jump to navigation

kitakits Pebrero 12, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

maswerte rin siguro talaga ako dahil may mga kaibigan pa rin akong walang sawang yayain ako gumimik kahit kadalasan eh hindi naman ako sumasama. kahit na hindi ako nagrereply sa mga text nila dahil laging walang load ang celfon ko. at kahit mas madalas ako magpalibre kesa manlibre ay gusto pa rin pala nila akong kasama. how thoughtful, how goldilocks.

“may kitaan sa eastwood mamaya 6-7pm nagyaya si **** punta ka ha!” mga 3pm pa siguro tinext sakin yan pero alas syete y medya ko na nabasa. busy kasi ako sa paglalaro. eksakto namang may librehang nagaganap nung araw na yun sponsored by my hipag na kakasweldo lang sa bagong nilipatang kumpanya at kay misis na nakatanggap ng promotion. parehong lugar ng kitaan iba nga lang ang lugar na kakainan. nahiya naman ako kaya naisipan kong magreply (pagkatapos kong humingi ng share-a-load kay misis). “siguro sa mga sandaling ito ay nagkanya kanya na kayo..hehe! andito rin ako sa libis kasama ang buong pamilya“..pagkatapos kong itype ang mga letrang yan ay biglang may humablot ng celfon ko..hindi magnanakaw. sya yung kumander ko. nakita ko na lang ang sarili ko na nakikipag agawan ng celfon sa kanya..”at sino na naman yang katxt mo?” umaygulay! here we go again…

pagkatapos ng mahabang diskusyunan pinayagan nya rin ako..”sige sumama ka!”. mga kaibigan, hindi ako pinanganak kahapon. alam ko na ang ganitong klase ng istratehiya ng mga babae..kunyari ok pero nag aala-kokey lang pala. bigla na lang hindi ka kakausapin. napagdesisyunan ko ng hindi na lang makipagkita sa mga hayskul bebots. maya-maya pa nagtxt ulit yung isa..nasa paligid pa rin sila at nagpupumilit na makipagkita ako. “sige na sumama ka na nga! ok lang.” haaays ang mga babae talaga ang hirap ispelingin..sala sa init, sala sa lamig.

tapos na ang kainan. sa sobrang kabusugan ay hindi ko man lang magawang ubusin ang isang bote ng san mig light na iniinom ko. sayang yung beer pero mas sayang naman ang kinain ko kung isusuka ko lang rin. maya maya pa biglang kumislot ang celfon ko “andyan ka pa ba sa dencios?”. hindi pa rin pala nila ko tinigilan kahit hindi na ako nakapagreply…pagkabasa ko nun ay biglang may kumalabit sa likuran ko. isang dating klasmeyt ang bumungad sakin..natunton na pala nila ang kinalulugaran ko. ibang klase. pakiramdam ko eh inaresto ako ng pulis..ineskortan pa ko papunta sa kumpulan nila. natuwa naman sila ng makita ako..narinig ko na naman ang mga linyang “wala ka pa ring ipinagbago. payat ka pa rin”. pagkatapos ay pinagbabatukan ko na sila. ipinakilala ko na rin sa kanila si kumander. makalipas ang 15 minutong pakikipagkulitan,balitaktakan, hipuan at picture-an, nagpaalam na rin akong uuwi.

sa totoo lang, mas enjoy ako kasama ang mga klasmeyt ko nung hayskul kumpara nitong sa college. mas madali kasi sila kausap…at simula noon hanggang ngyon andyan pa rin sila. walang sawang nangungulit.

salamat kay chilli nanumbalik ang hayskul days ko..JS Prom season na nga rin pala this month. naalala ko tuloy yung mga kasayawan ko noon…kahit hindi naman talaga ako marunong sumayaw eh kinapalan ko ang mukha ko alang alang sa mga chiching. isang gabing puno ng kababalaghan…awooooo!

Mga Puna»

1. randomdemeanor - Pebrero 12, 2008

hahayz!!! ganyan talaga ang highschool prens…makulit!!! buti nga nagkocommunicate pa rin kayo hanggang ngayon…mula nung….kelan ka nga gumradweyt???? anong taon yun exactly???…hahahahh!!!

at buti nama’t di nagbago…paaaa…sensyoso ka pa rin kahit kinukulit ka na at cge na nga, itutuloy ko na…payatot!!! hahahah!!

kumusta naman si kumander nung pinakilala mo ang tropa mo??? Chismis!!!


gasti: haha! luka luka! inaasar mo pa ko ha!😀 millenium batch ako gumradweyt nung hayskul por yor impormeysyen.
at talagang interesado ka pa sa reaksyon ni kumander..lols! nakangiti naman sya. mababait naman tropa ko eh🙂

2. camilleeee - Pebrero 12, 2008

gasti, nde ka nga pinanganak kahapon. haha

uu nga, bat ba ganun yung mga girls?😉 spell “babae” nyahaha korniks!

namiss ko din tuloy mga katropa ko. mga ‘tadew’! uwi na kyo, huhuhu

gasti: hehe! dyan ako magaling sa pakiramdaman…iniwan ka na lahat ng friends mo? baka di na ulit bumalik yan😀

3. randomdemeanor - Pebrero 12, 2008

nyahahahah!!! dati na kong luka luka!!! hahah!! millenium batch ka grumadweyt nung hayskul????? hahahah!! grade six palang ako nung nag millenium nah!!! hahahahaha..

ai, tama na ..baka sapakin mo na ko!!!

gasti: hahaha! baliw! di nga? grade 6 ka pa lang nun?! ok lang mukha naman tayo magkakabata kung pagbabasehan ang itsura..lols!
don’t u worry hindi naman ako nananapak ng babae..nangungurot lang ako sa singit..hehe! biro lang.

4. beer-O - Pebrero 12, 2008

haha😆 ang saya talaga pag nagkikita-kita kayo ng dati mong klasmeyts. it’s fun to recall the “kagaguhans” and “kabulastugans”. mas gusto ko rin yong klasmeys ko nung hayskul. nung college kasi medyo di ko ma-gets yong iba. minsan ganito, minsan ganyan.😆

gasti: uu nga eh nung hayskul talaga ako marami kinamulatang bagay. tanda ko pa naman 1st yr hayskul ako unang beses nakapanood ng porn.

5. MisyeL - Pebrero 12, 2008

Ang sarap talagang gumimik kasama ang mga kaibigan at namimis ko yan ng sobra. Buti nagkita kayo kahit sandali lang at least nakita ka pa din nila na walang pinagbago payatot pa din (sabi nga ni random) hehe…


gasti: uu nga eh buti naman at matyaga sila..hehe! meron naman nagbago sakin..yung style ng buhok.

6. linglingbells - Pebrero 13, 2008

ako din, kahit may mga kaibigan ako ngayon sa college.. hayskul barkada pa rin ang kasama ko sa mga lakad at adbentyurs! iba talaga sila..

oo nga pala, may tag ako sayo.. hehe!🙂

gasti: yun yown eh! may assignment na naman pala ako sayo..sige tingnan ko magagawa ko.

7. lilmiz - Pebrero 13, 2008

galing, nahanap ka pa din nila😀 baka may something ka sa isa sa kanila kaya ayaw ni mrs. gasti? hehe😛 namiss ko din tuloy hayskul prends ko😦 mga kasama ko sa mga laging napapagalitan haha.. hala millenium batch ka pala? pareho tayo! how could dat be? tapos kinukuya pa kita hahaha

gasti: naku iha kung alam mo lang..lols! ayun naman pala eh magkabatch tayo parang pamilyar nga mukha mo sakin eh baka nakalaro na kita sa patintero noon…sino ba naman kasi maysabi sayong tawagin mo akong kuya? pasaway ka talaga.

8. koreanmine - Pebrero 13, 2008

iba tlga ng HS frends kesa sa college, usually kc sa HS magkakapitbhay so inde nawawala yung komunikasyon unlyk sa college na sa ibat ibang planeta galing😀 …
ako hanggang ngaun , HS berks q p din tropa q😀

*at uyy, ambeet mo pala ha, pde pakialaman ni misis cel mu😀


gasti: meron din naman akong classmate nung hayskul na galing sa mars..ok naman syang kasama😀 pero yun nga karamihan ng makikilala mo sa college eh puro galing probinsya.

mabaet ba ang taong nagpapaubaya ng celfon? no choice eh!

9. iceyelo - Pebrero 13, 2008

Alala ko tuloy yung kakulitan nang hiyskul layp. sarap balikan. di tulad ngayon, mas komplikado ang buhay


gasti: uu nga eh mabuti pa dati buhay eskwela lang ang pinoproblema mo. ngyon dumami na responsibilidad mo.

10. Fau Rafili - Pebrero 13, 2008

naks. oo nga pala. JS Prom season na nga naman pala ngayon. namiss ko tuloy yun. waaaaaaaaaaaaaaah! take me back! take me back please!!!

gasti: itulog mo na lang yan fau baka sakaling makabalik ka sa panaginip mo..hehe!

11. ponchong - Pebrero 19, 2008

pareho pala din style ng kumander natin. baka pebrero din kumander mo. mas mahirap, napagdaanan ko na. hehe…ganyan napapala ng mga pogi, cute at wateber…

ayus talaga dito..

sa uli..


gasti: scorpio si kumander ko kaya magkaiba siguro sila ng style..ahehehe! ako siguro yung wateber..salamat sa pagdaan pards. goodluck sa mga pagdadaanan mo pa.😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: