan ay sinubukan kong magtimbang. nadagdagan na pala ng 10 pounds ang timbang ko. olrayt! epektib! yung kasabayan ko naman eh nabawasan ng 7 pounds..masaya na sya run.

yun na ang huli kong punta sa “superman gym”. makalipas ang isang buwan eh nabalitaan ko na lang na nagsara na pala sila. lols! may nagbukas kasing gym sa kalapit na lugar di hamak na mas malinis..may mga babae pang members kaya maraming naengganyong lumipat. isa na ako run. pero hindi chiching ang habol ko ah kundi yung equipments (mabuti ng maliwanag). ok naman yung gamit kaya lang eh nakakatamad talaga magbuhat kapag wala kang kasama. after a week di na ulit ako bumalik dun.

sa ngyon eh nagtyatyaga na lang ako magbike tuwing sabado ng umaga paikot sa subdivision at magbuhat ng dumbells sa loob ng bahay para pagpawisan naman kahit papano..pagminsan ay kinakatamaran ko pa dahil pag weekends lang ako nakakatulog ng mahaba-haba.

Mga Puna»

1. madbong23 - Pebrero 8, 2008

hanep si lolo mas maganda pa ang katawan kaysa sakin lols. may naging kapitbahay akong boksingero daw nuong araw. sabi sa akin ni erpats ay sikat daw ito bago magWW2. nung nasa edad 80’s na siya ay makikita mo pang nag-sha-shadow boxing sa likod ng bahay nila. matindi pati sa tsiks, lahat yata ng tsimay nila tinuhog! ang mabigat kamo ay araw araw ko siyang binebentahan ng isang kahang philip at lapad ng tanduay rum (may tindahan kasi si ermat). ayun umabot pa hanggang 92 yrs bago natigok.

pero oo nga kailangan natin magbanat ng buto ng regular.


gasti: hanep! parang gusto ko na talaga sumaydlayn maging boksingero. mas nakakapanlata kasi pag walang exercise eh!

2. MisyeL - Pebrero 8, 2008

Once ko lang na try mag gym, aysus kinabukasan di ako makabangon at kinailangan kong uminom ng tylenol hehehe… Basta gym naaalala ko ex ko dyan, para kasi syang muscle na tinubuan ng mukha hehe joke!๐Ÿ˜†

gasti: hehe! ako tiniis ko lahat ng sakit..di nga ako uminom ng alaxan eh..hindi rin ako nagtapal ng salonpas..ninamnam ko talaga lahat ng kirot.

3. linglingbells - Pebrero 8, 2008

ako din! kelangan ko yan para pumayat naman ako.. tuloy-tuloy na ata ang aking paglobo! pero araw-araw naman akong naglalakad, binilang ko mga 4000 steps lang nagagawa ko kada araw.. ilang beses na nga akong tinawagan ng fitness first kaso lagi naman akong di pwede dahil sa mga skulworks.. hopefully sa summer ay makakuha ako ng pe class.. hehe! at namimiss ko ng magbasketbol.. hehe!

gasti: mahal sa fitness first..madami naman ibang gym dyan eh๐Ÿ˜€ buti ka pa may bakasyon..samantalahin mo na yan…talaga naglalaro ka ng basketbol? ayos ah!

4. randomdemeanor - Pebrero 8, 2008

hahahahah…salamat sa post na ito at npatawa ako kahit ayoko…bhaadd day kasi ngayon..di ko makuha ang cellphone ko mula sa repair shop kasi ala akong pambayad!! puta, ang layo pa ng sweldo…ikakain ko na lng yung ibabayad ko sa putakteng chelpun na yun..huhuhuhu..

hemingway, masyadong lihis ang aking comment…nyaahahhahhaha as in nyahahaahahahahahah talga ako sa bloopers mo…bwahahahah!!!!!

ini-imagine ko ang tunog ang tunog na 50 lbs. na bilog na bakal na bumagsak at tumataginting sa semento..bwahahahah..ano kaya expression ng mukha mo nun ha bosing??

gasti: mabuti naman at napaligaya ko kahit papaano ang nakakaburyong mong araw ngyon..di naman obvious na pinagtawanan mo talaga yung kahihiyang sinapit ko eh noh? lols! nangamatis ang mukha ko nun at nilapitan pa nga ako ng ibang nagbubuhat kasi akala nila eh nabagsakan ako.

5. chillidobo - Pebrero 8, 2008

isa din sa mga frustration ko yan eh, yung magkaroon ng six packs gaya ni super lolo dun sa taas. Epektib yon para maka-catch ng atensyon ng mga chikababes, lalo pa pag nag-hanging shirt ako. lols. pag tumanda na rin ako gusto ko yung may mapakita akong pektyur sa mga apo-dobo ko “Heto si lolo nung bago malamang buntis ang lola nyo.” Sabay pakita ng six packs ko na naroroon pa rin (nakatago nga lang sa lata ng skyflakes parang souvenir)๐Ÿ˜‰ tawa ko ng tawa dito!

gasti: magandang motivation yung pic ni lolo noh? parang boy next door lang..:D hindi pa naman huli ang lahat…pasasaan ba’t magkakaron din tayo ng mala-halimaw na katawan..hehe!

6. jojie - Pebrero 8, 2008

meron sa aming gym sampung piso isang buhat sa barbel nilang kalawangin. LOL!

gasti: delikado yan baka matetano ka pa sa barbel nila..mas mahal pa pang-ospital๐Ÿ˜€

7. Maldito - Pebrero 8, 2008

hehehe..plano kong bumalik ng gym next week…..medyo indi na kasi maganda ang masyadong tamad….hay…ako din..una lang ang excitement…after 3 months tumigil na din ako kasi tamad….hehehhee…tamad tamad,..tamad. promise na to…discipline na..next week…balik gym ako..may nga amino pako sa bahay na di nauubos..lols

gasti: haha! baka expired na yang amino mo! tumikim din ako nyan eh pampadagdag ng timbang. balak ko na ring bumili pa ng mas mabigat na dumbell kasi nagsasawa na ko sa binubuhat ko…kelangan mo lang ng pokus! sige gym na! maghahanap muna ko ng mayayaya.

8. koreanmine - Pebrero 8, 2008

hehe c lolo ba ang instructor sa gym na yun? turo mo nga saken Lols๐Ÿ˜†

pero steroids b tlga ang nkakaliit? sabi daw kc yung pag bubuhat mismo eh๐Ÿ˜€


gasti: type mo si lolo? lols! mapapalaban ka dyan. wag ka maniwala sa sabi-sabi. ang epekto ng pagbubuhat sa palagay ko kapag bata ka pa nagsimula ay hindi ka na tatangkad. pero kung size ng pututuy ang pag uusapan, wala naman akong napansing pagbabago sakin.

9. Poli - Pebrero 8, 2008

Ang astig ni lolo. Hehe!

Ako rin gusto kong mag-gym, tumataba na kasi ako. Pero ayoko naman nung katawan na pang-kargador at demolition team. Hehe.

Mukhang nakaka-tetano ‘yang superman gym na ‘yan a!

gasti: uu kelangan may proteksyon ka sa kamay kasi kakapit talaga yung kalawang sa kamay mo pag nagbuhat ka. ako rin ayoko ng katawang pangkargador.

10. dakilang tambay - Pebrero 9, 2008

actually nagtry din ako maggym.. ahaha! sumuko ako.,. d kaya ng powers ko.. ahaha! apir!


gasti: kelangan kasi marami kang sipag powers..mabilis manghina yung ability kong yun eh!๐Ÿ˜€ *apir!

11. linglingbells - Pebrero 9, 2008

opo.. member ako ng varsity team nung hayskul.. yun nga yung nagpapayat sakin noon.. e ngayon, wala na akong kalaro, busy na lahat at saka parang di ko na ata kayang tumakbo.. hahaha!

gasti: galeng mo naman! dinaig mo pa ko. haha! tara laro tayo ng basketball..sa playstation. lols! wala ng takbuhan dun.

12. repah - Pebrero 9, 2008

aba akala ko ex men mo rin.. wahahhaa.. ganyan b mangayari skin pag nag-gym ako.. wahahaha.. auqona..

gasti: ex-men? haha! di naman talaga ganyan ang epekto sa lahat ng pag-gym..adik kasi si lolo sa pagbubuhat mula pagkabata nya kaya nagkaganyan. sige mag gym ka na. picture-an mo sarili mo before and after mag gym:D

13. wei vines - Pebrero 9, 2008

feeling gwapo… hmp! *bitter..* hahah!


gasti: haha! wala kang panama kay lolo noh? macho fafa pa rin.

14. alphasensei - Pebrero 9, 2008

nakakasindak yung lolo sa picture.


gasti: malay mo bigla na lang pumunta yan sa bahay nyo at ligawan ka.๐Ÿ˜€

15. zenzen - Pebrero 10, 2008

ayos ‘tong entry mo. babalik-balikan ko tong site mo, ankulit eh.๐Ÿ˜€ naka-relate ako sa friend mo. kelangan ko na rin pumayat.. ansarap kasi kumain eh. feeling ko may oral fixation ako. tsk tsk.


gasti: hehe! masarap talaga kumain kaya kelangan mo rin sabayan ng exercise. ako naman problema ko hindi ako tumataba.

16. lilmiz - Pebrero 10, 2008

ahaha tamang-tama naman tong post mo kuya.. kasi, nagstart na ako mag-gym nung lunes lang.. wala pa ako masyado gnagawa pero susme ang sakit na ng katawan ko๐Ÿ˜ฆ .. buti na lang libre yung gym (company benefit wee) so kung ayaw ko na, di ako manghihinayang huminto haha .. yup, mas masaya talaga pag may kasama pero dpat yung kasama ay masipag din, hindi puro chika lang hehehe๐Ÿ˜€


gasti: haha! baka naman stretchings pa lang yan๐Ÿ˜€ samantalahin mo na libre naman pala eh! gaganahan ka pumunta ng gym kapag nakikita mo ang epekto sa katawan mo. sige kaya mo yan!

17. karmi - Pebrero 10, 2008

meron akong membership sa Gold’s Gym, pero di na nagagamit. hehehe..

tol, basta para sa akin, maganda na ang wankata mo.. friend kita eh..๐Ÿ˜€ naks…

bola. hehehe..

gasti: haha! halatang bola-bola. marami pa kong kakaining bigas…oist ayos yang gold’s gym.. marami daw artistang member yan.

18. joice - Pebrero 10, 2008

haha mahal ko na si lolo๐Ÿ™‚


gasti: hahaha! magmano ka sa kanya ha! ganyan pala ang type mo?๐Ÿ˜€

19. Fau Rafili - Pebrero 10, 2008

wow ganon ba talaga? ilang beses na kasi akong nagplano. parang hindi ko naman matupad-tupad. badtrip nga eh. buti ka pa.

gasti: maghanap ka ng makakasama para matupad yang plano mo. madami ka naman sigurong free time.

20. xienahgirl - Pebrero 10, 2008

gusto ko magGym๐Ÿ˜ฆ

para naman
makakilala ako ng boylets

yung kapatid ko naggym na
naiinggit tuloy ako๐Ÿ˜ฆ

gasti: sama ka na lang sa kapatid mo. daming boylets ka pa makikita…yung kapatid ko naman kasi walang kahilig hilig sa pagbubuhat.

21. liedetector - Pebrero 11, 2008

yuck si lolo! mas hamak naman malaki ang katawan mo dyan๐Ÿ™‚

gasti: lasing ka ba? malaki kaya katawan nyan..gusot gusot lang.

22. liedetector - Pebrero 11, 2008

basta for me mas maganda katawan mo dyan!

gasti: haha! mukhang epektib talaga yung gayumang hinalo ko sa juice mo.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: